Chapter 3 - Usok

3K 105 0
                                    

Unti unti nang lumiliwanag ang paligid. Sila ay patuloy sa pagsasagwan, at hindi nawawalan ng pag-asang makakita ng isla sa kalagitnaan ng pasipiko.

"Anong pangalan mo iho?" Tanong ni Dr.Dave sa teen-ager. "Ako po si Marcus"sagot nito. "Wala ka bang kasama?"tanong pa ng doktor. Sumagot ito at sinabing:"Wala, lumayas lang ako mula sa impyernong iyon" pagkatapos ay yumuko. Kitang-kita ng doktor ang pag-tulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata.

Niyakap niya ito ay sinabing. "Magiging ok din ang lahat iho".

Sa kanilang pagsasagwan. Kanilang nakita ang isang kahina-hinala't di pangkaraniwang usok mula sa malayo.

Kinuha ni Ellies ang kaniyang camera mula sa kaniyang bag at kumuha ng litrato.

"Mabuti at hindi nasira dahil sa pagkakabasa ang iyong camera" sambit ni Jayson.
"Ang camerang ito ay waterproof" kaniya namang isinagot sabay kindat.

"Ano iyon" sabi ni Jayson, sabay turo sa kinaroroonan ng makapal na usok. Dahil sa kyuryosidad, kanilang tinungo ang direksiyong iyon. Mabilis nila itong narating. Sinuong nila ang napakakapal na usok. Ni mahirap nilang makita ang isat-isa. Maya-maya, narinig nila ang isang napakalakas na misteryosong boses.

"Haaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh" napakaalumanay, nakakaakit, tila'y anghel na tinig ang kasalukuyan nilang naririnig.

"Ano iyon?" Sabay-sabay nilang sinabi.
Dali-daling kinapa ng doktor ang kaniyang bag at kunuha ang flashlight. Binuksan ito ay kinuha ang notebook nito na nakabalot sa isang supot. Tinanggal sa pagkakabalot at dali-daling binuklat.

"Ang kanilang boses ay malakas mong maririnig kung sila'y malayo. At mahina itong maririnig kung sila'y malapit." Saad ng libro.

"Eto na ang matagal kong hinihintay, sa wakas!" May galak na sinabi ng doktor, sabay tawa.

Ipinagpatuloy nila ang pagsasagwan, at habang sila'y gumagalaw papaharap, mas nababawasan ang lakas ng tinig.

Maya-maya pa, bigla nilang naaninag ang isang napakalakas na ilaw. Binilisan nila ang pag-sagwan at nalagpasan nila ang makapal na usok.

Secrets Of The SEA That We Never Knew Where stories live. Discover now