Chapter 1

19.3K 454 27
                                    

Previously titled Falling for Mr. Cool

Chapter 1

Mistulang estatwa si Allie sa pagkakatayo sa bahaging iyon ng J.P Rizal Street. Hindi makakilos at hindi malaman ang gagawin. Higit sa lahat hindi siya makapaniwalang nasa ganoong sitwasyon siya sa napakahalagang araw na iyon. Sa dinami-dami ba naman ng araw ngayon pa talaga, naiinis na himutok niya sa isip.

Papano ba naman kasi papatawid siya sa kabilang kalye nang may bigla na lamang humarurot na kotse sa harap niya bago pa man lang siya makaisang hakbang. Kasabay niyon ang maruming tubig na tumilapon sa kanya na agad kumulay sa light green niyang blouse at black pencil cut na palda. At sa kasamaang palad, tila meron pa yata iyong di-kanais-nais na amoy.

Kuyom ang mga palad at nanggigigil sa inis na sinundan niya ng tanaw ang black BMW na kadadaan lamang. Hindi man lang bumagal ang walang modo, walang baga, walang bituka, walang atay at higit sa lahat walang pusong driver. Kapal ng mukha!

Kitang-kita naman na may naimbak na tubig sa bahaging iyon ng kalsada sapagkat umulan kagabi. Hindi man lang pinabagal ang sasakyan. Mabuti na nga lang at itim ang kanyang palda. Hindi gaanong pansinin doon.

Hindi ba siya nakita ng magaling na driver? Napaka-imposible. Oo nga't hindi pang-Miss Universe ang height niya pero lagpas limang talampakan naman iyon. Hindi siya ganoon kapandak para hindi nito mapansin.

"Hmp! Bastos lang talaga," ang napapangiwing bulong niya habang pinapahiran ng likod ng palad ang bahagi ng pisnging natilamsikan din pala ng maruming tubig.

Halos maluha siya sa inis nang mahagip ng mata ang isang bahagi ng blouse na nasa tapat pa talaga ng dibdib niya. Tila siya isang batang pasaway na pinainom ng tsokolate pagkatapos ay itinapon sa damit. Nag-inhale-exhale siya upang kalmahin ang sarili. Saka pigil ang pag-iyak na naglabas ng panyo at saka ipinunas doon. Ngunit lalo lang siyang nadismaya sapagkat kahit anong punas at pagpag ang gawin niya ay hindi na matanggal ang marka roon. Halos mapunit nga ang panyo sa kakapunas niya sa kanyang blouse.

***

Sa kalagitnaan ng kanyang paghihimutok ay napansin niya ang kotseng dahan-dahang umaatras sa banda niya. Ilang sandali pa ay huminto na ang black BMW sa tabi niya. Ano pa't iyon ang makapal ang mukhang dahilan kung bakit naroon siya sa kahiya-hiyang kalagayan ng mga sandaling iyon.

Naniningkit ang mga matang inihanda ni Allie ang sarili na harapin ang walang modo, walang atay, walang ....haist! 

Sa totoo lang, nagtataka siya kung bakit bumalik pa ang hudyo. Nais pa yatang masaksihan ang pagkapahiya niya. Malamang siguro sisihin siya. Sabihing kasalanan niya ang nangyari. Pagtawanan siya. At pagkatapos ay...

Nega overload talaga, Alison? Wika ng maliit na tinig sa utak niya. Panay negative vibes siya, umagang-umaga.

Nang mapag-isip-isip iyon ay napahugot siya ng malalim na hininga.

O siya, eh di positive, good vibes. Baka naman at the last minute ay nakonsyensya ang magaling na driver. O positive na, right? 

Kung may konsyensya nga siya, hmp!

Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang bumukas ang pinto ng kotse at unti-unting iniluwa nito ang isang lalaking naka-dark brown leather shoes at dark brown slacks. Naka-tuck-in dito ang fitted na cream polo shirt. Bakas pa nga ang muscles nito sa dibdib. What the heck! Halos malaglag ang panga ni Allie nang tuluyang makalabas ng kotse ang lalaki.

Sobra namang tangkad nito. His tall, nearly perfect-shaped body seemed endless. Ito na yata ang pinakamatangkad at pinakaseksing lalaking nasilayan niya sa buong buhay niya eh. Ilang segundo pa ang nakalipas bago nakarating ang mga mata ni Allie sa mukha nito. Nang tuluyang mamasdan iyon at magtama ang kanilang mga mata ay agad humanda si Allie upang bigyan sana ito ng mahabang litanya hanggang sa mamula pati dulo ng ilong nito.

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon