Chapter 18

1.5K 38 4
                                    

T.T

isa pa

T.T

sorry dear readers di po talaga ito ang original na tinype ko T.T

si wattpad niwala niya ee T.T

di daw yun katanggap tanggap pangit daw ang nitype ko palitan ko daw T.T

mag enjoy parin sana kayo T.T

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"donna?" napalingon si donna sa pinanggagalingan ng boses.

"b-brandon?"

oo si brandon ang nakita niya.

naaalala na ba siya nito? ito ang tanong sa utak ni donna.

"n-naaalala m-mo na ba ako?"  punung puno ng pag-asa ang mga mata niya.

"naaalala. syempre naman. hindi ba't pinakilala ka ng travis na iyon sa akin kanina?" nagkuyom ang mga kamay niya ng banggitin ang pangalan ng karibal

tinuturing na niya itong KARIBAL

"h-ha?? o-oo." nalungkot siya sa narinig. gusto niyang yakapin ang kaharap. at ipaalala ang lahat sa kanya. pero natatakot din siyang baka kamuhian siyang muli nito. muling bumalik sa kanya ang mga alaala

"a-anong ginagawa mo d-dito?"

"kukunin ko si annika." determinadong sagot nito sa kanya.

"a-anong kinalaman mo kay annika?"

"siya ang babaeng mamahalin ko habang buhay. siya ang dahilan kaya ako nagbalik sa mundong ito."

SIYA ANG BABAENG MAMAHALIN KO HABANG BUHAY

SIYA ANG BABAENG MAMAHALIN KO HABANG BUHAY

SIYA ANG BABAENG MAMAHALIN KO HABANG BUHAY

SIYA ANG BABAENG MAMAHALIN KO HABANG BUHAY

paulit ulit na naririnig ni donna ang masasakit na salitang iyon. at pakiramdam niya ay paulit ulit din siyang pinapatay.

nakita ni brandon ang pagkatulala ng kausap. hindi niya alam ngunit, mayroong nagsasbi sa kanyang loob na kilala niya ito.

"may problema ba? kung wala ay kukunin ko na si annika." kailangan ng magmadali ni brandon dahil maaaring madiskubre na patay na pala ang katawang kanyang ginagamit. balewala lamang ang ginawang pag-aalis ng mga arkanghel ng kanyang alaala dahil nagawa parin niyang alalahanin ang lahat.

didiretso na sana siy sa silid ni jenny ngunit, hinarangan siya ni donna.

"hindi kita mapapayagang maging hadlang sa pag-iibigan ni annika at travis." tinignan ni donna ang kausap sa mga mata nito. kahit na ito ang lalaking minahal niya, handa siyang kalabanin ito para lamang sa ikaliligaya ni travis at annika.

"at bakit hindi ha, demonyo?" sarkastikong tanong ni brandon.

"dahil alam ko kung ano ang pinagdadaanan nila. AT BIHIRA LANG SA TULAD NATIN ANG MAIPAGLABAN ANG PAG-IIBIGAN."

hindi alam ni brandon kung bakit sa tingin niya ay nasasaktan siya sa mga katagang binibitawan ng kaharap. may nagtutulak sa kanyang kilala niya ito at kailangan niya itong hagkan at halikan.

"umalis ka diyan kung hindi ay sasaktan kita." pagbabanta niya sa kausap.

"hindi ako natatakot. gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang silang dalawa."

"hibang ka na ba? ang anghel ay para sa anghel, ang tao ay para sa tao at ang demonyo ay para sa demonyo."

nagulat si donna sa narinig.

"kaya ba indi mo na ako magawang mahalin?" napatakip ng bibig si donna dahil sa nabigkas. nabigla siya sa mga nabitawang salita.

"ikaw mamahalin ko?! hahahahaha. nagpapatawa ka ba?!" hinawakan siya nito sa magkabilang balikat niya. "SI ANNIKA LANG ANG MAMAHALIN KO."

pakiramdam ni donna ay tinusok ng matulis na bagay ang kanyang puso sa mga narinig.

"s-sino k-kayo?" nagulat silang dalawa sa tinig na narinig.

si jenny, nakatayo sa pintuan ng kanyang silid.

nilapitan siya ni brandon at hinawakan sa kamay, ngunit nagpupumiglas si jenny.

"sino ba kayo? paano kayo nakapasok dito? huhuhu." nakita ni brandon na lumuluha na ang babaeng kaharap niya, dahilan para tuluyan na niyang bitawan ito.

"p-patawarin mo ako a-annika. hindi k-ko sinasadya." niyakap niya ito ng mahigpit ngunit, lalo pa itong nagpumiglas.

parang napako si donna sa kanyang kinatatayuan sa kanyang kinatatayuan.

"donna?" nilingon ni donna ang tinig at nakita niya si travis sa may hagdan. pagkakita sa kanya ay tila bumalik siya sa kanyang sarili.

"anong nangyayari?" hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang balikat. pero, hindi parin niya magawang magsalita. naituro na lamang niya ang kinaroroonan ni brandon at jenny.

nagtaka si brandon sa naging gawi ni donna. nakikita lamang niya si jenny na nakatayo doon na para bang may hinahampas sa kanyang harapan.

"jenny?" tumakbo si jenny sa kinaroroonan niya at niyakap niya si travis ng mahigpit. tila nanginginig pa ito sa takot.

"anong problema? donna naguguluhan ako." takang tanong ni travis kay donna.

imbes na sagutin si travis, hinarap ni donna si brandon.

"umalis ka na brandon. wag ka nang babalik dito." bigla nalang naglaho ang kausap sa kanyang harapan, tanda na umalis na ito.

nakatulog si jenny sa mga nangyari. natulog ito na si travis ang katabi. hanggang ngayon, ramdam parin ni travis ang panginginig nito. tanda na natatakot parin ito sa mga nasaksihan.

"ano bang nangyari donna? narinig nalang kita na para bang may kaaway."

"siya si annika travis." nagulat si travis sa narinig.

"a-ano? siya si annika?? teka paanong nangyari yun? naguguluhan ako." magkahalong pananabik at pagtataka ang boses nito.

"natatandaan mo ba nung nalaman mo ang nakaraan ni annika? bumalik na siya sa lupa at ito na siya ngayon. kapiling mo. pero mag-iingat ka travis, may karibal ka sa kanya. isa siyang warrior angel."

"warrior angel?" lalo pang nagtataka si travis sa sinabi nito.

"oo, at walang iba yun kundi si brandon."

"si brandon? diba..."

"oo travis, siya ang lalaking minahal ko dati. pero hindi na niya ako maaalala dahil nawala na ang kanyang alaala noong nabubuhay pa siya."

"wala akong pake kahit sino pang ponsyo pilato ang aagaw kay annika. gagawin ko ang lahat para protektahan siya."

**************************************************************************************************************

hindi makapaniwala si brandon sa nangyari. hindi niya nabawi si annika dahil may isang demonyo ang humarang sa kanya? perro, bakit ganun? pakiramdam niya ay kilala niya ang demonyong ito. bakit sa tingin niya ay may espesyal siyang lugar sa puso niya.

"gagawin ko ang lahat para mabawi kita, annika. hindi ako makakapayag na isang mortal lang ang makakaagaw sa iyo mula sa akin. gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako." tila napupuno ng kasakiman ang puso ni brandon sa mga binitiwang salita.

sumapi siya sa katawan ng wala ng buhay na si harvey. maya- maya pa ay nagsimula ng gumalaw at nagkaron ito ng buhay. buong magdamag ay nagsanay siyang mabuti upang lalo pang mapabuti ang kanyang natatagong mga kapangyarihan.

"magkikita na rin tayo sa wakas--TRAVIS."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

sorry sa isang pangit na update...

inulit ko lang

nawala na yung plot kagabi ee

COMMENT PADIN HA

VOTE

AND BE MY FAN

NAKS!!Save

Im inlove with my Guardian Angel ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon