“Hehehe, wala akong sinabi ah. Basta hayaan mo nalang”
“Eh teka, ano nga palang balak mo? Mukhang masyado mo ng pinapahirapan si evap. Tsk, patawarin mo na kaya. Yun oh, parang lugmok na. Mukhang pumayat eh..”
“Oo nga eh. Naguilty nga ko. Parang pumayat sya.” Hmmm, namimiss ko na nga mga muscles nya eh.. baka napabayaan, di na ata nag ggym.
(Yanskie’s pov) Patawarin mo na kasi. Para maisunod na ni Karu ang story ko.. hihi. Kaso dami pa palang naka line up.. tsk. Patutumbahin ko nalang silang lahat para story ko na.. haha
“So, ibig sabihin ba niyan, patatawarin mo na sya? Tignan mo si James at Fate oh, kainggit.. tong si Fate naman kung maka I do.. tsk.. if I know umaandar na ang imahinasyon nyan para sa honeymoon nila.. haha. Magaling kaya akong makabasa ng utak nyan.. tsk. Hahayaan mo bang ganon nalang ang love story nyo ni Anghel? Wag ka pumayag, parang tanga naman ang dahilan ng paghihiwalay nyo eh. Kala ko ba ok na kayo ni Jamby? Ok na rin kayo ni Fate diba. So ano pang hinihintay nyo?tsk bagal mu naman eh.. “ asar na ko sa inyo ah..arte nyo ha.. pag ako nainis papaanak ako jan ke Anghel..Haha.. papalahi lang.. tsk
“Hay Yanksie kala mo kasi madali eh noh.. Pero, kung gagawa naman sya ng paraan syempre patatawarin ko.. kaso nga lang mukhang pagod na eh. tignan mo ni hindi manlang ako kinakausap. Puro tingin lang. ano kaya yun.”
(Yanksie’s pov) hmmm, yun lang ba problema mo.. hirap sayo naghihintay ka pa.. wag puro hintay men. Minsan sa buhay ng isang tao, kelangan nating sumubok.. pano mo malalaman kung di mo susubukan.. tsk, at dahil kaibigan kita Zarren balbon, tutulungan na kita jan sa problema mo…hehe.. ako ng bahala.. ang henyong si yanksie na ang lulutas ng suliranin mo.. kahit libre ok lang.. hmmm yan ang tinatawag na tunay na kaibigan.. in English, true friend… hahaha. –Yun oh kinakalat na ata ng isang to ang binhi ng kabaliwan.. tsk.. tong mag ttropang to, mga takas ata to sa mental eh.. hay…
Yun. Tumahimik na ang mga nilalang na to.. Si Zarren, nakinig sa sermon ng pari.. Si Anghel, ayun, tingin pa rin nang tingin habang nababalot ng kainggitan ang puso sa dalawang kinakasal… Si Nathan, waaah.. tulog.. si Yanksie… tsk, tae tulog din… nakayukong kunwari nagdadasal..
Hanggang sa matapos ang kasal. Halata lang talaga sa mukha ni Fate ang sobrang kasiyahan. Yun, nung palabas na sila ay mukhang may naisip na si Yanskie para magkabati ang dalawang bida natin.
“Anghel!” Yanskie, tawag lang kay Anghel.. hmmm, Nathan tae ka! Kunwari akala ko si Anghel ka.. ang totoo alam ko naman ikaw yan..haha,, eto ang tinatawag na tanga-tangahang hindi malilimutan. Nyahahaha!
Sabay tingin lang ni Nathan. “Oh Yanksie ikaw pala. Nong meron?”-wahaha, bobo talaga tong si Yanskie, akala nya si Anghel ako.. haha sige na nga para malaman ko rin kung talagang me crush to ke utol.. tsk.
“Nakita kita kanina, tingin ka ng tingin ke Zarren ah.”
(Nathan’s pov) So ano naman. Selos ka? Hay… mukhang me crush nga ah.. pipigilan kita jan sa namumuo mong damdamin..
“Yanskie, alam mo namang hindi kita type, si Zarren ang mahal ko.” Waaah, bat ko ba nasabi yun.. halata ako.. shit.
“Ha, nung pinagsasasabi mo? Di rin kita type lalo na yung utol mong hari ng mga epal.. May deal lang ako sayo.” -Wahaha, parang tanga talaga tong baliw na to. Nu kala nya sakin, eng eng. Hahaha wais ata to.. tukmol ka. Haha, ang saya talaga sa pakiramdam pag me naloloko ka.. hihihi
(Nathan’s pov) waaah. ano tawag nya sakin? Hari ng mga epal? Bwahahaaha, aylabit. Ikaw ba reyna? Haha. Makapagsalita to kala mo di makabasag pinggan.. epal din to eh noh..
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 20: Tambalang Nathan at Yanskie
Start from the beginning
