Prologue

74.5K 857 36
                                    


"Ito ba?! Ito ba ang babae mo at ang anak mo sa labas Henry?!" Ang babae sa harapan namin ni mommy ay nakakatakot. Sigaw siya ng sigaw at pilit niyang inaabot si mommy pero hinaharang ito ni daddy.

"Barbara! Tumahimik ka na! Pabayaan mo kami!" Patuloy na sinasalag ni daddy ang bawat hampas ng nakakatakot na babae, si mommy naman ay umiiyak lang at itinatago ako sa likuran niya. Bakit umiiyak si mommy?

"Pabayaan?! At ano? Magsasama kayo ng putang ito?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng babae. Hingal na hingal ito habang buong lakas na itinutulak si daddy para maabot niya si mommy.

"Hindi puta si Almira! Mahal ko siya!"

"Ang kapal kapal ng mukha mong ilantad ang kabit mo! Kapag nalaman ito ni mama, walang matitita sa'yo!" Tumigil ang babae at tumingin ng masama sa amin.

"Hindi lang siya basta kabit, Barbara. Sa kanya ako sumaya, minahal niya ako at mahal ko siya."  Mahinahong nagsalita si papa. Ano ba ang pinag uusapan nila? Kabit? Ano ang ibig sabihin noon?

"Ayos lang sa'yong mawalan ng mana nang dahil lang sa isang high class prostitute?" Anong sinasabi ng babae? Sinong tinutukoy niya? Si mama ba?

"Hindi siya prostitute! Maayos na tao si Almira, hindi kagaya mo!"

"Kagaya ko Henry?! Ang pamilya ko ang nagligtas sa kumpanya ng papa mo!" Nagsisimula nanamang mag wala ang babae natatakot na ako sa kanya kaya't umiiyak akong nagtatago sa likod no mommy.

Nahagip niya ang buhok ni mommy at hindi na siya nagpapigil. Iwinasiwas niya ang ulo ni mommy habang pinipigilan siya ni daddy. Nakatayo lang ako doon at umiiyak. Walang magawa. Masyadong malakas ang babae, pinagkakalmot niya sa mukha si mommy at napapasigaw si mama sa sakit, gusto kong tumakbo doon at ipagtanggol ang mommy ko ngunit walang magagawa ang musmos na katawan ng isang batang sampung taong gulang palang.

"Puta kang pokpok ka! Malandi ka! Kaladkarin! Ano lumaban ka! Asaan ang tapang mo? Masyado ka bang kinakati kaya sa asawa kita nagpakamot ha?" Walang magawa si daddy dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng babae sa buhok ni mommy, habang ang isang kamay nito ay sumasampal sa pisngi ng mommy ko.

Pokpok? Malandi? Puta? Ano ang pinagsasabi ng babaeng ito? May ginawa bang masama sa kanya ang mommy ko? Pero mabait si mommy. Wala siyang kaaway. Ang sabi niya asawa niya si daddy, pero si mommy ang asawa ni daddy, ang saya saya pa nga namin eh.

"Barbara! Tama na!" Sigaw ni daddy ang dumagundong sa buong bahay, lumingon ako sa likod ko at nakitang nagsisilapitan na ang mga kapit bahay sa gate namin.

Nahinto ang babaeng tinatawag ni Daddy na barbara at binitawan si mommy ng may pwersa kaya napaupo siya.  Tumakbo agad ako kay mommy at yumakap sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin at nadurog ang puso ko nang makita ang gilid ng labi niyang may dugo at at ang mga kalmot sa kanyang pisngi. Gulo gulo din ang buhok ni mommy pero napakaganda niya pa din.

"Kapag hindi ka sumama sakin, I will make your bitch and you bastard's life a living hell." May diin sa bawat salitang sinasambit ni barbara.

"Do what you want. I'll stay with my family."

Nagstay sa amin si papa, pero isang araw, nawalan ng trabaho si mama, wala nang pera si papa at nakasarado na lahat ng bank accounts niya. Lumipas pa ang mga araw at pinapalayas na din kami sa bahay.  Lumipat kami sa isang bahay na tama lang para sa aming tatlo.

Tandang tanda ko pa ang araw na unalis si mana para sana malaba sa kaibigan niya, makakatulong din 'yon pambili ng pagkain namin. Nag kukulay ako sa coloring book ko nang narinig ko si Aling Patring na sumisigaw sa labas.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon