Chapter 18

121 4 0
                                    



Mia.

" Maicee, ano password ng wifi? "

" Anong gagawin mo. " sabi nito habang nakatingin sa phone niya.

" Kakain ako Maicee, kakain. " piloso po kong sabi sakanya. Malamang magiinternet? Ano pabang ginagawa aa wifi?

" Anong gagawin mo nga! "

" Malamang magiinternet ako! "

Tinignan niya ako ng masama. Anong ginawa ko? Siya 'tong makukit rito.

" 'Wag na nga. Ang damot nito. "

" Ako pa madamot? Sinabi ko na nga. "

" Oo nga e, " sakratiko kong sabi sakanya.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa. " Ay boba! Hindi mo nakuha no? "

" Makaboba ka ah! Ang alin ba? "

Tawa parin siya mg tawa, hindi ko naman alam anong nakatawa.

" Anong gagawin mo. Password 'yan ng wifi! " sabi nito habang tawang-tawa.

Okay? Ang tanga ko nga.

" Salamat ah? Pinahirapan mo pa ako. Bwisit ka talaga! "

" I'm home. " sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita.

" Kuya! Kailan kapa dumating? " inirapan ko si Maicee sa naging tanong niya.

" Malamang ngayon? "

Hinampas niya si Marco sa braso, " Kuya naman e! "

Ginulo niya ang buhok nito, napatingjn siya saakin saka niya ako nginitian. " Hi, Mia. "

Nginitian ko lang siya pabalik saka nagnod.

" Ito bang kapatid ko, behave? "

Muli niyang hinampas ang braso ng kapatid, " Kuya naman! Para naman akong bata. "

" O ikaw Mia, kamusta ka? "

Naupo siya sa tabi ko saka ginulo din ang buhok. Natuwa naman ako sa ginawa niya feeling ko tuloy nagkaroon ako ng Kuya. Well kuya ko naman talaga siya dahil pinsan ko, per 'yung totoong kuya ang tinutukoy ko. 35 years old na Kuya Marco. Napakagwapo niya hindi mo halata sakanya ang edad niya parang kasing edad lang namin.

" Ayos naman ako. "

" Hmm? "

Hindi siya naniniwala. Ayos naman talaga ako sa totoo lang. " I'm doing good. " nakangiti kong sabi.

Lumapit naman saamin si Maicee. Naupo sa kabilang side ng kanyang kuya saka niya niyakap ang braso nito. Kung titignan mo parang sila. Hindi mo mahahalatang magkapatid sila. Sweet kasi itong si pinsan kay kuya Marco, si kuya naman sobrang kulit lang.

Room for Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon