Chapter One

14 1 0
                                    

Thank you at credit kay PastelDrips at Sofieeesticated sa book cover! 😘😘

Akemi's POV

"Aki what if isang araw makababa ka sa Lupa?" Sabi ng kaibigan kong si Casey.

"Hmmm... siguro yun na yung magandang nangyari sa buong buhay ko." To he honest gusto ko talaga maka punta sa Lupa. Nakikita ko lang ang mga tao dito sa langit mukhang masaya sila.

"What if bigyan ka ni Master ng mission sa lupa? Paano mo yun gagawin?"

"Impossible na Possible yan Casey. Pero kung sakali hmmm. Di ko alam eh." Di ko pa kasi talaga alam ang buhay maging isang tao since dito na ako lumaki kasi mga nasa 3 y/o daw ako non namatay na ako sa Aksidente.

"Wha--." Nilagay ko na ang hintuturo ko sa labi nya. Parati namang ganyan si Casey hahaha.

"Shhh Casey please tumahimik ka muna ah." Sabi ko.

"Ok sorry." Pagkasabi nya non yumuko na sya.

*sniff* *sniff* napatingin ako kay Casey nag panik ako dahil nakita ko syang umiiyak.

"Hala Casey sorry. Sorry Casey tahan na Mami is here." Sabi ko sa kanya inangat naman nya ang ulo nya at hinapas ako ng mahina sa braso ko.

"Anong mami is here? Wag ako Aki ah." Pinunasan naman nya yung luha nya.

"Sorry na kasi Casey patawarin mo na ako." Sabi ko sa kanya.

"Oo na oo na pinapatawad na kita." Sabi ko sabay yakap kay Casey.

"Oh sya sya tara pasyal tayo naboboringan ako." Sabi nya kaya tumayo na kami habang naka hawak ang kamay.

Habang naglalakad kami may lumapit saming batang anghel na lalaki.

"Sino po dito si Ate Akemi?" Tanong nya. Nagtinginan naman kami ni Casey sa isat isa.

"Bakit anong kailangan mo sa kanya?" Tanong ni Casey

"Di ko po alam pero pinapatawag po sya ni Master." Sagot ng bata

"Ah sige sabihan mo papunta na sya." Sabi ko

"Sige po." Tumakbo naman sya papunta sa palasyo.

Tumingin ako kay Casey kasi first time lang akong tawagin ng Master.

"Casey natatakot ako may nagawa ba akong masama? Sabihin mo sakin Casey huhuhu natatakot ako." Nanginginig na ako sa kaba.

"Ano ka ba Aki hindi yan punta ka na kay Master at baka mainip sya." Sabi nya tsaka nag tsupi sign kaya umalis na lang ako at pumunta sa may Fountain dahil doon parati si Master ng makarating na ako don tinanong nya ako.

"Akemi diba gusto mong pumunta sa Lupa?" Tanong nya sakin.

"O-opo. Bakit n-nyo po pala ako pinatawag Master?" Sabi ko.

"Bibigyan kita ng Mission sa lupa." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Master.

"P-po? Ano pong klaseng Mission?" Medyo masaya ako na Kinakabahan kasi matutupad na ang hiling ko na makapunta sa Lupa.

"Gagawin kitang Guardian Angel ng mga tao. Kung may kailangan ng tulong andon ka lang dahil nababalitaan ko sa Lupa na maraming mga namamatay dahil sa Aksidente." Paliwanag sakin ni Master.

"P-pero master di po ako proffesional." Sabi ko

"Wag kang mag aalala Akemi may kasama ka nasa lupa sya di ko sya masabihan dahil busy sya." - Master.

"E-eh kailan naman po ako makakapunta don?" Tanong ko.

"Ngayon na Akemi. Ngayon umupo ka dyan sa may tabi ng Fountain." Sinunod ko naman ang utos nya.

"Pumikit ka." Pumikit naman ako. Napamulat ako ng mata dahil may naalala ako.

"Master paano po si Casey?" Tanong ko dahil baka mag alala sya sakin.

"Wag ka nang mag alala Akemi sasabihan ko na lang sya." Sabi nya kaya tumango na lang ako at pumikit.

"Bago ang lahat nang yan Akemi. Wag kang maiinlove sa isang taga Lupa at iwasan mo ang pagamit ng kapangyarihan mo." Sabi ni Master. "Opo."

May sinabi si Master na di ko alam kung anong meaning at pagdilat ko ay nasa itaas ako ng Building nakaupo na. Namangha ako sa mga nakita ko.

"Wow ito pala ang lupa ang ganda ang daming matataas na gusali at madaming tao."

*-*-*

Hehehehe hello sana magustuhan nyo. First Wattpad Story ko po ito. Not really may mga wattpad stories ako na nagawa pero dinelete ko hehehehe supportahan nyo po ako~!

When The Angel Fall In LoveWhere stories live. Discover now