“Ano na Anghel, naghihintay si Zarren oh.”-Scarlet
“Ano ba kayo, kala nyo naman ipaparinig ko sa inyo ang tula ko.. Manigas kayong lahat.”- Yun oh bumanat na rin sa wakas ang na frozen nating bida.. Syempre, sabay sulyap lang kay Zarren. To namang si Zarren, umani lang ng bagong award.. reyna ng pagpipigil.. haha.. ng kilig.. bwiset lang kung makaiwas ng tingin eh.. tsk
“Waaaah! Damot ni Anghel. Pero in fairness, ang sweet.. Patawarin mo na kasi Zarren.”-Yanskie, asahan lang natin na may sagot si Nathan..
“Oo nga naman Zarren, pinaghirapan ni Anghel ang tulang yon.. Mula sa puso nya yun. Diba Anghel?”-Fate ulit. Tsk, asa kayong si Nathan, eh yun oh tinitira nanaman ang fundador.. Nakatikim nanaman tuloy ng sipa ni Yanskie. Dilatan mode ang dalawa. Eh baka malasing eh, pano magd drive.. tsk.
“Guys..ehem..Wag nyo na kasing pilitin ang ayaw.. Malay nyo, hindi para sakin ang tulang yon.”- Huwattt?? Zarren naman, bat nagsalita ka pa.. parang naghahamon ka nyan eh.. tsk.. tigilan mo muna ang pagka amazona mo pwede? Tsk.
“Woaa! Hala, Anghel, patay ka na..Yari ka galit na si Zarren. Parinig mo na kasi..”-Jhoan
“Tsk.. Una sa lahat, ang tulang aking nilikha ay hindi para sa inyong lahat. Para kay Zarren lang yun. Kaya si Zarren lang ang pwedeng makarinig.. Maliwanag?”- tsk tsk.. malupet na banat galing sa malupet na balbon..
“Yiiiih!’-Chorus
“Yun naman pala eh.. Di magbati na kayong dalawa.”
(Yanskie’s pov) Walanjo naman oh.. wag muna kayong magbati. Mamaya na..Me plano nga ako diba.. tae naman oh.. mamaya na kayo mag usap na dalawa, pag naistuck kayo sa kotse. Pag naligaw tayo.. tsk.. to kasing mga to eh.. wag nyo na tuksuhin.. baka bumigay eh. hay,, pag nagkataon, sira ang plano ko..pati ang pagsasama namin ng ungas na si Nathan, masisira eh.. Yun oh. Lumabas din ang tunay na kulay.. tsk… para paraan talaga eh noh.
“Ano ba kayo, yaan nyo muna silang dalawa.. Eh sila rin naman sa dulo eh. Pustahan.”-yanskie, ala ng maisip na paraan.. yun na nasabi nya.. kaso nga lang malas nya walang pumatol sa sinabi nya.. tsk
Ayun.. mukhang nabored na rin ang mag asawang James at Fate, tila di lang makapaghintay ng oras.. tsk..sabik lang ata makapagsolo eh..ayun, bumalik na sa pwesto nila.
(Nathan’s pov) Sinasabi ko na nga ba at me lihim na pagtingin tong babaeng to kay utol eh.. hmmm. Ang sama mong kaibigan kay hipag ah.. akala mo magtatagumpay ka jan sa masamang balak mo.. siguro, balak mo talaga na si utol ang katabi mo mamaya sa kotse noh.. tsk.. asa ka pa..hindi mo masisira ang pag iibigan nila.. hahaha! Pipigilan kita!Raaarrr!
Yun.. sobrang dami pang nangyari nung mga oras na yon.. Pero dahil hindi ko na na mahintay na maisagawa nila Yanskie at Nathan ang plano nila, eto na.. Fast forward na mga balbon…
“Uy Zarren, akalain mo, tayo nalang pala ang naiwan dito? Patay na, san kaya tayo pwedeng sumakay.. Hala. Jinajabar kana ata.. kelangan na natin sumakay ng kotse ni Anghel sa lalong madaling panahon..”-Yanskie..may nYAHahaha pa yan, tinanggal ko lang.. hihi
“Ha? Nung pinagsasasabi mo jan. Mag taxi nalang tayo noh.Ayoko ngang sumabay dun.. Mag feeling pa yun.”
“Waaaah.. Ang arte naman neto oh.. Eh sa wala na ngang masakyan eh. Balita ko pag gantong oras (mga bandang alasyete ng gabi.. tsk. Alang pakielamanan pwede?eh sa ginabi eh.. tagal lang.. Hehe)wala ng masakyang taxi dito.. Tas me nagkwento pa sakin na me dumadaan daw taxi dito, yun pala kaluluwa na lang daw pala yung driver.. waaaah! Zarren, kinikilabutan ako!!!”
“Huy, wag ka ngang manakot jan! Pati ako naduduwag neto eh.. “
“Kaya nga, makisakay na tayo kila Anghel.. Sige ka, baka matypan pa tayo ng multong taxi driver.. Haaaaaaah! Ayoko ng ganong experience Zarren.. Pumayag kana please!” pumayag kana, at totoong kinilabutan ako sa mga pinag iiisip ko.. tsk. Baka nga me multong taxi driver.. waaaaah!
VOUS LISEZ
It Started with a 'K' (from A to Z)
ComédieMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 20: Tambalang Nathan at Yanskie
Depuis le début
