Umalis na akong ng bahay nila at umuwi. Nagtatrabaho ako kay Diana ngayon, spy ako. Inaalam ko lahat ng kilos at galaw ni Kyle. Di ko naman talaga gusto  magtrabaho sa kanya eh. Pero anong magagawa ko. Sinubok kami ng pamilya ko pati ng pamilya ni Arvin.

Hindi ako taksil na kaibigan, kailangan ko lang ng pera para sa isa kong anak, kahit si Arvin hindi alam ang trabaho ko. Ang buong akala nya kila Victoria galing ang perang binibigay ko sa kanila.

Nung nasa kwarto na ako, doon ko lang narealize na hindi sleeping powder mix ang binigay nya sakin kundi shabu. Buntis si Amanda, ayokong dahil sakin magiging delikado ang buhay nya. Tama! Itatama ko na ang gagawin ko.

(Amanda's POV)

"Leo, nasa school si Shyle."sabi kay Leo kasi alam ko naman na si Shyle lang ang pinupuntahan niya dito.

"Hindi naman po si Shyle ang pinuntahan ko dito eh, kundi kayo."sabi nya tapos may binigay syang papel sakin.

"Anong gagawin ko dito?"Tanong ko, binigyan nya ako ng pang-grade 1 na drawing.

"Akala ko pa naman magugustuhan nyo. Ang hirap kayang gawin nyan!"sabi nya tapos nagpout. "Alam mo Leo, maganda naman ang drawing mo, syempre nagustuhan ko ito."sabi ko kay Leo.

May sakit kasi sya sa utak eh, simula nung namatay si Sweetheart pati nung namatay ang mommy nya dahil sa car accident.

“Tita Amanda kain tayo!”sabi nya tapos dumeretso sa kusina namin. Kung hindi lang to anak ni ano eh, nabatukan ko na tong lalaking to!

*ring*

Kinuha ko yung phone ko at nakita ko na tumatawag si Victoria. Ano kayang problema nito?

“Hello.”

[Lunch naman tayo, punta ka sa ***** restaurant 1pm]

“Sige”

[Wait kita ha.]

“Ok”

*toot toot*

Bakit ganun? Feeling ko may hindi magandang mangyayari mamaya. Pero kapag hindi naman ako pumunta baka madissapoint ko si Victoria. Ayaw ko naman ng ganun.

Anong oras na ba? 12:30 na pala.

Nag-ayos na ako, nakaligo na ako kanina. Kaya nag-ayos na lang ako. Si Leo ayun nakain lang ng pagkain na nakikita nya sa ref.

“Leo, alis muna ako ha. Nandiyan naman sila Kuya Gino. Kung may kailangan ka, sa kanya ka na lang pumunta ha.”sabi ko sa kanya.

“Ok po!”sabi nya tapos uminom ng tubig.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveWhere stories live. Discover now