CHAPTER 12: TRAPPED

19.8K 283 67
                                    

[Nathan]

Hindi na ako napalagay ng umalis siya sa camp. Alam kong nakita nya ang ginawa ni Czarina. I don't know but I had a feeling that something is wrong. Something is bothering her. Kanina ko pa sya sinusundan. Baka kung saan na naman kasi magpunta ang babaeng 'to.

Nakita ko syang pumasok sa kuweba. See that? Pumapasok nalang basta sa lugar na hindi naman nya kabisado. Ni hindi nga nya alam kung ano ang nasa loob nun. Nagandahan siguro sa mga ligaw na bulaklak sa labas. Wild flower? As wild her? I chuckled in silence as I followed her inside.

Maganda nga naman sa loob. Fresh ang hangin. Makalat nga lang. Matagal na rin palang tambayan ng mga hikers ang lugar. I look at her from behind. May kung anong pinagkakaabalahan sa phone nya.

"Nyssa..?" Alam kong nagulat sya dahil bigla nalang nyang naibaba ang phone nya.

Nilingon nya ako. "I-Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito, Nate?"

Lumapit ako sa kinauupuan nya. Hindi pa ako nakuntento dahil tumabi pa ako mismo sa kanya. Kahit na bakas sa mukha nya ang pagtataka. I just smiled at her. Why? We're friends now right? Friends with benefits? No. That won't happen. "Sinusundan talaga kita."

"Ha? Bakit?" Maang nyang tanong.

"Mukha kasing may problema ka." Tumingin ako sa kanya at agad naman syang umiwas.

"Ang problema nandyan lang yan, Nate." She smiled and shook her head. Damn cool. "Lagi akong meron nyan." Inalok nya sa akin ang cookies na kinakain nya. "Gusto mo?"

"No. Sayo na yan. Mukhang hindi ka pa kumakain." Nireplay ko sa utak ko ang sinabi nya. Lagi daw syang may problema? "Too bad. Parehas pala tayo." Nasabi ko nalang bigla.

"Ano?" Siguro narinig nya. "May sinasabi ka?"

I smiled at her. "Sabi ko. Parehas pala tayo. Marami rin ako nun. They were chasing after me."

Narinig ko ang bahagya nyang pagtawa. "Akala ko ba babae lang ang humahabol sayo?"

"Exactly." We both laughed. Damn she's cute. Kung pwede ko lang palitan yung kalungkutan sa mga mata nya. Kung ganyan nalang sana sya lagi.

"Bumalik ka na dun." Pagtataboy nya sakin.

"Pinaaalis mo na ako?" Maang kong tanong. "Kararating ko palang."

She smiled again saka bahagyang inilapit ang mukha. "Hinahanap ka na kasi ni Czarina." Bulong pa nya.

Wala akong nagawa kundi ang titigan ang kabuuan ng mukha nya. So lovely. Ni hindi ko na nga narinig ang mga sinabi nya. Just looking at her turned me on. "Perfect." Bulong ko.

Nagsalubong ang mga kilay nya. "Per — ..."

Hindi ko na sya pinatapos. I kissed her. Passionately. I miss the taste of her sweet lips. Damn urges. Why with her? Naalala ko lahat ng nangyari sa amin. Heat flowed into my veins. I lose my control when it comes to this woman. Mismong sarili ko, hindi masagot ang tanong ko. Why fucking her!? Palalim na ng palalim ang mga halik ko sa kanya. Ilang sandali pa ay itinulak na nya ako at agad na tumayo.

"Stop!" Galit nyang sabi sakin. Namumula sa inis ang mukha nya. "Stay away from me, Mr. De Vera! Marami na tayong nagawang pagkakamali. Ayoko nang madagdagan pa yun! Naiintindihan mo? Ikakasal ka na! Isaksak mo sa utak mo yan!"

"I'm sorry." Tiim-bagang kong sagot. "I can't. Sinubukan kong layuan ka. Pero hindi ko alam bakit hindi ko magawa! Oo. Ikakasal na ako. Alam ko yun. Hindi ko lang kayang isipin na habang buhay kong itatali ang sarili ko pero hindi sa babaeng laman ng puso ko!" Basta nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wanton Temptation [SPG]Where stories live. Discover now