"So what's with her? Why did you—"

"I don't know, Elle. Hindi ko na alam," anang sobrang pamilyar na boses na animo ay hirap na hirap.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkarinig na pagkarinig ko ng boses ni Denelle ay agad kong ipinihit ang seradura ng pinto at tuluyang pumasok.

Bakas sa mukha ng dalawa na magkatabing nakaupo sa edge ng kama habang kapwa may hawak-hawak na bote ng alak ang gulat nang makita ako.

"Miss secretary," bati sa akin ni Denelle ngunit hindi ko ito pinansin. Binalingan ko si Vience, saka ito tinitigan sa mata.

"Can I talk to you, Vience? Alone?"

Nakita kong gulat ang bumalandra sa mukha ni Vience dahil sa inaakto ko.

Kung tatanungin ako ngayon kung saan ko hinuhugot ang tapang ko, marahil ay sa anak ko na nasa sinapupunan ko na umaasang ipaglalaban ko siya sa kahit na kanino.

"Alis muna ako, Vience. I'll be at the guest room. Puntahan mo na lang ako kapag tapos na kayong mag-usap," wika naman ni Denelle. "Bye, Avrein," paalam nito pero parang hindi ko ito narinig dahil hindi ko siya nilingon man lang.

Pagkalabas na pagkalabas ni Denelle ng pinto ay ini-lock ko ito at binalingan si Vience.

"What do you want now, Ms. Freezell? Didn't I clear everything early this afternoon?"

Tiningnan ko siya bago ko kinalkal ang dapat kong ipakita sa kaniya sa bag ko. Nang makuha ko ito ay mabilis ko itong inabot sa kaniya.

Inaasahan ko na magugulat siya—na magiging masaya siya—na . . . tatanggapin niyang magkaka-anak na kami pero mali ako. Isang galit na galit na Vience ang humarap sa akin. Ibinato niya ang PT sa kung saan sa ako hinawakan nang mahigpit sa magkabilang balikat.

"H–How the fuck could you do this to me? Damn it! Nawala ka nang apat linggo tapos ngayon ay bigla mong isasampal mo sa akin na buntis ka? Who's the fucking father of that child!? Fucking tell me! Si Almeda ba!?" Hindi ko mapaniwalaan ang reaksyon niya maging ang sakit at galit na bakas sa kaniya ngayon.

"N–nasasaktan ako, Vience!"

"And you really think that you're not hurting me after what you did? I am in a fucking terrible pain right now, Avrein! How could you do this to me!? How could you . . . damn it! Mas magaling ba siya? Mas—" Hindi ko siya pinatapos. Mabilis na umigkas ang kamay ko patungo sa pisngi niya.

Imbes na matauhan ay bigla na lamang itong tumingin sa akin, saka ngumiti. Isang mapait at mapanganib na ngiti.

"I wanted to give everything to you. I wanted to change, but why did you do this to me, Avrein? Are you my fucking karma? Why did you have to do this to me? Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo. Kaya kong isuko lahat makasama ka lang. Lahat ng pagdududa ko sa sarili ko ay handa kong takbuhan at takasan . . . why, Avrein? Why does my karma have to be to you?"

Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong hatakin at niyakap nang mahigpit.

"Vience. . . ." Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko bago ang tuluyang pagdampi ng mga labi niya roon.

Bigla siyang nag-angat ng mukha, saka ako tinitigan sa mga mata.

"Tell the father of your child that I am the best. Tell the father of your child that I am your first. Tell him that I had you first. Nagka-anak ka lang sa kaniya, nagpaggamit ka lang sa kaniya, pero ako pa rin ang mahal mo, hindi ba? Fucking tell me!" Tila nagmamakaawa ang tono niya pero bakas na bakas pa rin doon ang galit at sakit.

Gusto kong umiyak. Nasasaktan ako sa sinasabi niya. Nasasaktan ako sa pagtanggi niya sa anak ko. Para akong sinasaksak ng libo-libong kutsilyo sa dibdib. Pero mas masakit ang katotohanan na pinagdududahan niya ako.

"Hindi mo 'ko kayang paniwalaan—"

"You were gone for a month and you rushed here to tell me that you're pregnant. How cruel can you be, Avrein? Ito ba ang paraan mo para makaganti sa akin? Ito ba ang paraan mo para mapansin kita ngayon? Where were you when I had to search even the pit of hell just to find you? Where were you when I was like a mad man searching for the woman I love who doesn't want to show herself? Oh right, you were having sex with the father of your child," mahaba niyang turan.

"Pakinggan mo 'ko, please naman," pagmamakaawa ko.

"How can I trust you now? Paano kitang paniniwalaan kung ang gusto mo ay paikutin ako? Paano kong isusuko lahat ng mayroon ako gayong tinarantado mo 'ko? Sabi ko kanina, magpapalamig lang ako ng ulo dahil hindi ko inaasahan ang biglaang pagbabalik mo at pag-asta mo na parang wala lang ang pagkawala mo. Mahal kita at handa akong tanggapin ang rason mo, but why does it have to be like this? Bakit kailangan na saktan mo ako ngayon nang ganito? Hindi pa ba sapat na halos mawala ako sa sarili sa kakahanap sa 'yo sa loob ng isang buwan? Do you have to hurt me more in this way?"

"Hindi ako malanding babae, Vience. Sa 'yo ang dinadala ko! Hindi ako kailan man nagpaggamit sa kahit na kanino—"

Muli siyang ngumiti nang sobrang pait kaya't napahinto ako sa pagsasalita. "Stop lying. Leave." Tila natuod ako sa tinuran nito.

"Vience. . . ."

"I said leave."

Naglandas na ang mga luha sa mga mata ko.

"I will leave not because I gave up, but because you told me to do so. You don't want to believe me, but let me tell you this for once and for all. I'm pregnant and you are the father, Vience. I never did it with anyone. It was you, and only you whom I gave my body to," I said as I immediately stormed out of his room.

God, I no longer know what to do . . . help me, I'm begging You.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now