LKS 8: Going back to my real home

160 4 0
                                    

Buong biyahe papuntang Isla Sirenia ay hindi kami nag-iimikang dalawa. Ayoko rin naman siyang makausap dahil galit ako sa kanya sa pangloloko niya at sa mga kilos niyang para bang hindi siya nagsisisi sa ginawa niya sa akin. He prepared breakfast earlier as if nothing happens. I hate his guts.

My tears fell down on my cheeks as I looked at the familiar place. Nasa karagatan na kami kung saan talaga ako nangggaling. Kita ko na ang Isla Sirenia sa di kalayuan kung saan nandoon ang mga taong walang pakialam sa karagatan basta lamang makuha nila ang gusto nilang yaman. Ang mga taong handang pumatay ng mga tagabantay ng karagatan para sa pansariling kagustuhan.

Inabot ko gamit ang kamay ang tubig habang umaandar ang bangka. Kulay asul ang dagat katulad ng kalangitan dahil magmamadaling araw pa lamang. Gustong-gusto ko ng tumalon para lang hindi na ako makaramdam ng pagkaalangan at galit sa titig na titig sa aking si Gideon. Ang kapal niyang titigan ako pagkatapos ng lahat ng ginawa niya. Nilayo niya ako sa buhay na dapat mayroon ako. Nilayo niya ako sa iisa kong pamilya.

"Okay lang ho kayo, ma'am?" tanong bigla sa akin ng matandang lalaki na maghahatid sa amin sa Isla. Tumango lang ako at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Iniwas ko ang tingin ko kay Gideon.

"Malapit na tayo. Mabuti na lang at napatay nung nakaraan iyong sirena kung hindi..." Napailing iyong matanda habang nagsasalita kay Gideon. Napakunot noo ako. "Baka may napahamak na naman katulad ng tatay at kapatid mo, ay. Nakikiramay nga pala ako."

Gideon cleared his throat. "Salamat ho."

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinag-usapan nila dahil puro tungkol lang iyon sa Isla Sirenia at sa mga katulad kong sirena. Kung gaano sila kagalit sa lahi namin dahil salot daw kami at sumpa ng karagatan. Naninikip ang dibdib ko sa galit at inis.

"Maraming salamat ho ulit sa paghatid." rinig kong salita ni Gideon. Hindi ko na siya pinansin at nakatitig lang ako sa dagat. The ocean where I really came from.

Ilang minuto ang nagdaan sa aming dalawa habang nakatingin lang ako sa dagat at sa bangka na maliit na sa paningin ko ngayon. Madilim pa rin ang paligid at wala pang gising sa mamamayan ng Isla Sirenia.

"You still have nothing to say?" I whispered. Nahihirapan akong huminga dahil naaalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Gideon makalipas ang pagkagising ko sa hospital. My hair is flowing freely on my face as I cried hard for the bitter sweet memories I have in this island, in his arms, in his life.

Sa hindi kalayuang parte ng dagat ay natanaw ko na ang mga matang kulay itim na nakatingin sa akin ng seryoso. Suminghap ako para makahinga. Nilingon ko si Gideon sa aking likuran ngunit kalungkutan lamang sa mata niya ang nakikita ko. Ayaw niyang magsalita at mas lalo ko iyong kinagagalit.

Don't let him fool you again, Devora. Let's go home. He destroyed our clan, your family... Kung hindi dahil sa pakikipagkasundo niya sa mga rebelde ay hindi ka mawawala sa Proserpina, hindi magkakaroon ng gulo. Hindi magkakasakit ang iyong ama. Bumalik ka na. Kaya kayo naaksidente dahil sa nalaman mo na ang totoo noon. Sa kagustuhan niyang mapasakanya ka pa rin ay pilit ka niyang pinaiinom ng gamot na binigay sa kanya ng mga traydor na sirens at doon ka sumakay ng kotse para tumakas. Naabutan ka niya at sumakay rin siya sa kotse ninyo, doon kayo nagtalo habang nagmamaneho ka at ang susunod na nangyari ay nalaglag na kayo sa bangin. That's what happened before. He hurted you. He fooled you...

I heard Gordon's voice in my head. Habang nagsasalita si Gordon ay may nakita akong mga pangyayari sa isip ko na tulad ng mga sinasabi niya. My heart tightened. Nagulat ako hindi sa nangyari ngunit sa mga sinabi niya at sa nakita ko. I looked at Gideon with too much hatred and horror. He looked hurt.

Last Known SurroundingWhere stories live. Discover now