"Ilagay na ang susunod sa gitna."

"Gordon," pagpigil ko at binukas ang mga mata. Hindi ko na nagawang tumingin sa mga sirena na iyon dahil nakakaramdam ako ng awa na hindi naman dapat. "Sa susunod na sila. Pansamantala muna silang ilagay sa kulungan."

Pagkasabi ko noon ay umalis na ako ng court room dahil mabigat ang loob ko sa pagkamatay ng Vienna na iyon. Naaalala ko ang mga mata niyang may pinaparating at ang huli niyang sinabi na hindi ko maintindihan. Napailing na lang ako at nagtungo na lamang sa aking kwarto.

-----------------

May dalawang pagkamatay sa mga sirena: una ay ang pagkamatay sa sakit, sa sugat o sa saksak ng mga matalim na bagay tulad ng sa mga tao. Pangalawa ay ang paglaho at pagiging sea foam ng karagatan.

Ilang araw na ang lumipas pagkaraan ng pagkamatay ng Vienna na iyon ngunit hindi ako makatulog sa gabi ng maayos dahil napapaginipan ko ang nangyari sa kanya at ang mga sinabi niya. Napabangon ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng aking silid. Madilim ang hallway ng kastilyo ngunit hindi ko iyon ininda. May naaninaw naman ako kahit papaano. Gusto ko lang maglakad lakad upang mawala ang napaginipan ko.

Napunta ako sa court room kung saan ako araw-araw na naglalagi. Kahit nasa akin na ang mga traydor ay may mga sirens pa ring ayaw sa akin. Siguro ay kailangan ko na talagang tanggapin ang alok na kasal ni Gordon kahit hindi ko pa naaalala ang lahat.

Napakunot noo ako ng may marinig na iyak ng bata mula sa left wing ng kastilyo. Naglakad ako papunta roon at nakitang nakabukas ang pintuan nang palaging nakasarang silid bago ang sa kwarto ni papa. Nagtaka ako dahil doon nanggagaling ang iyak ng isang sanggol.

Pumasok ako sa loob ng marahan dahil kinkabahan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang loob ng kwarto ay naglalaman ng isang kabibe lamang sa gitna. Nilapitan ko iyon at nakita ko ang isang batang babae na umiiyak. My eyes got teary as I looked at the baby.

Kukuhanin ko dapat ang bata ng biglang umilaw ang nasa leeg nito at napapikit ako sa sobrang liwanag....

"Hindi ito tama. Pumatay ka!" takot kong saad kay Gordon ng patayin niya gamit ang kanyang lanseta ang matandang mangingisda na nagawi sa lugar namin.

"Para sa ikabubuti natin iyon. Para sa ikabubuti ng lahi natin..." sagot niya at lumangoy na pailalim ng dagat. Sinundan ko naman siya.

"Pero hindi iyon tama!" salita ko sa isip niya. Mabilis naman siyang sumagot. "Kung hindi tama ang ginawa ko, ano ang sa tingin mong tama? Muntik na niya tayong patayin, akala mo ba! Pasalamat ang babaeng kasama niya at nakaligtas kung hindi..."

"Sasabihin ko ito sa aking ama. Hindi ko kayang manahimik na lang!" sigaw ko pa sa kanya sa isipan. Huminto ako sa paglangoy at ganoon din siya. Nilingon niya ako ng itim niyang mga mata na nagsasabi ng kapahamakan. Kumalabog ang dibdib ko.

"Sige, sabihin mo sa ama mo nang ikaw naman ang isusunod ko!"

Nang sabihin ko iyon sa aking ama ay nagalit pa siya sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Kami naman talaga ang mali noon ngunit pinatay pa rin ni Gordon ang matandang lalaki.

"Naaawa ako sa mga tao, papa. Hindi dapat sila namamatay ng dahil sa atin."

"At ano? Tayo ang mamamatay sa kamay nila? Mag-isip ka nga, Devora. Kagayang kagaya ka ng iyong ina, napakalambot ng puso kung kaya't inabuso ng mga tao ang karagatan! Kung hindi niya hinayaang manguha ng manguha ang mga sakim na tao na iyan ay hindi mauubos ang mga yamang dagat! Hindi tayo madidiskubre ng mga tao, hindi nila tayo hahanapin at ibebenta sa kung saan saan!"

Napayuko ako sa sinabi ni ama. Noon ay malayang nakakalangoy ang mga lamang dagat sa kung saan parte ng karagatan dahil sa utos ng aking ina, kung kaya't naging sagana ang pangingisda ng mga tao sa karagatan. Sa paglipas ng taon ay nauubos ang mga isda at ang iba pa dahil na rin sa hindi marunong maghintay ang mga tao sa pagdami ng mga isda at iba pang kinakain nilang lamang dagat. Ang iba pang tao ay gumagamit ng mga dinamita na nakakasira ng coral reefs kung saan tumitira ang mga isda.

Last Known Surroundingजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें