Chapter 39

7.5K 155 15
                                    

Nagising akong bigla nung may naramdaman kong may kumakalabit at tumatawag sa akin. Anong nangyari? Nakatulog ba ko after ko manood ng game nila Kiefer. Naiyak tuloy ako ng maalala ko.

Mama Mozzy: Anak, what's wrong bakit ka umiiyak.

Alyssa: Si Kiefer po kasi.

Mama Mozzy: Bakit inaway ka ba ni Kiefer?

Alyssa: Hindi pala niya sa akin idinedicate yung Finals MVP award niya.

Mama Mozzy: Huh? D pa nga sila nagchachampion siya na agad MVP?

Alyssa: Po? Hindi pa po tapos yung game?

Mama Mozzy: hindi pa. kaya nga kita ginising eh. Aalis na tayo mayamaya. Nagprepare ako ng merienda para makakain ka kahit konti kasi after ng game pa tayo nila Kiefer magdidinner. Maliligo ka pa ba?

Alyssa: ah hindi na ma nakaligo na po ako kanina. Magpapalit lang po ako ng damit  susunod na po ako sa inyo.

Mama Mozzy: okies bilisan mo huh baka matraffic tayo.

Alyssa: sige po ma.

Buti na lang panaginip lan, kala ko totoo na. Kahit medyo masama pakiramdam ko, manonood ako sa araneta. Mamaya nandun si Mika at makita ko sa TV mabaliw pa ako. Pagkabihis ko lumabas na rin ako agad. Kumain lang ako saglit at umalis na kami.

Dito kami nakaupo sa likod ng bench ng TNT. Pagkakakita sa amin ni Kiefer pinuntahan niya ako.

Kiefer: Hi babe. I'm happy you're here. Ok ka lang ba?

Alyssa: yes hon okay lang ako. Goodluck on your game.

Kiefer: Goodluck kiss (nakapout)

Pinagbigyan ko na, tapos yumuko siya at kiniss yung tyan ko. Bigla naman umingay sa Araneta. Napatingin ako sa screen, kami pala yung nandun. Kumaway na lan ako.

Maganda yung game dikitan. Nasisiko si Kief pero di naman dumugo yung lips niya. Wala rin akong Mika na nakita dito (wag ng BV mga behh). So ok enjoy ako kahit medyo sumasakit sakit yung tyan ko.

Pareho ng ending yung panaginip ko pro ako yung kasama ni Kiefer habang iniinterview siya at tinanong kung may gusto siya batiin and kung kanino dinededicate yung award niya.

Kiefer: Gusto ko batiin yung family who never missed any of my games. To my loving wife (looking at Ly) ikaw ang reason kung bakit laging maganda yung game ko kasi lagi mo ako iniinspire to give my best in every game and with that i thank you. Also, sa lucky charm ko (lumuhod para makatapat yung tyan ni Ly) thank you baby at di mo pinahirapan si Mommy today. I love you both (kiniss tiyan ni Ly).

Ang daming nagpicture hinalikan din ako ni Kiefer. Kinikilig ako. Lagi akong proud sa achievements ng asawa ko. Para na rin akong nanalo pag nanalo siya.

Nagpaalam muna saglit si Kief dahil may post interview pa siya tas magshoshower pa siya after. Nagintay lang kami nila mama dito sa loob ng araneta. Baka wala kasi maupuan pag lumabas kami.  Medyo sumasakit na naman balakang ko, siguro sa sobrang tensyon kanina.

Dani: ate okay ka lang.

Alyssa: okay lang ako Dani. Ang bigat lang talaga.

Dani: baka kambal yan ate.

Alyssa: yun nga rin sinasabi ko kay Mama eh. Malaman namin ng kuya mo sa isang araw pag punta namin ng doctor.

Dani: excited na akong manganak ka ate.

Alyssa: ako rin pero natatakot ako manganak. Hahaha

Dani: dahil masakit?

Alyssa: yup.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon