LKS 10: Coming back to senses

Magsimula sa umpisa
                                    

Umiwas na ako ng tingin at niyakap na lang ang aking mga binti. Mas nanaig lang talaga sa akin ang pagiging kalahati kong tao kaysa sa kalahating isda kaya ganoon. Kung paano nagkaroon ng lahi namin ay hindi ko alam. Wala akong balak alamin dahil wala namang magbabago kahit malaman ko pa.

Ilang araw ang nakalipas ay nagkwentuhan kami ni Gideon tungkol sa naging sabi nga niya ay gala namin sa Isla Sirenia. Panay lang naman kasi kami nasa tabing-dagat nung mga nakaraan na taon kaya ngayon ko lang nalibot ang Isla nila.

Hindi na nga ako makapaghintay sa pangako niyang dadalhin naman daw niya ako sa syudad. Doon daw mas maraming mapupuntahan na ikatutuwa ko. 

"Sera," pagtawag ni Gideon ilang minuto ang makalipas sa tawanan naming dalawa. Tinignan ko siya. "May ipagtatapat ako sa'yo."

Kumalabog ang puso ko.

"Hindi ko na kasi kayang itago pa. Oo alam kong mali pero ikaw talaga ang gusto ko kahit noon pa. Mahal kita, Sera o anupaman ang pangalan mo. I love you."

Sa gulat ko ay napatingin lang ako sa kanya at walang sinabi. Lumipas ang ilang segundo at napatayo na lang ako. Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya. "Babalik na ako sa dagat, Gideon."

Hinablot ni Gideon ang kamay ko ng paalis na ako.

"Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko?" malungkot ang pagsasalita niya. Pinisil ko lang ang kamay niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Naniniwala ako. Mahal din kita, pero kailangan ako sa Proserpina. Hindi ko kayang ipagpalit si ama sa pagmamahal ko sa'yo, Gideon. Kailangan niya ako dahil ako na lang ang pamilya niya at gusto kong mapabago ang isip niya bago pa mahuli ang lahat. Patawarin mo ako."

  ---

"Palagi ka yatang wala sa kastilyo, mahal na prinsesa." salita ng aking ama ng bumalik na ako sa Proserpina.

"Baka naman masyado kang nasisiyahan sa mga bagay-bagay, Devora at nakakalimutan mong may dapat ka ng pag-aralan ngayong malapit ka ng maging kapalit ko."

Hindi ko alam ang irereaksyon kay ama. Wala naman akong dapat sabihin dahil ayoko siyang magalit. Alam ko rin namang ang ituturo niya ay ang mga kasuklam suklam niyang paraan para maubos ang mga tao. Malabo namang mangyari iyon dahil mas marami pa ang mga tao sa mundo kaysa sa amin.

"Bakit hindi ka magsalita? Mukha yatang may sasabihin ka."

Napahinga ako ng malalim saka nagsalita. "Kailangan ba talagang---"

Natigil ako sa pagsasalita ng may dumating na kawal na sireno at nagsalita sa harapan ni ama. Napairap ako.

"Nagawa na ang plano, mahal na hari."

"Umayon ba sa atin ang nangyari?"

Napakunot noo ako sa pinag-uusapan nila at nang tumango ang kawal ay kita sa mukha ni ama ang kasiyahan kaya hindi ko na napigilang magtanong. "Anong plano, ama?"

Binalingan ako ng Amang hari ng makapagbigay na siya ng utos sa kawal. Kinabahan na ako dahil alam kong hindi maganda ang plano nila.

"Ano na naman ang ginawa ninyo?"

Tumawa ang papa ko habang nakatingin sa akin. Napailing siya at naupo sa kanyang trono. "Hindi mo na kailangang malaman sa akin anak dahil malalaman mo rin naman ilang segundo lang."

Hindi pa ako nakakaalma sa sinabi niya ay humahangos ng papalapit sa amin ang mag-inang si Gordon at Paloma. Hinawakan ako sa braso ni Paloma.

Last Known SurroundingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon