[3] The Gangster

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'm asking if saan ka pupunta, hindi kung anong ginagawa mo. Don't you have brains?" mabilis na sagot ko.

Inis siyang napaharap sa akin dahil sa naging sagot ko. Well, I guess I got him there.

"I guess I should really f*cking cut your tongue right now," saad niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Napalunok ako nang humakbang siya papalapit sa akin. What? Is he serious? Lumapit siya sa akin at nag-lean close pa. Itinikom ko ang bibig ko nang hawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko. He's really scaring me!

"Don't touch me, you censored thing!" sigaw ko.

"What the hell are you talking about?!" kunot noong tanong niya.

He's a fu—censored thing! Huh! Pasalamat siya at hindi ako marunong magmura. I can't even say the word fu—censored! Ugh! I can't say it!

"You know what? You're a jerk. Oh no! You see? Nahawa na ako sa pagmumura mo. Isa kang masamang tao. Isa kang bad influence. Next time na gusto mong magmura, just say censored para hindi ka nakakahawa ng inosenteng tao!" sigaw ko.

Kaagad na kumunot ang noo niya. "F*ck, what did you say? Inosenteng tao? Hey, you're nothing but a cheater. A liar. You should rot in f*cking hell. You don't f*cking deserve to live, do you know that?"

Natigilan ako sa narinig mula sa kanya at agad akong napahawak sa dibdib ko. "What did you just say?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Halatang nagulat siya nang may sunod-sunod na luhang pumatak mula sa mga mata ko. Agad ko rin namang pinunasan ang nabasang pisngi ko. He doesn't deserve my tears. Stupid gangster! Ugh! Nakapagmura na naman ako sa isip ko ng dahil sa kanya.

Tumayo ako sa kama at nagsimulang maglakad paalis. Tinanong ko siya kung saan siya pupunta dahil bago lang ako sa school na ito at nasa clinic ako. I don't know where to go. Ang sama niya talagang tao! I regret that I helped him last week. Ugh. Ang sama ko para isipin iyon.

Humarap ako sa kanya. "I'm sorry," saad ko. Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. Bumuntong hininga muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Sorry, dahil iniisip ko na sana hindi na lang kita tinulungan last week at dinala sa hospital."

Ngumiti siya nang pilit nang marinig ang sinabi ko. "You know what? Will you just stop acting like some kind of a good person? I know a person who can act better than you do. And frankly, it won't work with me anymore so just stop."

Masama ko siyang tiningnan matapos marinig ang mga iyon. "Fine. Forget it. I take back all the words I've said. You deserve to die. Madaming tao ang mas deserving na mabuhay kesa sa katulad mo na ang sama-sama!"

Nabigla ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso at itinulak sa may pader. Tumingala ako at masama siyang tiningnan.

"Bakit? Masakit bang marinig ang mga sinabi mo sa akin kanina? Hindi lang naman ikaw ang may pakiramdam sa mundo eh. Kaya kung pwede ingat-ingatan mo 'yang pananalita mo. Nakakasakit ka kasi." inis na saad ko.

"You think you care about other people, but trust me when I say, we are all born selfish, so why do I have to care for anybody when in fact they also don't give a damn about me?" sagot niya.

Lakas loob ko siyang itinulak palayo sa akin. "Why do you need to care? Because you don't know how other people feel," inis na sagot ko. "I almost died when I was nine. Muntik na 'kong malunod but my father saved me, and died for me instead. My father should have been alive and breathing, and you should have died in his place instead." saad ko at saka agad na tumakbo paalis sa harapan niya.

❄ ❄ ❄

Pagkatapos ng klase ay mabilis kong inayos ang gamit ko para umuwi. Tumingin ako sa orasan ko at saktong ala-sinco na ng hapon. Nang papalabas na ako ng classroom ay laking gulat ko nang biglang may nagtakip ng itim na tela sa ulo ko. Sisigaw sana ako pero agad na nagsalita ang babaeng nasa tabi ko.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon