Matutulog nalang ako.

***

Ilang oras na ang byahe pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nga pala, sinabi ko na bang sa Tagaytay kami pupunta, buti nalang talaga nakapagdala at may makapal kapal akong jacket na nakalkal sa closet ko kanina.

"Uy banggaan oh!", biglang sigaw nung itsusera naming kaklaseng lalaki, Jobert ata pangalan neto, lagi kasing nasusumbong na madaldal daw kaya naalala ko yung name

Because of curiosity (banggaan daw kasi) kaya napalingon ako, buti nalang tapat ako ng bintana kaya madali ko lang nakita yung kotse at motorbike na nagbangga nga, tsk tsk. Sayang ang motor, ganda pa naman.

I'm about to look away when I felt someone staring at me then out of I-don't-know I turned my look more to the right, specifically at my back, and there I saw King, staring at me, directly into my eyes.

I suddenly felt my heart beating so fast.

I immediately returned my gaize at my front. Tinitigan ko lang yung bakal na hawakan sa harap ko habang nakahawak dito yung kaliwa kong kamay habang yung kanan naman ay nakahawak sa bandang dibdib ko.

Hala! May sakit ata ako sa puso ah. Napapadalas na to ah. Tsk.

Ilang beses akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili ko.

"Oh Earl, are you okay?", AJ asked

"Yeah"

Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay nandito na kami sa Tagaytay.

"Wow!"

"Ang ganda naman"

"Mamulot tayo ng shells mamaya"

"I really love beach"

"Wah! Sayang wala akong dalang swim suit"

Iba't ibang komento ang naririnig ko galing sa mga istudyante dito pagkalabas nila ng bus. Tsk. Akala mo naman, sa bakasyon kami pumunta. Duh~ nandito kaya kami dahil may camping.

"Attention! Attention guys! Magpahinga muna daw kayo then iayos nyo na yung mga tent nyo, 4-A doon tayo", Ms. Pres. sabay turo doon sa side na pagtatayuan namin ng mga tents.

Pumunta naman kaming lahat doon. Yung iba nagpahinga, yung iba naman nagtuloy-tuloy na sa pagkabit ng mga tents nila.

Kami namang lima ay nagpahinga muna. Naglakad kami palapit sa seashore saka naupo doon. Medyo malayo kasi yung lugar ng mga tents namin sa dagat kaya nakapaglakad lakad pa kami.

"Ang ganda dito", nakangiting sabi ni Patrice

"Oo nga eh, picture tayo", yaya naman ni Eunice

Pumwesto naman kaming lima, buti nalang may dalang monopad itong si Eunice. Nagpicture lang kami dun kahit pare-pareho lang naman yung itsura namin, mga mukhang tuod.

"Ang fierce naman lahat, tara't ngumiti", yaya ulit nya

Pumwesto ulit kami, this time pare-pareho kaming mga nakangiti. True smile that we often to show.

***

King's POV

"Wow!"

We all looked at Troy na kanina pang kumukuha ng picture.

"Marunong naman pala silang ngumiti, bakit di nila ipakita?", I heard him whispered while looking at his DSLR camera

He's beside me so I heard him clearly.

The Real Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now