Chapter 2 - Paglubog ng Barko

4K 129 6
                                    

Dahil sa lakas ng hampas ng napakalaking alon, tuwirang napatabingi ang barko, ngunit sa ilang sandali ay bumalik rin sa dati nitong estado. Lahat ng pasahero ay nagpanik. Ang ilan ay nag-sisigaw, at ang iba ay nagtatakbuhan at hindi alam ang gagawin.

Samantala, sina Kesha at jayson ay dali-daling pumunta sa kwarto ni Dr.Dave at kinamusta ito. "ok lang po ba kayo doktor?" Tanong ni Jayson. Ayon naman sa doktor, ok lamang siya.

Nang walang anu-ano, ay bigla nanamang hinampas ng napakalaking alon ang barko, at unti unti ay napapasok na ng tubig ang ilan sa mga parte nito.

Dahil sa pagka taranta, dali-daling nilang kinuha ang kanilang mga gamit at pumunta sa emergency chamber ng barko. Medyo puno na ng mga tao ang kwarto at dali-dali silang nakipag-agawan ng mga life-vests at maswerteng nakakuha ng isang inflatable boat. Sa kanilang pagtakbo palabas ng barko, mayroon silang narinig. Isang nakaka alarmang tunog na tila'y nababaling mga kahoy at bakal.

"bilisan natin" sigaw ni Kesha. Binilisan nila sa pagtakbo hanggang sa makarating sila sa labas ng barko.

Mga ilang sandali sandali lang ay dahan-dahang nabali ang barko mula sa gitna nito. Mabilis na napuno ang kalooban ng barko. At dahil sa paghihiwalay ng parte nito, unti-unti na itong lumulubog.

Inihagis nila ang inflatable boat sa tubig at mabilis itong lumobo. Isa-isa silang tumalon at lumangoy papaunta roon. "Kumapit kayo'ng maigi" isinigaw ni Dr. Dave

Ang kanilang atensiyon ay nakuha ng isang sigaw.

"doktorrr!!!" Malakas na sigaw nito. Napatingin ang tatlo. Ito ay ang mag-asawang nakilala nila mga ilang oras lamang ang nakalipas. Nakasuot ang dalawa ng life vest. Bagama't takot dahil sa hampas ng mga alon, tumalon ang mag-asawa, at nagtulungang lumangoy papunta sa bangka.

Dahil sa biglaang pangyayari, iilan lamang ang mga nakakuha ng mga emergency kits ng barko kung kaya't iilan lamang sa kanila ang nakaligtas mula sa pagkakalunod.

Dahil sa marahas na estado ng karagatan, hindi na nila namalayang lumubog ang barko kasama ang napakaraming pasahero.

Mahigit isang oras din ang nakalipas na sila ay nanatiling nagpapanik. Unti-unti nang tumila ang bagyo.

Nang walang anu-ano, nakita nila ang isang teen-ager na lalaki na nakakapit sa isang piraso ng kahoy, dali-dali nila itong sinagwan at iniahon sa tubig.

Secrets Of The SEA That We Never Knew Where stories live. Discover now