"Subukan mong sumigaw. Hindi ka na makakauwi pa ng buhay," banta niya.

Natakot naman ako sa banta niya kaya hindi nga ako sumigaw o miski gumalaw. Muntik pa akong matumba nang biglaan na lang niya akong itulak.

"Ano ba? Lampa ka ba? Bilisan mong lumakad!" sigaw niya at itinulak uli ako.

Nagsimula akong humakbang habang may dalawang taong nakahawak sa magkabilang braso ko.

"Masunurin naman pala ito eh." saad ng babae na nasa tabi ko.

Nang mahaba-haba na ang nalalakad namin ay pingilan ako ng dalawang babaeng nakahawak sa braso ko sa patuloy na paglalakad.

"Siya na ba 'yan?" tanong ng babaeng pamilyar ang boses.

"Oo, Cherry, siya na nga." sagot ng babae sa likuran ko.

Tuluyan na nilang inalis ang telang ibinalot nila sa ulo ko. Pagkaalis ng tela ay bumungad sa akin ang mga mukha nila at kilala ko ang isa sa kanila. Siya iyong dahilan kung bakit ako hinalikan ng cursing machine na iyon, ugh! Kasalanan niya lahat!

"So ikaw pala 'yun?" saad ng babaeng nagngangalang Cherry. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at inikutan pa ako. "Hindi naman niya type ang mga katulad mo!" saad niya at bigla na lang niyang hinila ang buhok ko. Napahawak ako sa may anit ko dahil ang sakit ng ginagawa niya.

"Tell me, anong ginawa mo para magustuhan ka niya ha?! Blinack mail mo ba siya ha?!"

"A-Ano bang sinasabi mo? Bitiwan mo ang buhok ko!" sigaw ko.

Bigla na lang niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig. Gulat ko siyang tiningala nang lumapit siya sa akin habang naka-crossed arms.

"Woah, look what we have here."

Sabay-sabay kaming napatingin sa may gilid nang marinig namin ang isang pamilyar na boses. And here comes the arrogant cursing machine. Inis ko siyang inirapan nang tiningnan niya ako.

Lumapit siya sa amin at nagulat ako nang bigla niya akong tinulungang tumayo. Nagtataka kong tiningnan ang mukha niya pero hindi siya tumitingin sa mga mata ko. Napaatras naman ang mga babaeng kumidnap sa akin nang tiningnan sila ng cursing machine na ito.

"You can't just touch my property and you know that, right?" mahinahong tanong niya sa tatlo at nagitla ako nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko.

Tiningnan ko siya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. What is he doing? Magaling pala siyang umarte bilang super hero.

"We're sorry—"

"Never mind. Just don't bother us again." sagot niya na talagang inemphasize ang salitang 'us'. And I wonder why I am not hearing any censored word from him.

"M-Masusunod!" natatarantang sagot nila at saka nagtakbuhan paalis.

Nang tuluyan na silang nakaalis ay hinila ko ang kamay ko palayo sa kanya. "What are you doing? Trying to be a hero? Forget it, okay? I don't need a help from a gangster," saad ko.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin.

"What are you doing?!" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paghila sa akin. Ano bang problema nya?!

❄ ❄ ❄

Tiningnan ko siya habang iniinom niya ang pang-sampu na niyang bote ng beer. Namumula na ang pisngi niya pero tahimik pa rin siyang umiinom. Dinala niya ako sa isang bar pero hindi naman niya ako iniimikan. Hinayaan lang niya akong panuorin siya. Kapag sinusubukan ko namang tumayo para umalis ay hinihila niya ko paupo kaya hindi na 'ko nag-aattempt dahil ayokong hinahawakan niya ako.

"Why did you faint when I kissed you? Are you sick?" biglang tanong niya.

Naramdaman ko kaagad ang pag-init ng mukha ko dahil sa tanong niya. Bakit parang ang dali lang para sa kanyang banggitin ang bagay na iyon?

"Your face is red."

Nagulat ako nang ilagay niya ang kamay niya sa noo ko. "Are you really sick?"

"I'm not." malamig na sagot ko at saka inalis ang kamay niya at iniwas ang mukha ko.

"Well then, I think I am sick."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"I am probably sick. I kissed you and I'm sure there are germs inside my body now." seryosong sagot niya.

How dare him?! Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa ibabaw ng lamesa. Aalis na sana ako pero agad din siyang tumayo at pinigilan ako.

"You can't leave yet. I'm still talking to you." saad niya.

Galit ko siyang hinarap. "Well I'm sorry pero ayoko nang makausap ka pa. Bumili ka na lang ng kausap mo." sagot ko at tinalikuran siyang muli pero agad niya akong nahawakan sa braso.

"Magkano ka ba?" tanong niya.

"What?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Gusto kitang makausap kaya bibilhin na kita. Magkano ka ba?"

Inis kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa akin at saka naupong muli.

"Bakit kasi ayaw mo na lang sabihin na gusto mo 'kong kausap? Dami mo pang paligoy-ligoy!" reklamo ko.

Naupo siyang muli at saka ipinagpatuloy ang tahimik na pag-inom ng alak. Ano ba talagang problema niya? Akala ko ba ay gusto niyang makipag-usap?

"I didn't mean what I said. I was just mad. It was just that you were so annoying and—"

"Just say the word, gangster."

"I was just—"

"Stop explaining and giving me your flimsy alibi. Just say the word and its over." inis na saad ko.

"But I can't say it. I don't know how to say it!" inis na sagot niya.

"Then forget it, I'm leavin—"

"Fine! I am f*cking sorry! I admit it. I was such a pain in the arse and I am sorry for hurting your feelings," halatang hiyang-hiyang saad niya.

Tinitigan ko muna siya nang maigi upang tingnan if he really meant what he just said, and he does. Napabuntong hininga ako at nginitian ko siya.

"Kaya mo naman pala eh. Now, you're forgiven," sagot ko.

Bigla na lang kumunot ang noo niya. "Just like that? You wouldn't even ask for more explanation before you forgive me?" nagdududa niyang tanong.

Nagtataka naman akong tumango. "Oo naman," sagot ko.

"That's crazy," tila naiinis na saad niya at saka umiling.

"Bakit? May tao bang nagkasala sa'yo at hindi mo pa napapatawad? Set your heart free. Everybody deserves to have a peace of mind," saad ko.

"You don't know anything. Who are you to tell me what to do?" inis na sagot niya.

Napakunot ang noo ko. "Well, you're right. I don't even know your name. Sino nga naman ba ako para manghimasok sa buhay mo?" sagot ko.

"You have no idea how it feels to be betrayed by someone you trusted the most. So don't tell me what is right or wrong 'cause you also don't know how I feel."

Natulala ako sa mukha niya matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Tinitigan ko siyang maigi and I tried to look beyond what my eyes can only see. I tried to feel how he feels; I tried to read what he's hiding. And there it was, in his eyes, a huge amount of sadness.

So we got a broken gangster here, huh?

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ