"Hoy! Hoy! Alam mo kung hindi ka lang kapatid ni Kei kanina pa kita pinatay! FYI lang din ha? Ikaw ang nagpalayo kay Kei, tinakot mo siya!" Sigaw sa akin ni Jade, yuck. Amazona ba siya?

"Duh, as if kaya mo... Geez...So what?" Inaamin ko naman yun eh, nung una gusto ko talagang mawala sakanya si Kyle, why not di ba? Ang sweet kaya niya, kaya lang nitong mga nakaraang araw hindi na siya sweet, ang harsh na niya palagi sa akin, and then tama nga ang hula ko kagabi, alam na niyang dalawa kami ni Kei.

"Geez...Geez, geezin ko yang pagmumukha mo!!" Naiiritang sigaw sa akin ni Jade, akala naman niya natatakot ako sakanya, phew!

Maya maya lang lumabas na din yung dalawa nila Jade, naiwan dito yung Tom? Yeah Tom daw ang pangalan niya, ibinato ko yung cellphone ko. Sht lang pati sim card ko kinuha nung dalawang yon.

"Hoy! May cellphone ka ba?" Tanong ko dun sa Tom.

"Anong tingin mo sa akin pulubi?" Aba, ayos 'to.

"Pahiram nga may tatawagan ako." Tsk, kailangan ko ng tawagan si Drake, baka mainis nanaman sa akin yon dahil ininjan ko nanaman siya.

"Anong tingin mo sa akin payphone? Psh." Naiinis na sabi niya saka ibinato sa akin yung cellphone niya, agad ko namang nasalo yon. Mabait pinahiram nga ako, buti na lang at memorize ko ang number ni Drake.

"I-loud speaker mo." Mariin na sabi niya.

"WHAT?" Halos manlaki ang mata ko!

"Sabi ko i-loud speaker mo, malay ko ba kung sino yang tatawagan mo. Bilisan mo, baka mamaya mag inarte kang kinikidnap ka." I rolled my eyes, duh ang corny niya... Dinial ko na ang number ni Drake at isang ring palang sinagot na niya yon, inilapag ko sa kama yung cellphone at niloud speaker.

[Kei Marie, why the hell are you avoiding me?!] Dammit, nakasigaw nanaman siya.

"Kalma okay? I'm trap Drake, hindi ako makakarating."

[Again? Bullsht, Kei Marie...simula ng sabihin kong gusto kita hindi ka na nagpaparamdam sa akin?] Naiinis na sabi niya, oh nagkagusto na sa akin ang bestfriend ko. Geez, pagkatapos niyang mabroken hearted nung high school siya ako naman ang pinagkakadiskitahan, I'm so pretty kasi.

"FYI, Drake gusto mo lang ako, pero hindi kita gusto. Kaya pwede ba h'wag kang maarte dyan, ipost-pone mo muna yang date na yan—"

[Okay lang sa akin na ipost-pone 'to Kei Marie, ang hindi ko matanggap hindi ka marunong magpaalam kung nasaan ka—]

"Hep! Tandaan mo! Mas matanda ako sayo! Saka pwede ba mag aral ka nga muna bago ka manligaw dyan!"

Narinig kong huminga siya ng malalim.

[Age doesn't matter sweety...]

Nanlaki ang mata ko, sht! Bwisit talaga! Tinawag nanaman niya akong sweety nakakadiri!

"HAHAHAHAHAHAHA!" Napatingin ako kay Tom na ngayon ay nakahawak na sa tiyan niya katatawa!

[Sino yang kasama mo?! Fck, Kei Marie!!!!] Dammit!!!Agad kong pinatay yung cellphone kahit na nagsasalita pa siya!

"Sinong may sabi sayong mag ingay ka?!!"

"HAHAHA! Sweety daw?! Grabe...korny niyo. Kadiri."

Binato ko siya ng unan! Pero tumawa lang siya ng tumawa, inirapan ko na lang siya. Yeah, Drake use to call me in that way lalo na kapag naglalambing siya. Kadiri naman talaga. Pang matanda. Hindi naman sa takot ako sakanya kaya pinatay ko ang tawag, si Drake kasi yung tipo ng lalaki na kapag may lumalapit sa akin na lalaki talagang hinahunting niya.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon