Napalunok ako. "Kahit na. Pakiramdam ko may kinalaman talaga ako sa nangyayari sa inyo."

He looked at me directly in my eyes. "Kung dahil ito sa narinig mo kay nanay, hindi totoo iyon. Walang sirena. Wala kang kinalaman sa pagkamatay ni Tatay at Kuya Geo sa karagatan." he said sternly.

Napatango na lang ako at tumingin sa karagatan. Huminga siya ng malalim at tinawag ang pangalan ko. "Pasensya na, Sera. Naiinis lang talaga ko kay nanay. Patay na nga si Kuya George ay ganito pa ang ginagawa niya..."

Tinitigan ko lang siya. Kung natatandaan ko lang ang nakaraan ay may magagawa ako. Like the darkness surrounding us in the middle of the ocean, I am lost once again. I don't know how to escape the darkness surrounding me.

"They'll forever hate you for this, Gideon." I looked up at him. Nagkatitigan kaming dalawa. "Bumalik ka sa isla para sa kapatid mo... sa pamilya mo. Kaya ko naman dito mag-isa."

"Paano naman kita maiiwan, Sera? Paano kung may mangyari sa'yo habang wala ako?"

Umiling kaagad ako at pinahid ang luha sa mata ko. Umaga na kami nakabalik sa siyudad at sinabi niyang hindi na siya babalik doon kahit sa libing ng kapatid niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya, alam ko namang nasasaktan siya at nalulungkot sa pagkawala ng kapatid niya pero mas gusto pa niya sa tabi ko.

"Hindi ako aalis ng bahay. Bumalik ka na doon dahil kailangan ka nila. Huwag mong hayaang mas magalit sa akin ang nanay mo dahil sa wala ka roon sa lamay ng kapatid mo. Kuya mo iyon, bumalik ka na please. Para sa akin din naman ito. Para hindi na sumama ang loob ko."

Pinahiran niya ang luha sa pisngi ko at hinalikan ako sa ulo ng matagal. Kinaiyak ko iyon lalo. I'm feeling upset on myself. I can't remember anything. Pakiramdam ko ay may magagawa ako sa lahat ng nangyayari pero nahaharangan iyon ng nawawala kong memorya. Bakit ba kasi napakatagal mabalik ng alaala ko?

"Bumalik ka na doon bukas. Ilang araw lang naman iyon, Gideon. Kaya ko ang sarili ko." Nginitian ko siya at pinahiran ang luha ko. Ang daming tanong sa utak ko pero pinagpaliban ko muna iyon dahil mas kailangang makabalik muna si Gideon sa kanila. Kailangan siya roon ng pamilya niya.

"Huwag kang magpapasok ng kahit sino, Sera. Bibisitahin ka rito ni Ate Femina at iyong mga alaga natin ibabalik na niya para may kasama ka." habilin ni Gideon sa akin at panay lang ako tango dahil kanina pa siya paulit-ulit. Niyakap niya ako saka hinalikan sa ulo. Nginitian ko naman siyang hinatid sa pintuan ng bahay namin. I bid him goodbye as he rode the taxi.

Naglinis na lang ako ng buong bahay tutal naman ay wala akong gagawin. Natapos ako ng tanghalian kaya nagluto ako ng pang sarili ko lang na pagkain. Papaakyat na ako ng hagdan para sana maligo ng may kumatok sa pintuan. Kaagad ko iyong pinuntahan at pagbukas ko ng pinto ay wala namang tao. Kinakunot noo ko iyon.

And there I saw a brown paper lying on the floor. Kinuha ko ang iyon at binasa ang laman.

I know you have many questions in your head, I'll answer it honestly when I come back. -G


Napangiti ako sa nabasa. Marami akong katanungan at alam kong si Gideon lang ang makakasagot noon dahil siya lang naman ang kilala ko na malapit sa akin.

"Nalaman kong hindi maganda ang nangyari sa pagpunta ninyo sa Isla. Okay ka naman na ba?" Dr. Femina asked me as she sat down on the couch. Hinatid na niya ng kahapunan si Dylan at Dally na panay ang damba sa akin. I patted their heads.

"Ayos naman ako. Marami lang tanong na hindi pa nasasagot pero sabi naman ni Gideon ay handa siyang sabihin ang lahat pagkauwi niya." I smiled.

"Mabuti kung ganoon pero paunti-unti lang, Sera. Sabi mo nga ay sumasakit ang ulo mo kapag napipilit alalahanin."

Last Known SurroundingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora