Crush?

43 2 0
                                    

"Colleen!" habol ko sa kaibigan kong tinatakbuhan ako, tama, tumakbo ka!

Sinabihan lang kami ni Madam na pwede na kaming mag-recess kaya dinerecho ko nang habulin ang taksil na babaeng yun. Sinong mag-aakalang bespren ko siya?

"Ayaw! Layoooooo!" sigaw niya papalayo, ang weirdo talaga ng babaeng toh...

Tumakbo pa ko ng mas mabilis. Siguro mukha lang kaming mga tanga. Natural, sinong hindi magmumukhang tanga kung tumatakbo ka sa Classroom ng sumisigaw? Isa pa paikot-ikot lang kami.

"Huli ka!" sigaw ko nang mahuli ko ang pagod na pagod kong kaibigan.

"Sorry naaaaaaaaaaa! Ayaw ko lang kasing lumaki kang matandang dalaga ehhhh! Maganda naman intentions ko diba?" tanong niyang halatang natatakot.

"Hay" I sighed "Umamin ka nga sa akin Colleen... Nag-dadrugs ka ba?"

"Ako? Bakit naman?" tanong niya

"Ewan ko, tinatanong kita" sagot ko

"Ay! Hindi ba pick-up line yun?" tanong niyang gulat na gulat

"Ewan ko sayo... Kumain na nga lang tayo! Gutom na ako" Sabi ko habang umiiling-iling

......

"So how did it go?" tanong sa akin ni Colleen, sabay subo sa binili niyang pagkain sa Cafeteria.

Pagkatapos ng habulan namin sa class room, dumerecho kaagad kami sa Cafeteria, kasi nga gutom na ko.

"How did what go?" I asked curiously

"Kayo ni, Umm, Whats-his-name?" She grinned at me

"Daniel Yasai" I sighed

"So..." tiningnan niya ako sa mata at ininom ang kapeng inorder niya kanina lang "Kayo na ba?"

"We just met, Colleen" I looked at her frustrated

"And?" she asked me

"Anong and?" tanong ko sabay baba ng spoon and fork ko. I mean, Im so disappointed with her. Paano niya akong nagawang iwan doon mag-isa, Napahiya ko pa sarili ko. "I told you, we just met for the first time"

"Hmmm, I really thought things were going really well with the two of you. You two were so sweet, especially with the chair- thingy" Sabi niya

"Oo nga pala, san ka nagpunta after nun? Di kita nakita" tanong ko

"Katabi ko si- umm, Tao" (pronounced as Tau/ Taw) sabi niya

"Sino yun?" pilit ko

"Yung, umm, lalaking nag-babasa nang libro na tinuro mo kanina" She blushed. OMG! She blushed

"You like him" I smirked

"WHAT?!" She asked shocked

"Sabi ko, YOU like HIM" pag-uulit ko

"Hi-Hindi ahhh!" Denie niya

"Oh, Eh bakit ka defensive?" tanong ko

"Hindi naman kaya!" sigaw niya

"Soo, kayo na ba?" pang-aasar ko

"Ahhhh! Bree naman ehhh!" she whined

"What just asking! Once in a blue moon ka nga lang nagkakagusto sa isang tao, Kailangang lubus-lubusin!" Sabi ko

"Bad mooo!" she pouted "Tara na nga, mag-bebell na! Baka ma-late pa tayo"

"Gusto mo nga lang niyan makita si Tao eh" I winked at her, she scowled

.....

"Ok, Class" sigaw ng adviser namen "Please all stand, and bring your things with you. We're going to arrange our seats today."

Agad-agad naman namin siyang sinunod. Lahat nang mga lalaki ay tumayo sa left-side ng room habang ang mga babae ay sa right-side ng room. Kaninang introductions, before recess, nasabihan na kami ng teacher namen na si, Madam Erika Valdez, na ang section namen (III-Love), ay ang may pinaka-konting babae sa iba. Kakaunti lang kasi ang nakapasa sa standards sa amin. Mahigpit kasi dito sa MA, kahit isang point lang ang kulang mo sa card mo tanggal ka na, at ang dapat na pinaka-mababa mong grade dito ay 92. Eh, Minalas yung iba, 91 lang nakuha...

"Miss Reyes, please sit beside Mr DeGuzman" Sabi nang teacher

Hinanap ko ang sinasabi ni Madam, lumapit ako sa lalaking nakataas ang kamay. Siguro sign niya yun para malaman ko na siya si Mr DeGuzman. Nilagay ko sa floor ang bag ko, at hinarap ang katabi ko.

"Hi, My name's Audrey Katherine Reyes. Nice to meet you" I smiled at him

"Nice to meet yoo, too! I'm Martin DeGuzman" he smiled back

AWKWARD

"Umm..." sabi niya sabay kamot sa batok niya "Yeah..."

AWKWARD x2

"Hi, Im Huang Zi Tao" singit ng katabi ko, na hindi ko napansing umupo na pala dito.

Tao. Familiar. Ay! Siya yung crush ni Colleen!

"Hi, Audrey Katherine Reyes!" Sagot ko sakanya, tinalikuran ko lang muna si Martin "Are you chinese?"

"Yes, I am" Sagot niya. Wow! Ang gwapo naman pala ehhh! Lalo na kung hindi naka 'nerd-glasses'.

"Do you know tagalog?" Tanong ko, please say yes! Ayaw kong mamatay sa nose bleed, If that's possible.

"A little" sabi niya, sabay gesture sa kamay niya na nagsasabi na konti lang

"Good!" I smirked.

Its payback time, Colleen.

If we were Meant to BeWhere stories live. Discover now