We still have time

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo kaming pareho. Magkaharap.

"God, sobrang init." Pinaypay niya ang kamay niya sa sarili niya. Kaya hinawakan ko 'yon, telling her to stop. Binuksan ko ang paypay na dala ko't sinimulan na siyang paypayan. "Sorry ulit."

Ngumiti siya ng tipid at nagsimula ng kumain. Di na 'ko kakain. Busog naman na rin ako, e.

"Ano'ng sabi mo kay Jared?"

"Na I have something to do. Basta, later nalang ako magiisip ng palusot." Uminom siya ng tubig at tumingin sakin. "Aren't you going to eat?"
Ngumiti ako at umiling. "Ayos lang ako."

Tahimik lang kami pareho habang kumakain siya. Siya kumakain, ngumunguya. Ako, nagpa-paypay, nakatitig.

Ang sarap-sarap niya lang panoorin.

Hanggang sa matapos na siya. "May klase ka ngayong 2:30 diba?" Tanong ko.

"Yeah," Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. Siguro aalis na siya. 1:30 naman na din. Baka may aayusin pa siya. Inaayos ko ang kinainan niya ng bigla siyang magsalita.

"But we still have time."

Napa-angat ang tingin ko sakanya. She's staying?

"S-seryoso ka?"

"Yah," Umupo siya sa sahig. Nag crossed-legs at tumingin sakin. "We still have an hour? Or less..." Then she smiled. Naibaba ko ang mga hinahawakan ko at pumunta sa kanya.

"Sabi mo 'yan, ah."

"Yup, we still have time."




"BRO!" Napalingon ako sa tumawag saakin—si Jared. Naglalakad ako palabas ng GYM. Nagkunwari lang akong nanood sandali, pero ang totoo iche-check ko lang talaga si Prim. Mga ilang minuto muna ng makalabas siya bago ako lumabas din. Mahirap naman kung sabay pa kami. Narito nga siya kasama si Jared, ang iba niyang kaibigan at si Vivian.

Tumango lang ako sakanya at ngumiti ng tipid. Aakmang paalis na 'ko ng senyasan niya ko'ng lumapit sa parte nila. Wala naman akong magawa kaya naglakad na 'ko papunta roon.

Si Prim, naka upo at may hawak na tubig—and it was from me. Katabi niya si Vivian at si Jared.

"How are you? 'Di kita nakita kahapon, e. May ita-tanong lang sana ako."

"Ah, sorry, medyo busy. Ano ba 'yon?"

"I was wondering if you could be the one—"

Nagsalita naman si Prim. "Diba, I told you, nasa package naman na 'yon."

"Iba parin kasi kung si Mav. He's excellent when it comes to that." Bumaling sakanya si Jared.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Para sa debut niya."

Alin? Escort?

"Ano pala?"

"Yung sa video ng entire debut niya. On site. Or pwede rin kung pre-debut."

Oh.... Asa pa 'ko.

"He will be one of my visitors, babe. Ayoko namang maging busy siya by that time."

Mukha namang napag-isipan rin ni Jared 'yong sinabi ni Prim. Teka, magpapa-party siya? Diba ayaw niya?

"You're right. I'm sorry."

"And nasabi ko na rin naman.." Tinignan niya 'ko. She looks uneasy but she manages to look at me. "Pwede bang pang 17th dance kita?"

Tinignan ko muna si Jared. I wanted to know his reaction but he just smiled. Walang bahid ng selos at kung ano mang naiisip ko. It was genuine and it seems like it's totally okay with him.

But not for me.

I wanted to be her last dance. But then he came. I wanted to be her last. But the arrangement is more likely explaining our love story. I'm just a before him. I'm the guy before the last. I'm the boy before the man in her ending. Before her happily ever after.

"No problem."

I smiled. Like I wasn't hurt. Like I didn't break for her. But that's okay.


Habang naglalakad ako palabas tinext ko siya. Not even thinking kung na kay Jared ang phone o wala.

Mavis: 7PM. Overlooking. See you.

I may be the guy before the guy in your ending but it's not yet done. It's not yet finished. It's not yet the end.


We still have time, Prim. Believe me, we still have.

**

Happy birthday Denise! ❤️

LIKE THOSE MOVIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon