PROLOGUE

25 1 0
                                    

"Drake! Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ng labing isang taong gulang na si Erika sa matalik na kaibigang si Drake na labing limang taong gulang na. Magkahawak ang dalawa habang binabagtas ang kakahuyan na naging laruan nilang dalawa.

"Basta! Sumunod ka nlng. Ang dami mo pang tanong e!" Naiinis na sagot ni Drake.

"Kanina pa tayo lakad ng lakad. Nadaanan na kasi natin yung tree house natin pero hindi nmn tayo doon tumigil" Reklamo pa ni Erika.

Biglang tumigil si Drake at humarap kay Erika.

"Oh? Bakit tayo tumigil? Andito na ba tayo?" Tanong bi Erika sabay nagpalinga linga sa paligid. Wala nmn itong nakitang kung ano sa paligid.

"Tatakpan ko ang mga mata mo ha? Tapos magbilang ka ng thirty na hakbang tapos alisin mo ang piring mo sa mata" utos ni Drake kay Erika.

"Ano?! Bakit may papiring piring pa?! Paano kung mahulog ako sa bangin kasi hindi ko makita ang dadaanan ko?"

"Hahayaan ko bang masaktan ka? Andito lang ako lagi sa likod mo, hindi mo man ako nakikita basta andito lang ako. Hindi kita pababayaan"

"Osige na nga! Patay ka talaga sakin pag kalokohan lang tong pinag gagagawa mo! O game na!"

Nilagyan na ng panyo sa mata ni Drake si Erika.

"Simulan mo na magbilang ng thirty!"

"1.2.3.4.5.6.7.8.9.10.11.12.13.14.15.16.17.18.19.20.21.22.23.24.25.26.27.28.29. Thirrtyyy!" Pagkatapos magbilang ni Erika ng hanggang tatlumpu ay tinanggal na nito ang piring. Nung una'y hindi pa nito maimulat ng maayos ang mga mata pero unti unting naging malinaw ang paningin nito.

"W-wow!" Ang unang lumabas sa bibig ni Erika. "Ang ganda!"

Namangha si Erika sa kanyang nakikita. Nasa taas mataas na bahagi sila ng lugar nila kung saan matatanaw ang naglalakihang building sa malayo na punong puno ng ilaw. Pag tumingin ka sa langit ay makikita mo ang pababang haring araw. Ibig sabihin ay nagsasalubong na ang araw at gabi.

May inilabas si Drake na towel mula sa likod nito at inilatag sa lupa malapit sa bangin.

"O saan mo nmn nakuha ang tuwalyang iyan?" Nagtatakang tanong ni Erika.

"Wag ka na nga magtanong! Umupo ka nlng!" Napipikon nnmn na sagot ni Drake kay Erika.

"Hmmm! Sungit! Nagtatanong lang e" Sabay irap ni Erika.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Drake habang nakaupo na silang dalawa.

"Ang alin?"

"Anong ang alin?!"

"Yung towel o yung view?"

"Itong lugar!"

"This place is enchanting! Saan mo natagpuan ito?"

"Kasama ko si lolo nung isang araw para mangabayo. Napadpad kami sa lugar na to. Tapos bigla kitang naisip. Sabi ko dapat makita mo to"

"Wow! Ang sweet sweet mo talaga!" Sabay yakap ni Erika sa braso ni Drake.

"Heh! Lumayo ka nga sakin. Ang baho mo!" Pilit na tinatanggal ni Drake si Erika sa braso niya. Lalo lamang itong kumapit kay Drake. Kaya hinayaan nlng niya.

Nakatingin lang ang dalawa sa paligid.

"Erika, Anong pangarap mo?"  Biglang tanong ni Drake kay Erika.

"Maglakbay"

"No i mean anong course ang balak mong kunin sa kolehiyo?"

"May dora the explorer na course ba?" Nangingiting tanong ni Erika

Agad nmng binatukan ni Drake si Erika.

"Aray!"

"Umayos ka nga!"

"Bakit ka nangbabatok?!"

"Ayaw mo kasing umayos ng sagot!"

"E sa gusto kong maglakbay e!"

"Wala nmn ganun!"

"Hmmm siguro doctor nlng. E ikaw?"

"Ako? Pangarap kong maging sundalo"

"Sundalo?! E lampa ka nga e!"

"Erika" tawag niya dito. Hindi pinansin ni Drake ang pang aasar ni Erika.

"Ano?"

"Aalis na ako sa isang linggo"

Biglang napaharap si Erika kay Drake.

"Oh saan ka pupunta? Sa Maynila nmmn ba?"

"Hindi"

"E saan?"

"Sa Amerika"

"Amerika?! Malayo yun diba?" Gulat na tanong ni Erika. Tumango lamang si Drake.

"Bakit aalis ka?"

"Kailangan magpagamot ni lolo sa puso"

"Gaano ka katagal mawawala? Isang linggo? Dalawa? Isang buwan?"

"Doon na ako mag aaral"

"Hindi ka na babalik?"

"Babalik ako. Pangako yan. Magkikita pa tayo ulit"

Biglang pumatak ang mga luha ni Erika at niyakap si Drake.

"Pwede bang wag ka na umalis? Dito ka nlng? Wala na kasi akong bestfriend e"

Yumakap nmn agad si Drake kay Erika pero inalis niya din ang pagkakayakap nito at hinawakan ito sa muka.

"Kung pwede lang na dito nlng ako gagawin ko pero hindi ko nmn pwede iwan si lolo. Si lolo nlng ang pamilya ko simula nung mamatay si mama at papa diba? Pero pangako ko na babalik ako at magkikita tayo ulit. Parang ang gabi at araw. Tulad ng pangako nila sa isat isa na magkikita at magkikita sila kahit anong mangyari. Tuparin mo ang pangarap mong maglakbay at maging isang doctor. Hindi mo mamamalayan na kasabay ng pagtupad mo sa pangarap mo e nakabalik na ako at magkasama na tayo ulit" naluluhang paliwanag ni Drake kay Erika habang pinupunasan ang mga luha nito. Si Erika nmn ay walang ginawa kundi tumango at umiyak.

"Tuparin mo ang pangarap mong maging sundalo ha? Tapos bumalik ka o kaya nmn bibisitahin nlng kita don sa Amerika" sabi ni Erika kay Drake. Tumango tango lang si Drake dito.

Nagyakap ang dalawa at sabay na tinitigan ang papalubog na araw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Moon and Sun Collides Where stories live. Discover now