“WAAAAhhh!!!”Sigaw ulit nung katabi ko, nandun na kasi kami dun sa nag-sleep walking yung isang bata tapos nagising yung kapatid nya at pinahiga sya. Tapos nun binuksan nung kapatid nya ang closet na nasa harap ng kama nila then bumangon yung bata at nakita nila na may babae sa taas ng closet or antique cabinet.

“Waahh!!! Yung mangkukulam nasa likod mo!”sigaw nung katabi kong bakla. Oo may isa pa akong katabi yung bakla.

Nandun na kasi kami sa nahulog yung demonologist sa cellar at binuksan ang music box. Tapos nakita nya sa mirror yung mangkukulam na pumapatay.

~~~

“Amanda seriously, hindi ka natakot sa The Conjuring?”tanong nya nung pagkalabas namin ng sinehan.

“Hindi, ang korni nga eh, pero maganda kasi true to life”sabi ko. Hindi naman kasi talaga nakakatakot eh, ang oa lang kasi nung mga nanuod -__-

“Tara kain tayo sa Jollibee.”sabi ni Raymond tapos pumasok sa Jollibee. Mukhang bata talaga to.

Umupo na ako at nagmunimuni.

“Amanda?”pamilyar yung boses nay un eh. Humarap ako sa kanya kasi nasa likod ko sya

“Keith!  Long time no see!”sigaw ko at niyakap ko sya.

Remember Keith? Sya yung nag-alaga sakin nung nagka-amnesia ako. At yung taong minahal ako nung wala si Kyle.

“Kamusta?”tanong nya. Ngumiti ako bago sumagot. “Ayo slang, ikaw musta? 16 years din tayong hindi nagkita ah.”sabi ko

“Ahh.. ehh, ito ok lang may asawa na ako.”sabi nya sakin Wow akalain mo yun may asawa na sya? Grabe ha, naunahan ako?

“Sino naman yung malas na babae?”birong tanong ko sa kanya.

“Anong malas? Swerte kaya!”depensang sagot nya sakin. Napatawa na lang ako dahil ang gwapo at ang macho nya padin.

“Amanda, ito na ang chicken mo!”sabi ni Raymond tapos inilapag nya ang chickn ko sa lamesa.

“Raymond?”tanong ni Keith. Napatingin naman si Raymond kay Keith.

“Oh pare! Musta?”tanong niya.

At dahil may pagkain sa harap ko, wala akong pakialam sa kanila dahil ako ay kakain na >:) Lagot ka sakin chicken!

“Oh sige ha, maiwan ko na kayo.”sabi ni Keith tapos umalis.

(Kyle’s POV)

“Daddy grabe yung The Conjuring no!” sabi ni Chealsea sakin. Family day kasi naming ngayon.

“Mamaya Chealsea nasa tabi mo na si Anabelle.”pananakot ni Diana kay Chealsea.

“Eh! Daddy kain tayo sa KFC.”sabi ni Chealsea tapos nauna na. Parang isip bata tong si Chealsea.

About dun sa nangyari, wala na akong kinakampihan sa kanila, kung nabugbog ko man ang anak ni Amanda, ayos lang dahil nailigtas ko naman yung anak ko sa banta nyang panggagahasa. Hindi ko akalain na si Amanda pa ang mag-uutos non sa anak nya.

>>>Flashback<<<

“Daddy, sabi ni Sean sakin. Malaki ang kasalanan mo sa mommy nya kaya daw ipinag-utos ng mommy nya na gahasain ako!”iyak ni Chealsea sakin.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Amanda. Sarili nyang anak inutusan nyang gahasain ang anak ko, pagbabayaran nya to.

>>>End of Flaskback<<<

Pagpasok namin sa KFC ay sila na ang umorder, ,medyo madami na ang nakaupo kaya tumabi ako sa isang lalaking nakaupo at kumakain ng chicken.

“Sinabi ko bang pwede kang tumabi sakin?”tanong nya. Medyo naiinis yung boses nya, ano bang problema nito?

“Wala na kasing upuan eh, kaya makikitabi sana kami ng mag-ina ko sa’yo, tatlo lang naman kami.”sagot ko sa tanong nya. Pag to sumagot ng pabalang, hahampasin ko to ng kidlat.

“Kaya pala, nung wala ka ng choice, iniwan mo si Amanda para lang sa isang mali?”sabi nya. Nakayuko kasi sya kaya hindi ko medyo Makita ang mukha nya, pero pamilyar ang boses nya.

“Anong ibig mong sabihin?”tanong ko.

“Hindi mo baa lam na nung iniwan mo si Amanda, depressed sya nun. Hindi mo sya pinaglaban, duwag ka. Eh ano naman ngayon kung papatayin ni Diana si Amanda? Isa lang si Diana. Si Amanda ay marami. Maraming taong nagmamahal sa kanya kaya matatalo nya si Diana.”mahabang eksplanasyon nya sakin.

“Teka sino ka ba?!”medyo galit na ako dahil ayoko na ng mga sinasabi nya.

Humarap sya sakin.

“Ako si Keith.”nagulat ako. KAya pala medyo pamilyar ang boses nya.

Updated!

Vote.comment.fan

<3MissLeeCath

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя