Chapter 1

86.6K 2K 55
                                    

Chapter 1: The story begin

Bharbie's point of view.

"Hello. Maganda kong apo."

Tahimik akong nasa kwarto nang biglang pumasok sa loob si lolo na nakasuot ng panghiphop na sumbrero kaya napailing ako sa kanya bago tumutok muli sa laptop.

"Pwede bang lumabas muna kayo sa kwarto. Nakikita niyo naman na naghahanap ako ng lilipatan ko na school ngayon." Umupo siya sa dulo ng kama ko. Seryoso siyang tumingin sa 'kin.

"Kelan ka ba kase magtitino? Ilang beses ka na bang napapatalsik sa iba't ibang eskwelahan?"

"Hindi naman ako lagi ang may kasalanan sadyang napapasama lang ako sa gulo ng mga kaklase ko."

"Alam mo kung buhay pa siguro mga magulang mo siguradong hinding hindi ka na makakatikim ng magandang pag-aaral dahil dyan sa ginagawa mo." sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Really? Maganda nga 'yun. Iwas sakit ng ulo at iwas sa tuition fee. Ayaw mo ba nun, Grandpa? Wala ka na pag-aaralin."

Napansin ko na nadismaya siya sa sinabi ko dahil bumuntong hininga muna ito bago lumabas ng kwarto.

Napangisi ako sa sinabi ni Grandpa tsaka nginuya ang bubble gum na kinuha ko sa galon. Nag-focus nalang muli ako sa ginagawa ko. Bata palang ako hindi ko na maintindihan kung bakit nga ba ganito ang buhay na kinasanayan ko. Nasanay ako na may mga nakakaaway at nakakabugbugan minsan kaya lagi akong napapatalsik ng eskwelahan pero hindi ko naman kasalanan kung bakit ako ganito. Sa totoo lang, si Daddy ang nagturo sa akin dahil bata palang ako namatay na ang parents ko kaya hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan ng pagkamatay nila basta ang sinabi lang ni lolo sa akin. 'HINDI MO PWEDENG MALAMAN APO'

Bakit naman hindi ko pwedeng malaman ang pagkamatay ng mga magulang ko? Anak naman nila ako kaya dapat lang malaman ko ang tungkol doon. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o baka naman hindi niya rin talaga alam. Kahit na gustong gusto ko malaman ang nangyari noon wala pa rin akong magawa dahil ayaw nila sabihin sa akin ang totoo kaya wala akong choice kundi manahimik at intindihin nalang sila.

Habang nagsscroll ako, may napansin ako na pangalan ng isang academy. Journal Academy. Interesting diba? Maganda ang name at mukhang matatalino pa ang mga estudyante dahil sa pangalan ng school.

"Grandpa!!" sigaw ko. Narinig ko kaagad ang pagkalabog ng sahig galing sa labas hanggang sa bumukas na ang pinto at iniluwa nito si lolo na nakasuot ng sumbrero na pangbata.

Napakachildish niya talaga.

"Why apo?" tanong niya.

"Nakapili na ako ng school. Journal Academy ang papasukan ko. I-enrolled niyo na ako kaagad dahil ayokong mainip"mabilis kong sabi sa kanya. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napakunot noo siya.

"Journal Academy? Wag na dyan. Marami pa naman school na pagpipilian."

"I badly want that school. Bakit ba kailangan niyo pa kontrahin sa gusto ko?" matipid kong sagot.

"Gusto mo bang malayo ako sayo, apo?" Nakapout niyang sabi sa 'kin.

"What do you mean?"

"Malayo ang school na iyon. Sigurado ako na hindi kita mabibisita o mapupuntahan manlang." sagot niya.

"Maganda nga 'yun eh. Hindi kita makikita na suot suot ang mga gamit na pang 16 years old or 1 year old lang."

"Kahit kelan ka talaga na bata ka. Osya! Lalabas na ako at tatawagan ko ang kapatid mo para siya ang kumausap sayo." Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.

Accidentally Inlove with my Mortal Enemy (Gangster Series #1)Where stories live. Discover now