Picture 5.2: The Band

Start from the beginning
                                    

Isa-isa silang umiling. Malapit na ang contest pero wala pa ring kanta. Pero dahil brokenhearted ako ngayon ay may naisip na akong kanta.

"Alam ko na kung anong gagamitin nating kanta. Heartache." Sabi ko at nagsimula ng mag-ayos ng gitarang gagamitin ko. Buti na lang may gitara sa bahay, ito 'yong gitarang ginagamit ni daddy dati na ipinamana na niya sa 'kin ngayon. Ginaya naman na nila ako at inayos na rin ang mga instrumentong gagamitin nila.

"Heartache? Ng One Ok Rock?" Tanong ni Hommer habang sini-set ang mga drums.

"Yup. Bakit?" Sagot at tanong ko. Wala namang problema kung iyan 'yon kakantahin namin 'di ba?

"'Di ba may lyrics 'yan na Japanese? Paano 'yon?" Tanong naman ni Vince ng nagtataka.

"Oh ngayon? Wala namang kaso 'yon. 'Edi pag-aralan mo ng mabuti ang kanta. At ako naman ang kakanta sa chorus part, eh. Kaya huwag ka ng mag-alala. Okay?" Kapag sinabi ko dapat gagawin nila. Bossy nga ako 'di ba? Wala, eh. Nabadtrip ako ng malamang sila na. 'Eh di mas lalong nawalan na ako ng pag-asa para kay Zacharias. Stupid life nga naman.

Natapos ang practice namin at nagamay na rin naman agad namin ang kanta dahil pare-parehas naman naming kilala ang One Ok Rock. Sabay-sabay na kaming lumabas ng studio dahil plano sana naming magmeryenda sa cafe malapit sa school. At ililibre ko raw sila dahil sa pinagod ko sila kaka-practice.

Hindi ko akalain na sa dami ng pwede kong makasalubong ay bakit sila pa. Bakit sila Ryner, Risha at Reign pa? Siguro kung ano na ang iniisip nila tungkol sa 'kin ngayon.

Tinaasan ako ng isang kilay ni Reign, ang mataray niyang side ay sa akin naman niya gagamitin ngayon. "Kaya naman pala tinanggihan mo ang Band-A kasi may iba ka na pa lang bandang sasalihan." Sabi niya dahilan para mapayuko ako.

"Sino sila?" Narinig kong bulong ni Vince pero 'di ko lang siya pinansin. Kahit sina Keil, Pin at Hommer ay hindi kumibo. Nakikiramdam lang.

"Akala ko ba kaibigan mo kami? Bakit bigla ka na lang nang-iwan sa ere?" Ramdam ko ang hinanakit sa boses ni Risha. Kahit gusto kong mag-sorry ay ayaw naman nitong lumabas sa bibig ko.

"Sana una pa lang sinabi mo na agad na ayaw mo na sa 'min hindi 'yong ganito. Kinailangan mo pang sumali sa ibang banda. Dahil ba 'to kay Zach? Sana-"

"That's not what you think. Mga kaibigan ko kayo. Alam niyo 'yan." Bigla ko na lang nasabi 'yan. Alam nilang sila lang ang tunay kong kaibigan at kailanman ay hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino man.

"Hindi. Sinungaling ka. You're a-"

"Tama na 'yan Reign, umalis na tayo. Risha, tara." Sabi ni Ryner at hinila na ang dalawa palayo sa akin. Hindi ko na napigilang mapaiyak. Ang gusto ko lang umiwas kay Zacharias pero wala akong planong sirain ang friendship naming lahat. Bwisit naman oh! Pero wala na akong magagawa kung isang sinungaling na ang tingin nila sa 'kin.


ISANG BUWAN ang lumipas, isang buwan na wala kaming pansinan. Hindi ko na ito masyadong dinibdib dahil naranasan ko naman na ito dati. Kung kaya nila akong tiisin, mas kaya ko silang tiisin. Kahit ang totoo n'yan ay gabi-gabi ko itong iniiyakan.

Kasalukuyan kaming naghahanda nina Keil ng mga gagamitin namin. Naka-costume na rin kami kaya wala na kaming gaanong pinoproblema. Tanda niyo 'yong suot ko sa picture dati? 'yon pa rin ang suot ko ngayon. Kasama namin ang iba pang contestant dito sa likod ng backstage. Nasa lima 'yata kami lahat-lahat kabilang na ang Band-A.

Base sa bunutan ay kami ang huling magpe-perform at second to the last ang group nila Zacharias. At ang nakakatuwa pa dito ay si Janica ang ipinalit nila sa 'kin. Well, 'di na ko nagulat dahil ganito naman talaga ang nangyari dati.

UNDONE (Time Traveler)Where stories live. Discover now