Chapter 19

8K 142 13
                                    

Sa loob ng limang taon, sa dami ng pagkakataon na pwede akong maging tanga at pagsalitaan si Ly, bakit ngayon pa? Ano bang pumasok sa kokote ko at nasabi ko yung mga yun? Bakit ba kasi ako uminom? Gusto ko na sapakin yun sarili ko sa mga katangahan ginawa ko.

Tulala pa rin ako simula ng nabasa ko yung note na iniwan sa akin ni Ly. Bakit nga ba kasi hindi ko siya nilapitan nung nakita ko siya sa Medical City? Kiefer naman kasi eh. You're so stupid kung ano ano pang sinabi ko kay Ly kagabi. Buntis na pala siya. Magkakababy na pala kami.

Kahit masayang masaya ako sa news na yun di ko magawang magcelebrate dahil iniwan ako ni Ly. Ang malala pa nun kasalanan ko kaya niya ako iniwan. Ang yabang ko pa na hamunin siyang iwan ako at sabihing kayang kaya ko siyang palitan pero ngayon pa lang di ko na alam ang gagawin ko.

Tinry kong tawagan si Ly, pero di niya sinasagot yung mga tawag ko, maaga pa naman baka tulog pa yun, pero worried ako, san siya natulog? Kagabi lang Kiefer parang wala ka ng pakielam sa kanya. Tas ngayon worried ka?

Naguilty ako sa mga ginawa ko simula ng bumalik ako from iloilo and nakita ko siya sa medical city. I've been ignoring her, when all those times all she wanted to do was let me know we're pregnant. To share her joy and excitement for being a soon-to-be mom. Nageffort pa siya and she's right, if i was just brave enough, 2 days ago could've been one of the happiest day of our married life.

Pero dahil tanga, ako ito ang nangyari, iniwan ako ng asawa ko. Napakahirap naman bumawi nito. Dahil yung babawian ko wala na. Ly bumalik ka na, nasaan ka ba? Nagtext na lan ako ng "i'm sorry" i know di enough yun but i just had to let her know that i really am.

Naligo na muna ako, i need to find my wife. I need to know where she is. Pagkalabas ko ng banyo, chineck ko agad yung phone ko baka nagreply or nagcallback si Ly, pero bigo ako. May text, pero galing kay Papa. Cancelled ang practice dahil may meeting ang coaching staff. Buti naman dahil wala akong gana magpractice hanggang di ko nakikita si Ly.

Tinry ko ulit tawagan si Ly, nagring tas biglang nagbusy. Dinodrop niya yung mga calls ko. Ly, sorry na please sagutin mo na yung tawag ko.

Nagulat naman ako ng magring ang phone ko. Kala ko sinagot agad ni Lord yung dasal ko. Pero si mama pala yung tumatawag hindi si Ly. Sinagot ko na lan baka alam niya kun nasaan si Ly.

Kiefer: Hello, ma?

Mama Mozzy: Kief, open the door. Nandito ko.

Kiefer: Ok ma. Wait lang po

Nagmadali naman ako dahil baka kasama niya si Ly. Pero bumagsak ang mga balikat ko nung nakita kong magisa siya. Napayakap na lang ako kay Mama at umiyak na ikinagulat niya.

Mama Mozzy: hey anak what's wrong.

Kiefer: Iniwan na ako ni Alyssa ma.

Mama Mozzy: whaaaaat?

Hinayaan muna ko ni Mama na magkwento, ikinuwento ko naman sa kanya lahat nung matapos ko na saka na lang siya nagreact.

Mama Mozzy: Oh my god Kief, how can you be so stupid?

Kiefer: i know ma, i know.

Mama Mozzy: (naiyak bigla) i hope ok lan si Ly at ang apo ko. Manong, please grow up. Tigilan mo na yung pagiisip ng mga ganyan. See what happens pag inuuna yung selos? Nakakasira ng relasyon yan. Kahit gaano kabait yung asawa mo napupuno din yun.

Napayuko na lan ako, totoo naman kasi kasalanan ko naman talaga lahat. Wala naman ibang pwedeng sisihin sa nangyari kundi ako lan. Niyakap ulit ako ni mama at nagpaalam na.

Mama Mozzy: i need to go. You have to look for her. And if you have to beg her to come back, you do it. Ok?

Kiefer: yes ma ingat kayo.

Pumunta dito si mama para dalawin sana si Ly, dahil alam niyang di kami ok kahapon. She thought nagkaayos kami dahil hindi naman bago na paminsan minsan nagkakatampuhan kami ni Ly. Ngalang nga iba yung nangyari kagabi.

Since Monday ngayon, may training si Ly, dun ko na lan siya pupuntahan. Kumain muna ko ng lunch, bago ako pumunta sa Ultra nagtakeout din ako para kay Ly. Pagpasok ko sa court nakita ako ni etchel, maaga pa kaya warm-up pa lang.

Etchel: kuys musta? Si ate Ly? (Bumeso)

Kiefer: wala pa ba siya dito?

Etchel: huh? Di mo ba kasama?

Kiefer: hindi eh, nagkatampuhan kami ni ate Ly mo

Etchel: hala ka kuys, wag ka magalala darating din yun. Magkakaayos din kayo. Kuys, warm up muna ako ah parating na daw sila coach. Baka late lang si ate

Kiefer: sige ingat.

Umupo na lan ako sa bleachers habang hinihintay si Ly. Pero late na wala pa rin siya. Impossible, hindi naman nalalate yun sa training. Wait nga lang di na ba siya pwedeng maglaro dahil buntis siya? Natangahan na naman ba ako? Sakto naman habang napapaisip ako ay siya naman dating nila coach.

At yun nga nagpaalam na daw si Ly kahapon pa na d na muna siya maglalaro. Bigo na naman ako, walang Alyssa akong nakita. Tinry ko rin tawagan yung ibang friends namin, pero wala talagang nakakaalam eh.

Pati sa Batangas tumawag na ako. Nung una galit na galit si tatay. Pero ng nalaman niyang buntis si Ly, natuwa pero pinapahanap sa akin. Tatawagan niya rin daw si Ly at babalitaan ako kung saka sakali.

Huwag naman sanang umalis ng Pilipinas si Ly. Dito nga sa Manila, hirap na hirap na akong hanapin siya sa ibang bansa pa? Pero imposible rin naman dahil nagriring yung phone niya kailangan lang magtiyaga pa maghanap.

Nagikot na lan muna ako sa megamall. Minsan kasi pumupunta din dito si Ly. Pero wala talaga eh. Umuwi lang akong luhaan..

----

Sorry mga behh nakatulog ang ate nyo.. sabaw update muna later days na ung one big bawi ko. i need to sleep ulet..

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon