Landian daw? tsk

39 4 1
                                    

"Bree! Anong sinabi mo kay Tao?!" galit niyang tanong sa akin, nakahawak siya sa dalawa kong balikat. "Bakit everytime na nakikita niya ko, parang nao-aukward siya?"

"Ha? Ako? Wala akong sinasabi" I looked at her innocently

"Don't lie to me. Nakita kita kanina, kinakausap mo siya!" galit niyang sabi, Ang scary talaga nito pag galit! High-blood talaga toh ehh. Pasalamat kayo sanay na ko, kung hindi kanina pa ako tumakbo sa Amerika.

"Siyempre, kinausap ko siya. Nagpakilala siya ehh..." I smiled innocently. Sorry Colleen pero isipin mong ganti ko nalang to sayo, and besides I think someday you'll thank me for this. Masanay na kayo, dahil laging unexpected ginagawa namin ssa isa't-isa. May pagka-mean, pero pinangako namin ssa isa't isa dati pa na kahit anong mangyari, hindi kami mag-iiwanan. Kaya mahal ko to eh...

Siguro curious kayo, kung ano sinabi ko kay tao, ano? Well, its not that big. Hindi ko rin sinasadya, Promise! As in bigla na lang lumabas sa bibig ko ng hindi ko napapansin. Umm... Nasabi ko sakanya na may crush sakanya si Colleen. NOT that BIG... Right?

"Bree" she whined

"How about you ask him, nalang?" yan, nahahawa nako sa pagka-conyo ng babaeng toh...

"Dont tell me... You told him I have a crush on him!" she pointed at me

Oh no! How did she know? Siwnong nag-sabi sakanya? Papatayin ko kayo!

"Fine. Im not telling you" I said shrugging

"You did told him that!" napa-face palm siya

"Eh, sorry?" I looked down, feeling bad "Di ko naman sinasadya, lumabas lang bigla sa bibig ko..."

"Parang may magagawa pa ako" she sighed. "Eh, who cares. Who knows I might benefit on that someday."

"Tara Im hungry na!"

....

Kakadating lang namin sa cafeteria, at lahat ng upuan taken na! Hummanap kami ng pwede naming maupuan.

"Dito bree! Buti may nahanap pa tayo!" sabi ni Colleen sabay lagay ng bag niya sa upuan.

After naming bumili ng food, umupo na kami. I bought Fish Fillet, kasi kanina ko pa kini-crave yun eh. Habang si Colleen chicken. Eh adik talaga to sa chicken so no explanations needed.

"Umm, Can I sit here?" tanong ng isang lalaki

"Umm, sure" Sagot ni Colleen, na busy sa pag-tetext.

Tiningnan ko ang lalaki at nagulat ng makita ko si Martin. (yung katabi ko)

"Hi, Martin right?" tanong ko, nag-nodd naman siya

"Oh, you know each other?" tanong ni. Colleen

"I sit beside her. Classmate ka rin namen diba?" tanong ni Martin

"Yep" sabi ni Colleen. "Ngayon ko lang naalala may kailangan pala akong puntahan ngayon! Iwan ko na kayo ha!"

Bago pa man ako makapag-salita, tumayo agad si Colleen at umalis. Pero bago sumigaw ng 'Ba-bye!'

Awkward...

"Umm, sorry sa kaibigan ko ha..." Napakamot ako sa likod ng leeg ko

"Hindi, okay lang" ngiti naman niya "Halos ganyan naman lahat ng kaibigan ko eh"

"Ay wehh? Hahahaha" tanong ko "Hirap noh?"

"Ay sobra! Hindi nga ako sakanila sumabay ngayon kasi inaasar nila ako" umiling-iling siya

"Ano inaasar naman sayo?" tanong ko

"Eh, nasabi ko kasi sakanila na. May-crush ako sa class mates natin"

"UY! Sino yan!" kulit ko sakanya

"Hulaan mo!" kulit din niya, sabay belat. "Pag-close na tayo, sasabihin ko"

"Promise yan ha!" sabay tawa

"Siyempre!" tas nag-wink ssiya sa akin. "Tara balik na tayo ssa class room!"

"Tara" sabay tayo, inakbayan niya ko. Hindi ko naman pinansin, at pinabayaan siya.

Hindi ko alam kung ako lang. Pero bakit parang lahat ng babae ang sama ng tingin sa akin?

....

"Sino nga kasi!" tanong ko kay Martin, for the 10th time

"Hindi pa tayo close" sabi niya, nilapit ko yung upuan ko sa upuuan niya

"Yan close na tayo!" I smiled victoriously

"Ikaw ha, kung gusto mo lang naman lumapit sa akin pwede namang saabihin eh" nag-wink siya, I scowled

"Yabang" sabay usog ng upuan ko sa dating pwesto

"Miss Reyes, Mister DeGuzman. Mamaya na landian, Dito muna tingin sa harap" Inis na sabi ni Madam, tumawa naman buong klase.

OA ni madam. Porke nag-uusap lang landian agad?

If we were Meant to BeWhere stories live. Discover now