Pumunta ako sa College of Music.. Hinanap ko si Aian sa bawat rooms.. Kaso no luck.. Hindi ko siya nakita.. Napasandal nalang ako sa pader sa hallway doon..

"Nakakalungkot naman magddrop na si Aian.. Tuwang tuwa pa naman ako nung malaman kong magkablockmate kami.." sabi nung isang girl na naglalakad sa hallway..

"Oo nga ehh.. Bakit naman kaya magddrop si Aian? Siguro hindi din kaya ng schedules niya.. Ang dami niya kasing concert saka maka projects ehh.." sabi nung kasama niya..

Lumapit ako doon sa girl.. "Magddrop na si Aian? Nakita niyo ba siya? Kailangan ko siyang makita.."

"Ah eh.." mukhang nagulat sa akin yun girl na unang nagsalita.. "Kakaalis lang.. Nagpaalam lang siya sa Dean tapos umuwi na.."

"Ah sige salamat.." lumabas na ako ng music department.. tapos dirediretso ako papalabas ng campus baka maabutan ko pa siya.. Dirediretso ako sa front gate..

Naaalala niyo ba yung guard dun sa unang act one? "Manong! Nagdaan ba dito si Aian?" siyempre kilala niya si Aian.. Sikat si Aian remember?

"Bakit ko sasabihin sa'yo?? Akala mo ba hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo dati sa akin.." antipatiko talaga tong guard na to.

"Ay che bahala ka nga sa buhay mo.. FYI wala na akong klase kaya hindi mo na ako mahaharang!! Tse!" kainis..

Hmm saan ako pupunta nito? Bwiset naman kasi hindi ko naman siya matatawagan ala akong phone.. Hmm alam ko na sa bahay nila nalang ako pupunta baka nandun siya..

[Aian's POV]

How could she do this to me..? (__ __) Akala ko ba mahal niya ako? Bakit ganun? Sandali lang akong nawala may kaholding hands na siyang iba.. May iba ng nakasandal sa shoulder niya.. And I don't even know kung nagkiss na sila.. Pero doon sa isang picture mukhang oo.. Alam mo yung feeling of betrayal ayun ang nararamdaman ko ngayon.. (__ __)

Sam.. kala ko ikaw na ang nakatakda para sa akin.. Hindi pala..

At  isa pa.. Humanda sa akin yang Michael na yan pag nagkita kami mapapatay ko talaga siya.. Nandito ko sa bahay ngayon nasa sala ako.. Naka-upo lang sa sofa..

Biglang tumunog yung doorbell.. Kaya pumunta ako sa front door tinignan ko kung sino yung nagdoorbell.. Pagbukas ko ng pinto..

"Oh Cassidy.. Anong ginagawa mo dito?"

"Ehh hindi ka kaya nagpunta sa recording session natin?" sipag ko no? After concert.. Recording agad.. "What happened? Wag mong sabihing hindi ka pa maka-getover doon sa pictures.." oo nakita niya din yung picture.. Magkasama kasi kami nung nareceive ko yung pictures..

Hindi ko pinansin yung huli niyang sinabi.. "Tara pasok.." pinpasok ko si Cassidy.. Kahit alam kong matindi ang pagnanasa sa akin ng babae na to.. Umupo siya doon sa sofa..

"Wait lang kukuha lang ako ng maiinom.." biglang may nagdoorbell na naman.. "Cassidy pwedeng ikaw na magbuksa ng pinto..?"

Behind the Scenes (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang