Chapter 32

9.6K 269 7
                                    


Earl's POV

"So to all fourth year students here, there would be no activity for today yet, all you have to do is to rest, relax and energize your body because tomorrow would be the day na kailangan ng buong katawan nyo ng kooperasyon. So now, you may sleep to your tent or have a stroll first here basta wag kayong lalayo, understand?"

"Yes Ma'am!", sagot ng buong 4th year students here

9:00 am palang, kakatapos lang namin magbreakfast lahat, tsk. Wala naman palang gagawin ngayon edi sana bukas nalang kami pumunta dito.

Tiningnan ko yung paligid habang nasa loob ako ng tent. Lahat sila mga nakangiti at excited nang mamasyal. Yung apat naman nandoon sa may seashore at nagpipicture pa din. Ako lang ang nandito sa loob. Tsk. Matutulog nalang ako.

Humiga ako sa pinaka gilid, syempre sinarado ko muna itong tent. Kinuha ko muna yung phone ko at tinignan kung may text, pero wala. Naalala ko tuloy yung phone ni King, nasa bahay pa yun at hindi ko parin kinakabit yung mga parts.

Hindi pa man din ako nakakatulog nakaramdam na ako ng tawag ng kalikasan.

Tsk. I need to pee.

Tamad na tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga, nakapikit pa ako habang ina-unzip ko yung tent at hanggang sa lumabas ako.

"Ouch!"

Takte! Hindi pa man din ako nakakalabas nauntog na agad ako.

Idinilat ko yung mga mata ko only to find him in front of me.

"O-oh I'm sorry, did it hurt?", King said sabay hawak sa ulo ko na nauntog sa ulo nya.

Did it hurt daw eh nauntog din naman sya sakin.

"No its okay, nagulat lang ako", I said to him
"What are you doing here anyway?"

Hindi sya sumagot at nakatingin lang sya sakin kaya lumabas na ako ng tuluyan saka sinuot yung flip flops ko.

"Where are you going?", he asked nang lagpasan ko sya.

Tsk. Sya nga hindi ako sinagot sa tanong ko tapos ako tatanungin nya tsk.

Ginawa ko yung ginawa nya, tinitigan ko lang din sya at hindi sumagot saka umalis na at nagtungo sa CR. Buti nalang at nasa malapit kami ng CR talaga, malaki ito. Mga nasa beach yung marami kaya wala masyadong tao dito, pumasok ako sa isa sa mga cubicles and do my things then after that lumabas na ako pero mula sa salamin nakita ko yung isa sa mga Queens. Si Nice. Naghihilamos sya ngayon at nung pag-angat nya, wala na syang eyeliner kaya nakita ko yung mukha nya na normal lang ang itsura. Nabaling ang tingin nya sa salamin at napunta ito sa akin, nakatingin sya sakin mula sa salamin na mukhang nagulat. Medyo nanlalaki pa yung mata nya.

"You look familiar", I said nung na-examine kong mabuti yung mukha

Parang nakita ko na kasi sya somewhere.

Lumapit ako sakanya habang nakatingin sa kanya sa salamin. Mukhang nataranta sya sa sinabi ko

"H-huh? T-talaga?", she said stammering

Natataranta talaga sya. Halatang may tinatago, well alam ko naman una palang yung tinatago nila

"Yeah"

Now she looks pale. Actually I'm just teasing her, wala naman akong balak ibuko sya at ang mga kaibigan nya sa KS. I'm not fool to do that. Honestly, natutulungan pa nga nila kami eh.

"N-no. Baka nagkakamali ka lang, hindi mo ko k-kilala", sabi nya saka kinuha yung bag nya at pumasok sa isa sa mga cubicle, malamang mag-a-eyeliner na ulit sya. Tsk. Nagtago pa.

The Real Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon