“Bakit naman? Bespren ko ang alak eh.”
“Tamo to, eh pano ka makakapagdrive? Babangga mo ganon. Pati ako dadamay mo.”
“Tsk, dami namang bawal sayo.. sige na.. baka pati pagyoyosi ko ipatigil mo. Daig mo pa girlfriend ko ah.”
(Yanskie’s pov) Ano?? Girlfriend daw? Huhu.. pero ok lang yan, pangit naman ng girlfriend mo, baka mukhang lagaring bakal yung mukha nun.. haha, yung me kalawang ah.. tsk. Pero teka, di pala ko papahalatang affected.. cool ka lang yanskie.. inhale exhale..
“Oh sya, tara na nga.. basta yung mga sinabi ko ah. “
“Oh sige. Got it.. Asan na sila? Yun si Zarren oh, samahan mo na. wag mong hihiwalayan yan mamaya ah baka makatakas pa.”
“Alam ko. Sige jan kana.”
---Karog---
Ok. Para sa mga nag aaabang ng mga sumunod na nangyari sa buhay ng iba (chismosa lng ang datingan eh)..eto na po mga sumunod na nangyari sa kwento nila...
Sa reception...Kanya kanyang kwentuhan ang mga feeling bida...
"Hanep ang yaman pla ni James, yung mama nya oh parang donya...English speaking pa.. Patay na si Fate.. haha, nose bleed yan.."- Joyce sa pagitan ng pagsubo yan ah.. hehe
"Nyahaha, kaya nga eh.. pero in fairness di naman mukhang matapobre eh.. Uy sino yung isang yun? Tangkad ah."-Zarren, nang iispat na din..magkatabilang kasi halos ang table nila ni Anghel.. Dinig ang kalandian nya.. hehe.. sinasadya eh..Isa yan sa mga papansin moves nya oh.
"Huy, ano ka ba naman Zarren, may nasasaktan sa kabilang table."-Scarlet, sadyang nilakas lang ang boses para talagang marining ni Anghel...
"Grabe ha, kelan ba kasi kayo magbabating dalawa ah.. Yan tuloy naunahan pa kayo nila Fate.. Oh tignan nyo yung dalawa oh, naghaharutan na dun.. tsk.. yan na nga ba sinasabi ko eh.." Tina mapanuri lang.
"Yikes.. Kainggit talaga.. Ako kaya kelan??"-Parinig lang. May dumaan kasing mestiso sa harap nila.. haha..
"Hoy! wag nga kayong papansin masyado jan sa mga boys.. Pahinhin naman kayo!"-Nathan, ang kulit lang manaway..tsk, mula pa yan sa kabilang table ah.
"Oo nga naman. Ampapanget naman nung mga yun eh. Walang sinabi saming apat yan.."-Clark nag ehem pa. ANg tinutukoy niyang apat dito ay sila nila Nathan, Anghel at JP.
"Weh? Nagsalita nanaman po ang dalawang abnormal." Yanksie. pabulong lang pero biglang nilakas "Waaaah, tama ka Clark.. Shotain mo na nga tong si Scarlet para matigil na rin ang paghihintay nito." tsk tsk... minsan talaga di maintindihan tong mood ni Yanskie eh..
Yun, siniko lang sya ni Scarlet.. Tumaas naman ang kilay ni Tina..Buti nalang hinangin..Ayun, bumaba ulit.. haha.
"Tsk tsk.. Mukhang me namumuong pag ibig sa pagitan ng dalawang tropa natin ah.. Pareng Clark, ano na,magsalita ka naman. naghihintay ang ating binibini.."-Anghel, sa wakas mukhang nasa mood sya ngayon..
"Uy, wag kayong ganyan. Baka totohanin ko yan.. " Sabay kindat lang ke Scarlet.."Here.." Waaaah, bakit bigla niyang inabutan ng food si Scarlet ah.. tsk, walang permiso ni Karu yun ah.. tsk..
"Yiiiih!" -Chorus
"Heh! Tumahimik nga kayo!"- Scarlet nagblush. " Thanks" blush ulit.. tsk. tsk
"At ikaw naman Anghel, anong balak mo? Kausapin mo na kasi tong si Zarren."- Jhoan, umeepal lang. Sa puntong to, nagkatinginan ang kanina pa nag iiwasan ng tingin na dalawang magsing irog..
(Zarren' pov) Hay ano ba tong nararamdaman ko.. tsk.. para namang first time kong kiligin.. Hehe. Anghel kasi eh.. Parang ewan kung makatingin.. Me kanin ka pa sa baba.. waaaah. kung pde lang tanggalin ko yan eh... haha, tas sabay subo.. hihihi.
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 20: Tambalang Nathan at Yanskie
Start from the beginning
