CHAPTER 4: JEALOUSY

12.5K 152 1
                                    


I woke up. Few minutes before we landed. Rio de Janeiro, Brazil. Perfect. It looks great even at night. We took a cab to the Hotel kung saan kami mag-stay for the whole trip. Nakangiti ako habang nakatunghay sa bintana ng sinasakyan naming cab. Napakaganda tingnan ang mga ilaw na nadaraanan namin. City life. I remember Paris.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napasulyap ako sa rearview mirror. I saw Nate and Czarina kissing at the back of the car.Unfortunately, I was with them. Nasa passenger seat ako katabi ng Brazilian driver ng cab na sinakyan namin.

Mahal nga siguro nila ang isa't isa. I took a deep breathe and sigh. Nathan de Vera. Siguro isa ka nalang sa mga pantasya ko. You will never be mine. I don't have a plan to. Hindi dapat. I've changed.

Inayos ko ang sarili at inalis ang paninibugho na nararamdaman ko. I closed my eyes for a moment and glanced at the mirror again. Nabigla ako sa nakita ko at agad na umiwas. Nathan. He was looking at me. Why would he? Muli akong sumulyap ng mabilisan at nakita ko ang paiwas niyang pagngiti.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa Hotel. It was huge at mukhang mamahalin. Sinalubong kami ng isang babae.

"Hello, everyone!" Bati nito. "Welcome to Rio de Janeiro. Good choice. Anyway, I'm Stephanie. One of Mr. Choi's representative... and also, the supervisor of this excursion. So, if you have any inquiries about this trip or demands, you can come to me at any time of day."

"Great!" si Abby. "Tingin ko mag ienjoy kami."

"Of course. You will." Paninigurado ni Stephanie sa grupo. "So, come on. You guys, should rest and have fun now!"

Pumasok na kami sa loob para mag check in at pumunta sa mga assigned room. Buti naman at individual ang mga kwarto. Ayoko na maging awkward kasama ang mga couple na to. Diretso na akong nagpunta sa room number na ibinigay ni Stephanie at nauna na sa karamihan.

Ibinaba ko ang haversack na dala ko sahig. Medyo masakit rin sa likod dahil masyadong puno ito ng mga gamit. I surveyed the room. It was nice and well-ventilated. I also had a nice view of the city from my window. Huminga ako ng malalim at lumanghap ng sariwang hangin.

Matapos akong masatisfy sa tanawin sa labas ay pumasok na rin ako sa loob. Base sa natatandaan ko, sa isang araw pa magsisimula ang activity namin. Kinuha ko ang booklet guide na ipinakalat ni Stephanie kanina. Mapa ng buong lugar kung saan kami pupunta, mga atraksyon at events na ginaganap sa syudad. Binasa ko ang events since may isang araw pa kami bago pumunta sa kabundukan. I guess I have to enjoy the city first.

"Cocktail party? Mask Ball?" I made a face. "Feast of St. Louis? And hmmm.. Tribe Dance?"

Yung Cocktail Party at Mask Ball ang gaganapin bukas. Hindi na ako nahilig sa mga parties at night events simula ng magbagong buhay ako at umiwas sa addiction ko. So, I guess I have to stay buong gabi bukas para makapagpahinga na rin.

Humiga ako sa kama at bahagyang ipinikit ang aking mga mata. Binuklat ko pa ang booklet na hawak ko. Picture fell on my face. A mountain coated with thick tropical forest. Sierra de Alegre. It was beautiful. Medyo mataas kumpara sa mga napuntahan ko. Quite challenging. Sabi rin ni Stephanie, bihira lang ang umaakyat dito dahil na rin sa may kalayuan. Hard track. But she insisted that those circumstances will make it more fun. Sumang ayon naman ang lahat maging ako. Ilang minuto pa ay dinalaw na ako ng antok at nakatulog.

"Ohhhhhh...."

Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Naupo ako sa kama at muling nakinig pero napakatahimik naman ng paligid. Guni-guni ko lang siguro. Muli akong nahiga. I heard it again. Mas malakas.

Wanton Temptation [SPG]Where stories live. Discover now