Prologue

6.5K 162 0
                                    

Alam ba ninyo na 71% sa planetang Earth ay binabalot ng katubigan? At 5% palamang ang nababaybay ng mga bihasa sa oseanograpi sa 71% na ito.

Bagama't marami na tayong nalalaman tungkol sa laramgang ito, kung isasaalang-alang ang sukat ng mga karagatan, ang dami ng kaalaman na puwede pang matuklasan sa paksa ng oseanograpi ay siguradong mas marami pa.

Marami tayong mga hindi nalalamang mga sikreto ang nananatiling nakatago sa mga kailaliman ng karagatan.

...

Naniniwala ka ba sa mga sirena at sa iba pang mga nilalang sa ilalim ng karagatan?

Sabi ng karamihan ay purong haka-haka at pantasya lamang ang mga nilalang na iyon. Mga undina, sirena, sharkmers, at mga goldyn.

Ngunit iba ang sinasabi ng isang siyentipo at kaniyang kasamahan na inyong makikilala.

Samahan natin ang mga tauhan ng kwento sa kanilang pag hahanap sa isang nawawalang kaalaman. Samahan natin sila sa pag-papatunay ng kanilang mga pinaniniwalaan.

Totoo nga ba ang mga di pangkaraniwang mga nilalang na nagkukubli sa ilalim ng karagatan? O mananatiling kathang isip na lamang?

(C) L.F.DOMINGO
ALL RIGHTS RESERVED 2016

Secrets Of The SEA That We Never Knew Where stories live. Discover now