TPLMPU | Prologue

3.4K 146 23
                                    

Maxine Prime University --one of the most promising school here in the Philippines for today's era. Its administration, facilities, well-skilled professors and high intelectual students are some of the reasons why it is chosen as Rank #1 Performing University in Asia for 10 consecutive years.

Pero sa kabila ng mga sunod-sunod na parangal na natatanggap ng MPU, hindi maialis sa isip ng marami kung bakit sa nakalipas na sampung taon ang kanilang school library ay hindi binubuksan at nananatili lamang na nakasarado. Walang nakaaalam kung ano ba ang nasa loob nito at kung meron na bang nakapasok rito.

May ilang mga sabi-sabi na dito raw inilalagak ang mga estudyanteng mahihina ang kokote. Sila ay ikinukulong sa loob ng isang linggo, kinukuha ang mga balat at ginagawang pahina ng libro.

May ilan ding nagsasabi na sa t'wing mapapadaan sila sa hallway ng library may kakakaiba silang nararamdaman na nagpapatayo sa kanilang mga balahibo.

Marami na ang nagtanong kung ito ba ay may bahid ng katotohanan o gawa-gawa lamang.

Ngunit ni isa sa kanila ay walang nakuhang kasagutan.

Sa paggunita ng ika-15 anibersayo ng Maxine Prime University, napagpasyahan ng pamunuan na muling buksan ang nasabing library. May mga mangilan-ngilan ang natakot at meron din namang nasabik at natuwa sa balitang ito kabilang na si Aiken Salazar na nagpresenta pang tumulong sa paglilinis para sa muling pagbubukas ng kanilang library. He's a bookworm at matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong ito.

Pagtapat niya sa pinto ng library ay wala na ang padlock nito at nakauwang na ito ng kaunti. "May nauna na ba sa akin?" Tanong niya sa kanyang sarili. Ang buong akala niya kasi ay mag-isa lang siyang maglilinis doon dahil wala ni isa maliban sa kanya ang gustong tumulong sa paglilinis dahil nga sa mga sabi-sabing nagkalat patungkol dito. Nagkibit-balikat nalang ito at dumire-diretso na sa pagpasok.

"Kanina ka pa ba?" Tanong nito sabay lapag niya ng kanyang bag sa isang silya malapit sa kanya.

"Kadarating ko lang din." Sagot naman ni Elyse Domingo na nag-uumpisa ng magtanggal ng mga alikabok sa mga estante. Like Aiken, she's into books. Kaya hindi na rin siya nagulat na si Elyse ang maabutan niyang nandito. Hindi naman na bago sa kanila ang isa't isa dahil magkaklase ang mga ito. Tumango lang ito bilang tugon at nagsimula na ring maglinis.

Habang nagsasalansan ng mga libro, nakakita si Elyse ng isang matandang libro na pumukaw sa kanyang atensyon. Dahan-dahan niyang kinuha ang nakitang libro at may kung anong enerhiya ang nagsasabi sa kanyang buklatin ito at tinignan kung anong nakasulat doon.

"Para sa mga taong matitibay ang kalooban, Para sa mga taong hindi natatakot sa kamatayan.

Buksan mo itong libro,Buklatin ang mga pahina nito."

"Ahhh." Impit nitong sigaw sabay takip sa kanyang bibig. Agad naman niyang inihinagis ang libro sa may pasilyo ng library dahil nakaramdam siya ng kakaibang hinagpis at takot matapos nitong basahin ang nakasulat sa unang pahina.

Napatingin naman si Aiken sa kinaroroonan ni Elyse na tila mukhang may alam sa kung anong misteryo ang bumabalot sa librong 'yon ngunit nanatili lamang itong tahimik at ipinagpatuloy ang kanyang paglilinis na para bang walang nangyari.

"Magsisimula nanaman ang sumpa." Tugon nito ng mahina.

***************

☆INNOCENTMINDED

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Peculiar Library of Maxine Prime UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon