SMILE KA KONTI LANG

Zacznij od początku
                                    

===

Staple na talaga sa section namin ang pagpapatugtog ng radyo (but technically it's a karaoke machine) tuwing recess at lunch. Ewan ko lang kung bakit 'yung mga nasasagap lang naming FM stations ay 1.) Barangay LS, 2.) Puro kanta ni Nicki Minaj at various western hip-hop artists, at 3.) 'Yung may 50's music.

It's fun nonetheless.

Kung napapadaan kayo sa classroom namin tuwing lunch, makikita ninyo ang ilan sa mga kaklase kong lalaking nagmimistulang macho dancers habang sumasayaw sa room. Ito ang masaklap: may malaking glass window sa room at pwede kaming makita ng lahat ng dumadaan sa corridor...

===

Filipino Teacher: Sige class, magbigay kayo ng halimbawa ng panlaping laguhan.

Classm8: Miss, ako po! NAKAKAPAGPABAGABAG!!!

FT: Ano? Nakakabagabagag...pweh, sige! isulat mo nga 'yan sa blackboard!

Classm8: (isinulat sa board)

At ang sinulat ni Classm8 sa board...

"nakakapagpabagabag♥"

...ang paboritong salita ng mga Pilipinong nagtuturo ng Tagalog sa mga taong hindi marunong magsalita nito.

TBH, "wow nakakapag-joke pala kayo sa teacher niyo" ang papasok sa mga utak ng estudyante kung iisipin nila kung sinu-sino ang mga teacher namin (puro terror). Noong first year ako, talagang nakakapang-ihi shorts ang tingin ko sa mga teacher ng 4th year. Parang galing sa Twilight Zone. Ngayon, nalaman kong pwede naman palang makipag-joke ang teacher sa estudyane whilst keeping a respectable reputation. Took me long enough.

Teacher ni Classm8 si FT nung 3rd year kami. Sa totoo lang galing si Classm8 sa star section (last school year) at nakakatuwang kasama ang karamihan sa mga nasa star section, actually. They're very, very cool at may sense of humor sila. Balita ko nga noon e meron silang pink na balloon na may drawing ng mukha ng baboy. Pinangalanan nila itong "Piggy", ngunit dumating ang araw na kinailangan nilang i-euthanize si Piggy dahil pakalat-kalat na lang siya sa classroom at ipinatapon na siya ng kanilang class adviser.

We don't say "goodbye", we say "see you soon".

===

Birthday nga pala ngayon nung brigade commander namin, nagstatus siya dahil ginawa raw trending sa twitter 'yung #WeHeartYouCommander___. Dahil birthday niya. Naisipan kong magbasa-basa sa twitter at hanapin ang nialalaman nung hashtag na 'yun (kahit na wala akong twitter account), at sobrang nakakatawa talaga.

Parang 'yung iba e nag-status lang nun "para magka-merits", although I highly doubt that commander will give those plebs merits. Hanggang Facebook lang ang happy birthday ko kay brigade commander (na naging seatmate ko nga pala nung 1st year ako...) so hindi ko na aasahan 'yung non-existent merits ko.

Nakakatawa lang dahil minsan parang kahit ano gagawin ng mga kadete para sa merits. Tulad nung isang beses na sabi sa akin ng kaklase ko na bibigyan daw niya ako ng merit kung ma-i-istapler ko 'yung thesis papers nila using my bare hands, sans stapler. Nagawa ko.

===

It's 12 AM at masyado akong busy sa kakapanood ng mga video ng cheering competition na naganap sa aking alma mater. Mami-miss ko ito, seriously. But you could always visit your alma mater later on, can you not?

Anyway, sobrang kuripot ng principal magbigay ng free time para makapag-practice at makagawa ng props para sa intramurals---

Principal: HI SENIORS, GUSTO BA NINYONG MAG-DRILLS SA CAT NG TATLONG ORAS? I KNOW YOU DO!

Seniors: Ma'am, actually, malapit na po ang intramurals kaya mabuti siguro kung---

Principal: OOPS, TOO LATE.

At bibbidi bobbidi boo, nag-marathon kami ng halos tatlong oras sa CAT at may nangyari sa akin na hindi dapat i-kwento rito. Este, may ginawa akong hindi dapat i-kwento rito. Ngayon na-curious ka tuloy. So much for confidentiality.

===

Dahil malapit na ang Intramurals, may mga taong panay na ang dala ng gadgets sa school (pero ibinibigay o isinu-"surrender" naman ito sa teachers bago mag-umpisa ang klase). Isa sa mga ka-service ko ay nagdadala ng iPhone na naka-iOS 7 na. Naglalaro kami ng 4 pics 1 word parati sa service.

One time, pagkatapos naming ihatid si ka-service sa bahay nila, biglang napa-preno ang service [van]. Naglalaro ako ng 4 pics 1 word noon, nakaupo ako sa bandang likod, tumama ng bonggang-bongga ang braso ko sa upuan. And by "upuan" I mean "I am hereby convinced na hindi upuan ito kundi kahoy na tinapalan lang ng leather".

Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng mga wrestler kapag ibinato sila shoulder-first sa mga turnbuckle, at may maidadagdag na ako sa current scar collection ko sa braso along with the 2 deep scars (na "cute" raw according to my classmate) na nakuha ko dahil nagasgas ako ng plastic envelope, at ang kamay kong mukhang may "freckles" (na pasa) dahil sa pakikipag-ketchup sa kaklase. Hindi ko naman kasi naramdaman na "masakit" kaya hindi ko inakala na ganun pala kasaklap 'yung magiging pasa.

Nahahalata ba ninyong wala na talaga akong maikwentong matino sa Wattpad?

That was a rhetorical question. See you when I'm sane enough to post a decent update. Adios, amigos.

===

Pinapanood ko ulit 'yung mga lumang video ng cheering competitions sa school namin using YouTube. At, wow. Holy shit how could we live up to these standards. Kahit 'yung batch nung nakababata kong kapatid, mas magaling pa sa amin last year (pero in fairness, nagkanda-away-away daw kasi 'yung mga teacher sa batch namin noon kaya hindi gaanong napagtuunan ng pansin ang cheering). Last year, hindi raw kasi nakapag-practice ng matino, so the school grounds was the place where our batch had come to die. Figuratively. This year, if we could live up to the hype (I somewhat doubt it), I'd be astonished. From what I've seen so far, we could probably leave the school as champions---

---if only everyone cooperated in doing the things that should be done before the contest proper. Hindi ako exempted, alam kong tamad ako minsan. Oo nga pala, bakit parang wala pa kaming props para sa cheering? Dahil tamad magdala ng materials ang mga estudyante. Once again, I am no exception - GANYAN TAYO EH ALAM NATIN KUNG ANONG MALI SA ATIN PERO HINDI NATIN INAAYOS!!! Unprettier for Hypocrite of the Year! [audience: *hagis ng kamatis*]

Hmm, makabili na nga ng panggawa ng props bukas...

--x--

THINKING OUT LOUD!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz