TDITA 21: Kidnapped

Start from the beginning
                                    

"5...4... toot toot" binaba na nya. I think humahangos na yun ngayon. 8 rooms lang naman ang dadaanan nya bago makarating dito kaya alam kong kaya nya na yun.

"BLAAG! whoo. Naka-abot ako *phew*" sabi ni Eckah. Sabi sa inyo eh. Mabilis yang bubwit na yan.

"Eckah, I have a mission for you" nakakatawa ang mukha ni Eckah. Bigla syang nabato sa kinatatayuan nya. You know why? Kasi yung last mission nya ay nakaka-trauma. Nang-seduce sya para lang ma-accomplish ang misyon nya. *insert evil laugh*

"Ah-eh... HEHEHEHE. Ano yun Uno?" napangisi naman ng nakakatakot si Uno kaya pati ako, nanayo ang balahibo

"Plant a bomb on E.M.P.I.R.E tower. Work with Roxanne" mas naging exciting ang misyon ko. Si Eckah naman ay napangiti sa narinig

"Sure thing" sabi nya

"Now, go" utos ni Uno kaya agad kaming tumalima. Naghiwalay na kami ng landas sa highway. Kami ni Eckah ang magkasama while silang tatlo naman ni Queenie, Dev at Trish ang magkakasama sa kotse. Whatever happens this night, I'm sure it will be a great start for the game.





Trishiel's POV

She's up to something. I know she has a plan and we're going to be the pawns. I know na walang masamang mangyayare samin dahil protected kami ng Black Blood Warpath Mafia Org. We all have the trackers inside us, placed underneath the skin at the back of our left ear. Just one click and all of us will have the signal. And I really hate that kind of signal, it hurts a little when we receive a signal. Makakaramdam kami ng masakit na gumuguhit sa buo naming katawan. At kapag ganun, isa samin ang nasa panganib. Well, lagi naman kaming nasa panganib but it was a device to secure our location and safety.

Magkasama kami ngayon nina Devone at Blaire, and si Blaire ang driver ngayon. Si Devone ay gumagawa ng plano para dun ata sa kaaway nyang lalaki. At sinasabi ko sa inyo, pag si Devone may target... maaawa ka sa kahihinatnan ng mga targets nya. Samantalang ako, hindi mapakali sa nararamdaman kong kaba. I have the feeling na may hindi magandang mangyayari but I'm excited. 

"Just calm. She knows what she's doing. She'll never do stupid things to risk us" biglang sambit ni Blaire na syang ikinangiti ko. Oo nga naman. Kelan pa ba pumalpak si Uno, eh sya ang mastermind ng lahat ng transaction namin. Tila kalkulado na nya ang lahat ng mga manyayari. Whoever behinds of all this shit happenings... you better hide.

Narating na namin ang mansyon ni Kiara na pinapalibutan ng maraming reapers. Ipinarada na ni Blaire ang sasakyan sa tapat mismo ng malaking pinto nila Kiara at saka kami bumaba.

"Ano na Dev, ayos na ang plano mo?"  tanong ko kay Devone na ngayo'y naka-ngiti na

"Yup. He's going the worst case ever. Tignan ko lang kung anong gagawin nya matapos ang lahat. Gawin ba naman akong girlfriend nya. Eh alam naman ng lahat na isa lang akong hamak na nerd dun sa university. Paniguradong maraming mambubully sakin neto. And you know what, he did that on purpose. Para lang mahirapan ako dito. Akala kasi nila mahina lang ako, tignan nalang natin pag ako napuno" mahabang litanya ni Devone habang naka-kamao ang mga kamay nya

"Hey easy. Nagtanong lang ako kung ayos na ang plano mo at hindi ko tinanong ang mga pangyayare sa inyo" after that, I laugh. Nagpout naman sya at tumuloy na kami sa loob. 

Sinalubong kami ni Butler Bernard at binati ng malugod. Tumuloy naman kami sa weapon room at kinuha na ang mga kakailangananin naming mga gamit. Kumuha na rin kami ng mga explosives at mga toxic gas at inilagay sa malaking bag. Aside from us at sa BBWM, wala nang nakaka-alam sa mga eksperimentong weapons na ginagawa ng mga scientist ng BBWM. Kahit ang butler nila ay hindi nila sinabihan kahit isa ito sa mga pinakamalalapit kay Kiara. 

The Demon Inside The Angel (TDITA)Where stories live. Discover now