Act 16 (sequence 4)

6.9K 76 17
                                    

Favorite ko ang number na 16.. Birthday ko yun eh!! Wahahah

Hello.. XD

Uhm madalas na absent si Aian sa Sequence na to.. Busy daw kasi siya eh.. Hectic ang sched.. Mamimiss niya daw kayo wahahah XD

Anyway Let's Start..

Sino ba si Michael?

_______________________________________________________________________________

[Michael's POV]

Naglalakad ako sa bago kong campus.. Yep, transferee ako dito.. May nabaldado nanaman kasi ako sa school namin eh na-kick out tuloy ako.. At ito nlang ata ang ka-isa isang school na tumanggap sa akin.. One last shot ko na daw to.. Magpakabait na daw ako..

Kelan pa bumait ang isang dimonyo?

May narinig akong ingay at malakas na sigawan.. Sinundan ko yung sigawan.. Dinala ako nito sa isang auditorium.. Nakita ko si Aian sa stage.. Kumakanta siya ng "Rhythm of Love".. May katabi siyang girl.. Hmmm interesting.. >:) Nakakatuwa naman at nagtagpo pa ang landas namin ni Aian.. Siguro girlfriend niya yung kasama niya.. Mukhang masayang masaya siya na kinakantahan yung girlfriend niya ah..

Teka nagsasasalita ako ng nagsasasalita dito eh hindi niyo pa naman ako kilala.. Let me introduce myself.. Ako nga pala si Michael Rui Satoshi.. Half Japanese half pinoy.. At Half Demon.. Sabi nila eh, eh di panindigan..

====picture ni Michael=====>>>

Hobbies.. Wala masyado.. Trip kong paglaruan ang buhay ng mga tao Masarap na nakikita ko silang nahihirapan, naiinis at nagagalit..

And I found my new subjects, si Aian saka ang girlfriend niya.. >:) evil grin..

Mukhang mag-eenjoy ako sa school na to ah..

Baka nagtataka kayo kung paano ko nakilala si Aian.. Wala dati ko siyang schoolmate, hindi pa siya sikat nun.. At karibal ko siya sa lahat ng bagay.. Eh si Aian superman yan, madaming alam sa buhay.. Parang ako lang, kaso si Aian mabait, ako salbahi.. Bali ako ang villain.... Ayaw kong nakikitang masaya ang mga karibal ko..

---------

Hinantay kong matapos ang pagkanta este pakikipaglandian ni Aian sa stage.. Tapos nagsilabasan na ang mga tao sa auditorium.. Pati yung girlfriend ni Aian umalis na may klase pa siguro.. Tapos si Aian na lang ang naiwan.. Inaayos niya kasi yung mga gamit sa stage.. Nilapitan ko siya.. Mukhang gulat na gulat siya nung nakita niya ako..

"Uy Michael ikaw pala.. Napadpad ka dito?" as usual friendly pa din siya.. Doon lang naman kami nagkaiba eh.. Salbahi ksi ako..

Lumapit pa ako lalo sakanya ah.. "Aian, ganda ng girlfriend mo ah.. Parang ang sarap agawin sa'yo.." Nag-evil smile ako.. Mukhang nainis siya sa sinabi ko.. Bigla niya akong hinablot sabay sinuntok niya ako.. Sheesh.. Napaupo ako sa sahig.. Nalasahan ko nalang ang dugo sa labi ko.. Sabay pinunasan ko..

"Gago ka ah!" sigaw niya..

Tumayo na ako.. "Tama ka diyan.. Ako ang gago na aagaw sa girlfriend mo..." sabay ngisi ko.. "Ingat ka ah, baka  pagbalik mo galing sa concert tour mo eh akin na siya.. >:)" pagkakaalam ko kasi galing dun sa kapatid kong in love na in love sa kanya eh may concert daw siya this week sa abroad at mga one month din siguro siyang mawawala..

Behind the Scenes (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя