006

447 34 7
                                    

napagod ako kakahabol sa punyetang camel na 'yon. hindi ko na din sila pinagpractice pa, halata na din naman sa mga mukha nila na pagod na pagod na sila kaya yung natitirang oras nila sa loob ng practice room, ginawa ko nalang na free time. bahala sila, basta ako kailangan ko lang mahabol yung camel at magantihan.

nung oras na ng uwian, halos ayaw bumitaw sa'kin ng kapatid ko. and of course, si seungcheol din pero di ko siya pinansin mas tinuon ko yung pansin ko sa kapatid kong halos mangiyak-ngiyak na kasi bitin daw. sinabihan ko naman siya na may bukas pero ayaw talaga kumalas. nag-offer din sila pati yung driver na ihatid muna ako sa flat ko. tatanggi sana ako kasi kaya ko naman pero yung dalawa hinigit nalang ako papasok ng sasakyan at inutusan akong ituro yung daan papunta sa flat ko. hindi daw nila kaya iwan ako dahil delikado na't gabi na.

"bye noona!" sigaw ni seungkwan bago ako bumaba ng sasakyan. "ingat baka madapa!"

"bye baboy!" tinignan ko ng masama bigla si seungcheol at tinawanan lang ako ng gago. hay nako. ang sexy ko kaya para maging baboy.

"bye sa inyo!" sigaw ko't pinagmasdang umalis yung sasakyan bago pumasok sa flat.

halos alas-onse na din ng gabi at nagulat ako na gising pa din si manang fei. "hala, manang!! bakit gising pa kayo. matulog na kayo do'n!" pabirong suway ko sa matanda at tinawanan niya naman ako.

"hinintay kita anak, pinagluto kita ng paborito mo." sabi niya't nagningning naman yung mga mata ko. "iinitin ko lang teka." akmang lalayo na sana siya pero hinarangan ko agad siya.

"manang naman," and i pouted. "ako na bahala! magpahinga ka na po doon sa kwarto niyo, okay? good night manaaaang!" at marahang tinulak ko siya papasok ng kwarto niya. natawa naman siya at walang ibang nagawa kung hindi pumasok nalang sa kwarto niya.

"pumunta pala dito yung empleyado ng tatay mo, seunghee. kinuha yung iilang gamit mo." nagulat naman ako sa sinabi ni manang kaya nilapitan ko ulit siya.

"eh? bakit po?" tanong ko.

"doon ka na daw titira sa dorm ng minamanage mo, sabi ng tatay mo." sabi ni manang at nalungkot naman ako. ayoko umalis. ayoko iwan si manang. halos siya na tumayong nanay ko simula nung mamatay si mama. "h'wag ka mag-alala, nak. ayos lang ako dito."

"sure ka manang?" malungkot ko na tugon dahil alam kong mamimiss ko talaga siya. "pa'no 'yon wala kang kasama dito, manang. ayaw ko iwan kaaaa!" at niyakap ko siya.

"binigay na sa'kin ng tatay mo ito. dito na titira yung anak ko kasama yung apo ko. sunod na araw ang dating nila dito." napangiti naman ako sa ginawa ni papa. dabes ka talaga kahit minsan inaaway mo ako, hmp. "balikan mo na yung tteokbokki mo do'n baka mamaya wala ng sauce 'yon." at mahinang pinalo ako sa pwet.

bigla kong naalala yung iniinit ko. jusko! "good night manang!" at kumaripas na ako ng takbo papuntang kusina.

「 💎 」
filler chapter hehehehe

managing svtWhere stories live. Discover now