THANK YOU PO :)): ANG ALAMAT NG IIWMGA :))

1.8K 37 10
                                    

wiiiiieeeee....

hahahahah...

obvious bang masaya ako???

hahahaha...

bago natin ituloy ang love story ni travis at annika, gusto ko muna magthank you sa mga readers ko. gusto ko rin sana ishare ang alamat ng I'm inlove with my guardian angel.

isang araw, habang ang inyong author ay nagmumuni-muni, biglang may pumasok na story sa kanyang utak.

as usual kausap ko na naman ang sarili ko.

"what if gumawa kaya ako ng story kung saan yung bida eh nakikita ang guardian angel niya tapos maiinlove sila sa isa't isa?"

pero, dahil nega ang inyong writer, ito ang nangyari.

"ay wag nalang.parang ampangit...mga kabarkada ko na naman ang magbabasa."

kaya hindi ko na tunuloy.

pero, dahil nadiskubre ko ang wattpad....

nakakuha ako ng ideya.

lalo na nung nabasa ko yung PANAKIB BUTAS by JAKERSBIBO at ETERNAL LOVE by LADY_PHOENIX16

ito an naging pag-iisip ko.

"what if gawin ko kaya? trip trip lang. tutal, araw araw naman akong binabagabag na isulat ko ito."

nagsimula akong isulat ito nung mga panahong sumabog ang isang kawad ng kuryente sa amin at nawalan ng internet connection ang buong barangay. kaya ayun, back to basic. nagtyaga na naman ako sa M.S word.

araw, araw halos dinadalangin ko na magkaroon na ng internet connection sa amin. at dininig ng Diyos ang aking panalangin. nagkaroon na nga.

noong mga unang chapter ng IIWMGA hindi talaga siya kapansin pansin sa watty world. masaya na ako kapag may 2 reads na madadagdag.

mismong mga kabarkada ko ayaw basahin dahil gusto daw nilang tapusin ang the missing piece :P

hanggang sa dumating si I_LOVE_RN....

nagustuhan niya daw ang story ko. chineck ko pa ang profile ko at halos magpaparty ako sa bahay dahil may reader ako. di lang basta reader... MALE READER pa...

hanggang sa ung kabarkada ko na si APPLEGUZMAN08 ay nagpost sa message board ko na UD daw sa IIWMGA....

ayun halos magpaparty na naman ako...

hanggang sa may mga naglalagay na sa library ko at lalo akong ginanahan magsulat. pero, nawalan naman ako ng gana sa The Missing Piece ko....

pero ang pinaka the best talaga ay nung pati ang isa sa mga idol ko na si LADY_PHOENIX16 ay nagbasa na rin at nagustuhan ang story ko....

yun talaga parang nanalo ako sa lotto.

sabihin niyo nang mababaw ako pero kasi talaga wattpad nalang ang kaligayahan ko sa buhay. nung finals, minadali ko ang pagrereview para sa watpad. buti nalang maganda ang mga grades ko :))

sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa nito..

pati na rin sa naglagay, naglalagay at maglalagay nito sa library ko...

dun na din sa mga fans ko, kasalukuyang ginagawa akong fans at sa mga future fans ko

isa lang masasabi ko

SALAMAT :))

Im inlove with my Guardian Angel ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon