"Ouch! Marami naman dyang iba eh. Onga pala, gusto ko sanang i-treat ka, kaso mukhang busy ka eh." Treat?! Sinong may ayaw ng libre, di ako magtataas ng kamay.

"T-teka..ilibre mo na ko..tapos ko na yung homeworks ko eh!" Saka ako tumakbo sa walk in closet para makapagpalit ng damit. Matagal ko rin syang di nakasama.

Dun lang din kami nauwi sa bahay nila, naglaro ng video games saka kumain ng kumain, pagkatapos ay naglaro ulit. Nang mapagod, tumambay kami dun sa music room. Oo, meron sila noon, mahilig kasi sa music itong si Henry. Gusto nga daw niyang ipa-covert sa maliit na studio yung music room kapag nag-college na daw sya.

Marunong sya mag violin, gitara, piano..uhm..ano pa ba? Alam ko nag-aaral din syang mag drums sa ngayon eh.

"So tell me, anong nagustuhan mo kay Basti?" Ngumisi lang ito sa akin habang random kong pinadaan ang kamay sa piano niya.

"Mabait kasi sya?"

"Generic. Yung totoo."

"Nako Henry, wala kang mapipiga sa'kin..saka believe it or not, wala na akong crush sa kanya ngayon. Sana maging masaya sila nung girlfriend niya di'ba." I smiled at him.

"Weh..are you for real?"

"Oo naman!"

"May bago na no?"

"Bago--" sasagot pa sana ako kaso ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"Lyndon?"

Hi..uhm, I'm just wondering kung busy ka?

"May problema ba?"

Wala naman actually, I just wanna invite you out sana. Wala kasi akong kasama.

"A-ah..anong meron? K-kasi kasama ko yung pinsan ko ngayon e--"

It's actually my sister's death anniversary. WHAT?! Feeling ko bigla akong nabingi sa narinig. Sinong kapatid? Teka..

Teka..

"H-ha?" Wala akong ma-process na sagot sa kanya bukod sa simpleng 'Ha?' lang eh.

It's really okay if you're not free. Naawa naman ako bigla, saka bakit wala syang kasama?

"Ah..nako, sige..teka, paano ba ito, andito kasi ako sa bahay ng pinsan ko sa white plains."

Really? I'm living in white plains din eh. You could just text me the street and the house number. I'll pick you up. Wow..onga naman no?

"Sige, see you." Saka ko ibinaba ang phone.

"Lyndon who?" Ngumisi sa akin si Henry habang nagi-strum pa sya.

"Schoolmate, saka kaibigan."

"Plain schoolmate?" Then he turned to me tapos he's doing the quoting thing pa, "kaibigan?" Saka sya tumawa, minsan talaga gusto kong sapakin ito sa sobrang mapang-asar.

"Oo, kaya tigilan mo yan ah!"

"Kaya naman pala mabilis naka-move on kay Basti, may Lyndon na sumalo."

"He's just a friend, and he's coming anytime soon to pick me." Sabi ko rito habang nagcocompose ako ng message kay Lyndon.

"Kawawa naman yan, di pa nanliligaw na-friendzoned na." He said with a teasing smile, ayan nanaman sya!

"Ewan ko sa'yo. Abangan ko na sya sa labas." I stood up saka ko kinuha na ang cardigan ko.

"Wait, you're really leaving na? Kailangan ay makita ko muna yang Lyndon na yan." Saka naman sya sumunod sa akin palabas ng bahay. Sakto namang may nagpark na itim na kotse at saka bumaba mula sa driver's seat si Lyndon, teka di'ba bawal pa sya mag-drive? Hmm, sabagay baka pwede kahit sa paligid lang ng village.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now