Project

34 2 0
                                    

"Hoy! Wag ka ngang tumunganga diyan!"  inis niyang sigaw sa akin

"Ha? So-Sorry!" agad kong kinuha ang papel na nasa harap ko "Tungkol nga pala saan yung gagawin natin?"

Inirapan niya ko at binato niya sa harap ko ang isang libro "Romeo and Juliet?"

"Oo" tipid niyang sagot, I scowled at him

"Sungit" I murmured "Pasalamat ka gwapo ka kung hindi kanina pa kita sinapak"

"May sinasabi ka?" naiinis niyang tanong

"Ha? Wala"

Seryoso, menopausal na ba tong lalaking toh? Laging galit.

"Ikaw na gumawa ng Introduction" tiningnan ko siya "Yun nalang gawin mo"

"Pero----" 

"Ako na sa iba. Malay ko ba kung marunong ka o hindi" tiningnan niya ko sa mata "Baka bumaba pa grades ko"

Tiningnan ko siya ng masama. Grabe naman siya magsalita! Hindi porket mas matalino siya sakin kaya niya na ko insultuhin.

Bigla na lng siyang tumawa ng malakas "Joke lang naman! Masyado kang seryoso"

Tumingin siya sa akin ng nakangiti. For a while I stared, ang gwapo niya grabe. Dapat pala lagi siyang tumatawa, gumagwapo siya lalo eh. 

Nang napansin niyang tumititig ako, he frowned "Magtrabaho ka na!"

"So-sorry" I stuttered and started writing

........

"Tapos ka na?" tanong niya sa akin, I nodded

Inabot niya sa akin ang ginawa niyang 5 page reaction tungkol sa Romeo and Juliet "I-type mo yan tapos Ipaprint mo. Pass it first thing in the morning" 

Without waiting for a response, he stood up "Let yourself out"

Tumayo ako at nag-stretch, tagal ko rin pala nag-stay dito. 

I made my way towards the door ng biglang may tumawag sakin, "Reyes!" tumingin ako, si Daniel lang pala 

"Ha? May problema ba?" tanong ko sakanya

"Ahhh, wala. Baka gutom ka na, nagluto kasi si yaya nang pasta. Gusto mo?" tanong niya sa akin "Pinipilit kasi ako ni yaya na pakainin ka bago ka umalis ehhhh"

Akala ko naman concerned. -________________________________-

"Ahhhh wag na hindi naman ako gutom eh" sabi ko

*Grrrrrrrrr*

Tumawa siya bigla "Nahiya ka pa. Halata namang gutom ka, tara"

Nakakahiya, Wahhhhhhhhhh! Kahit na gusto kong ipagpilitan na ayaw ko at hindi ako gutom, tila nilalabanan ako ng tiyan ko. Sobra na talaga akong nagutom. Kaya sinundan ko nalang siya, hindi pa nga kami nakakalapit sa kitchen naaamoy ko na yung pagkain. Napalunok ako sa gutom. 

"Oy! Upo na" tinitingnan ako ni Daniel na parang nawi-weirdohan siya sakin

"Salamat" umupo ako sa may tapat niya, and oh my god! Ang sarap tingnan nung pagkain. Parang naglalaway na ko sa gutom

"Kailangan pa ba kita subuan? Kumain ka nalang kaya" inis niyang sabi

"Sorry" sabi ko, agad ko naman siyang sinunod. Damn it! Ang sarap talaga!!!!

Pero siyempre isa akong Dalagang Pilipina, kaya inunti unti ko ang pagkain ko. Nakakahiya naman sa gwapong nilalang na nasa harap ko kung kumain akong parang baboy dito diba?  

Pagkatapos kong kumain tumayo agad ako at nagpaalam, pero biglang lumabas yaya niya.

"Daniel! Ipahatid mo naman 'tong si Audrey" mahinhing sabi nang yaya niya

Tiningnan niya ko "Paano ka uuwi? Mag-gagabi na" 

"Ha? Magtataxi" sagot ko

"Ipahatid mo siya kay Kuya Buboy" sabi niya

"Ay! Hindi na po! Kaya ko na po mag-isa" sagot ko, kahit hindi naman. Hindi nga ako marunong tumawid ehhhh

"Wag na, hija!" nginitian ako ng yaya niya "Teka lang ha, tawagin ko lang yung driver"

"Okay po" nginitian ko nalang siya

Maya-maya bumalik din siya "Okay na, hija. Pumunta ka na sa labas nandun na si kuya"

"thank you po" I smiled at her and turned to Daniel "Thank you din"

He just nodded, hindi man lang ako pinansin. Sungit talaga. 

Pero bago pa man ako makalabas I heard his faint voice "Ingat ka"

Napangiti lang ako. May soft side din pala siya ehhh.

__________________________________________________________________

Haha, nag-update din after 123456789063789 years :)))) mehehehe

Sorry po sa matagal kung pagkawala, pero itutuloy ko na po. Kaibigan ko kasi makulit ehhh :)))))))

If we were Meant to BeDär berättelser lever. Upptäck nu