Chapter 7

7K 230 11
                                    

Chapter 7

It felt so stranged sleeping in other house and in other people's bed. Hindi masyadong nakatulog si Allie sa unang gabi sa bahay ni Andrew. Alas cuatro pa lamang ng umaga ay nagising na siya. Kahit anong pikit at biling sa higaan ang gawin niya ay hindi na siya makatulog pa. Alas singko y media ang regular wake up time niya. Nais pa niyang matulog ngunit ayaw nang manahimik ng diwa niya. Ilang biling pa at nagdesisyon na siyang bumangon na lamang. Ibinulsa ang cellphone at earphone. Matapos suklayin ng mga daliri ang buhok ay lumabas ng silid na inilaan sa kanya.

Dinatnan niya sa kusina si Yaya Perla. Nagtaka ito kung bakit gising na siya ng kay-aga-aga. Kaagad na hinainan siya nito ng kape at pandesal. Matapos ubusin ang kape at ilang pirasong sobrang sarap na pandesal ay nagpunta sa porch. She did some routine exercises in the morning upang maalis ang antok. She jogged in place. Still not satisfied she got out her cellphone and earphone from the pocket of her shorts.

Ayaw niyang magpatugtog dahil napakaaga pa. Nakakahiya sa mga kasama niya sa bahay. Kaya gamit ang earphone ay nagpatugtog siya ng pwedeng pang-exercise na tugtog. Iyon ang presentation nila sa huling Christmas Party na kasama niya ang mga kasamahan sa dating trabaho. Medyo sexy ang mga steps niyon.

Nang matapos ang tugtog ay nawala na rin ang antok niya. Salamat naman. Isa na lang at magpapahinga na siya upang makapag-shower.

"Very nice. Pero mas mainam pa rin ang mag-jogging sa labas. Gusto mong sumama?"ani Andrew matapos nitong tanggalin ang earphone sa tainga niya na sobrang ikinagulat ni Allie. Tutop ang dibdib na napalingon siya sa likuran niya. And there was Andrew wearing an all-white.

White shirt and white walking shorts. Tapos ang mukha nito ay halos madikit na sa mukha niya nang bigla siyang lumingon. Gosh! He smelled like heaven. Mukhang mag-jo-jogging ito sa get-up nito. So, that was why he had a yummy body huh! Agad siyang kumilos palayo dito. Tumatagaktak na kasi ang pawis niya at malamang amoy paksiw na siya.

"Sorry. Hindi mo kasi ako marinig," paliwanag nito sa pagkakatanggal sa earphone niya. "Ang sabi ko baka gusto mong sumamang mag-jogging."

"Ah, h..hindi po, Sir Andrew," tanggi niya nang maintindihan ang sinasabi nito.

"Come on. Sumama ka na para makapamasyal ka rin sa labas. Pangako hindi kita ililigaw. At pakiusap ulit, Allie."

"A...Ano po 'yon, Sir Andrew?"

"Stop calling me, Sir, okay? At huwag ka sabing mamupo sa'kin. I am only twenty-nine."

"Ah, sige po, Sir...I mean, sige, Andrew," ang naaalangang tugon ni Allie. Tuloy ay ang arte ng pagkakabigkas niya sa pangalan nito.

Super sweet tuloy ngiti ni Andrew. Her heart was skipping beats. And her legs were turning into jelly. Sinasadya ba ng lalaking ito ang ngumiti ng ganoon? O natural lamang na napaka-appealing nito kapag ngumingiti. Konti pa tiyak na magdo-drool na siya eh.

"Ayan. Much better. I liked it. The way you said my name."

Kamuntik nang mapasambit ng shit si Allie. Ano ba naman ang lalaking ito? Nangse-seduce ba ito o ano?

"O ano? Sasama ka bang mag-jogging sa'kin o tutunganga ka na lang d'yan. Hey, are you okay?" Napapitlag si Allie nang iwagayway ni Andrew ang isang palad sa tapat ng mukha niya.

"Palagay ko ay inaantok ka pa. The better na sumama ka sa'king mag-jogging."

"Ah, t...thank you sa pagyaya, Sir...I mean, Andrew pero sa susunod na lang ako makikisabay. Hindi ako naka-ready na mag-jogging sa labas eh,"pagdadahilan niya.

Ang totoo excuse lang niya iyon. Wala siyang balak na sumabay ritong mag-jogging. At hindi siya lalabas na hindi naka-properly attired to jog. Naka-shorts lamang siya at manipis na t-shirt na ginagamit lamang niyang pantulog. Nagpapawis lang talaga siya kaya nag-exercise sa labas dahil inaantok siya dahil nga puyat.

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon