Chapter 6 - Pababa ng Tore

2.2K 84 0
                                    

Sa kanilang pag-baba. Binilang ni Jayson ang kaniyang mga hakbang.
"203...204...205! Grabe po. Mukang mahihirapan tayong bumalik ha." Sabi nito.

Walang sumagot sa kanya. Narating nila ang isang Basement na napakalawak. May taas na 8 meters at may tatlong pasukan.

Isa sa kanan, Isa sa Kaliwa, at isa sa harap nila.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Ellies". Una nilang pinuntahan ang pasukan sa kanan. Ngunit ito'y malawak na kwarto lamang.

Tinungo naman nila ang isa pang pasukan. At ito'y malawak na kwarto rin kstulad ng nasa kanan. Kung kayat tumungo na sila sa isa pa.

Tinahak nila ang napakahabang daan. Hanggang sa marating nila ang isang 10x10 meters wide na chamber na may taas sa 8 meters.

May naka ukit sa isang pader, isang sulating latin.

"Ito ay isang palaisipan" sabi ni Dr.Dave.
"Ano pong sabi doktor?" Tanong naman ni John.

"Siya'y kapatid ni Diyos ng kidlat, at diyos ng underworld, Ang diyos ng buong katubigan at mga nilalang sa tubig." Sabi ng Doktor.

"Ngunit paano natin ito bubuksan?" Dagdag pa nito.

"Si Poseidon, ang diyos ng tubig" sabi naman ni Kesha.

At biglang umuga ang paligid. Tila'y tunog ng mga nag-uumpukang mga bato ang kanilang narinig. Nang biglang bumukas pababa ang pader sa harap nila.

Napuno ng alikabok na nag tila usok ang paligid. Agad-agad silang tumakbo papalabas. Ang ilan pa sa kanila ay nauubo.

Natigilan sila sa kanilang nakita.

Secrets Of The SEA That We Never Knew Where stories live. Discover now