CHAPTER 10: LIES

10.6K 108 4
                                    


[Nyssa]

Maaga naming sinimulan ang paghahanap sa mga kagrupo namin. Lumilipas ang mga oras. Napapanis lang ang laway ko. Higit kalahating araw na naming hinahanap ang dinaanan nila. Ni minsan hindi ko sya tinitingnan. Hindi ko sya kinakausap. Hindi ako humihingi ng tulong. At wala rin akong reklamo. Sumusunod lang ako kung saan sya dumadaan. Nakabuntot lang ako sa likuran nya. Not too close. Malawak pa rin ang pagitan namin. Hindi rin naman sya nagtatangkang kausapin ako. Siguro alam na rin nya ang isasagot ko. Hindi naman sya tulog nung sinabi ko yun. In fact, I am ready to let go of everything. Lahat ng nangyari sa pagitan namin. Lalo na ang nararamdaman ko para sa kanya. I am going to let go of him but I will never forget what he made me feel. For the second time, I've lost the man I want. Saya di ba? Maybe this is my fate.

Medyo natutuwa lang ako dahil nawawala na ang paga sa paanan ko. Hindi na rin sya sumasakit kagaya ng dati. Yes. Oo na. Thanks to this man. Kung hindi nya ako binalikan siguro hindi na ako nakaalis sa lugar na yun. Well, I've already do him a favor. I surrender my self to him. We had an awesome night. After a very long time.

"Dumaan sila dito ilang minuto pa lang." Narinig kong sabi nya. Muntikan ko na syang mabangga kung hindi siya nagsalita. Nakayuko kasi sya at akmang tatayo pa lang. May bahid pa ng putik ang kanyang daliri. May kung ano siyang tinitingnan dito habang pinaglalaruan sa kamay niya. Sabagay. Ilang beses na rin kasi nya yung ginagawa. Bawat bakas na nakikita namin. Tinitingnan nyang mabuti. Oo nga pala. Army stuff? Hindi ko alam kung totoo yung sinabi nya na yun. I want to know him more. Pero para saan pa kung wala ring patutunguhan? Baka hindi na ako makawala sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Hindi pa sila nakakalayo. Bilisan na natin." Sumulyap lang ako sa kanya saka tumango. I heard him sighed. Ngunit hindi ko yun pinansin.

Maya-maya pa may napansin kaming usok sa di kalayuan. Ilang metro nalang siguro ang layo. I guess he was right. Sila na siguro yun! I was amazed. Totally. Napangiti nalang ako dahil sa wakas makakabalik na kami sa mga kasamahan namin. Akala ko mawawalan na kami ng choice kundi ang bumalik nalang sa Hotel. Ngunit sa kabilang banda, medyo nalulungkot pa rin ako. Why? We're back in reality. Makikita ko na naman silang sweet ni Czarina. Hanggang tanaw na naman ulit ako. But it's okay. At least, for a moment he was mine.

"Nyssa!" Mabilis akong sinalubong ni Abby ng makarating kami sa lugar kung saan sila nagpapahinga. Nakatayo na rin ang kanya-kanyang mga tent. "Saan ba kayo nanggaling? Ano bang nangyari sa inyo?" Usisa pa ulit nya. Alam ko na nag-alala sya sa pagkawala namin.

"Ano kasi — ...." Naputol ang isasagot ko. Napansin kong papalapit si Czarina kay Nathan. Hindi maipinta ang mukha nito at halatang galit.

"Saan ka ba nagsuot?!" Galit na bungad nito sa nobyo niya. "May kasama ka pang babae?! Ni hindi ka man lang nagpaalam sa amin! Bigla ka nalang nawala!" Hinintay ko ang isasagot nya pero nanatili lang siyang tahimik. "So, tell me. You fucked her right??!"

Gulat ako sa narinig. Alam kong rinig rin ng lahat ang pag-uusap nila. Sumulyap ako kay Nathan. Salubong ang kilay niya at halatang nagulat sa sinabi ng fiancee nya. "Excuse me." Sabi ko kay Abby saka lumapit sa dalawa. Wala ako sa lugar para makisawsaw sa away nila. Yes. I'm guilty. Pero ayaw kong masira ang relasyon nila. It was a mistake. Ayokong maramdam ni Czarina ang naramdaman ko dati kay Bryan.

Sumulyap sa akin si Czarina. Halatang inis. "Czarina..." Mahina kong sabi. Ayaw ko na marinig ng lahat ang pinag-uusapan namin. "Mali ang iniisip mo kay Nathan. Walang nangyari sa amin. Tinulungan lang nya ako. I had a sprain on my ankle. Akala ko hindi na ako makakabalik dito. I'm sorry." I know. I know! I was a liar. One big liar. Hayyyy. Wala akong choice. Sumulyap ako kay Nathan. Saka ngumiti. A bittersweet smile. A hint. Ayoko lang masira kayo dahil lang sa pagkakamaling yun.

Wanton Temptation [SPG]Where stories live. Discover now