Chapter 13

169 4 0
                                    


Mia.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bukas na kurtina ng malaking bintana. Tumalikod ako rito ng may mahagip ang mata ko sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Muli kong ibinalik ang sarili sa kabilabg direksyon.

Isang note

Awtomatiko akong napangiti. Umupo ako sa kama saka kinuha ang isang note. Mahilig pala sa note ang asawa ko? Gusto ko tuloy matawa sa pagkakaisip non. Binasa ko ang nakasulat.

Good Morning , wife. See you downstairs.


Bakit ganon? Bakit kinikilig ako? Tumayo na ako para makapag-ayos na. After kong maligo bumaba na ako. Ugh. Nandito parin pala kami sa Resort. Nasaan ba kasi si Gio?

Pagkalabas ko ng kwarto walang tao. Malamang wala talaga akong makikitang ibang tao kami lang dalawa rito eh. Nagdiretso lang ako sa hallway. Palabas ng hotel. Nagpalinga-linga ako nasaan ba si Gio?

Pumunta ako sa may pool baka nandon siya. Nagbabakasakali lang naman sa lawak niyong Resot hindi ko alam saan ako magsisimula, hindi ko alam saan ako pupunta. Habang papalapit ako sa pool may naririnig ako ingay galing sa tubig parang may nagsswimming dito. Nang tuluyan na akong makalapit halos malaglag ang puso ko sa aking nasisilayan. Mabilis akong napahawak sa dibdib ko. Bakit napakabilis ng tibok ng puso ko?

Pinanuod ko lang siyang lumangoy. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Isa siyang bihasa pagdating sa paglangoy. Hindi ko tuloy matanggal ang mga mata ko sakanya.

" Mia.. "

Napakagwapo talaga ng asawa, napakatikas pa at ang tindig. Gusto kong mahimatay sa mga oras na ito.

" Mia, you're drooling. "

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ng asawa ko. " I'm what!? " nakaahon na pala siya. Hindi ko man lang napansin.

Bigla akong napahawak sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay tumatawa. Wala naman eh.
Tinulak ko siya sa inis ko. Pero sa halip namula ako bigla. Nahawakan ko kasi ang abs niya.


" Ayaw mo pa kasing aminin na pinagpapantasyahan mo ako. " natatawa niyang sabi. Asa naman 'tong lalaking ito.

" Hindi noh! "

Ngumiti siya ng nagpalaglag ng panty- ay este puso ko. Ang hot niya! My goodness! Unti-unti siyang lumalapit saakin. Hinawakan niya ang magkabilang kong kamay. Para akong nakukururyente. Ano ba yan! Ang landi ko asawa mo 'yan Mia.

Napaatras ako ng kaunti ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa tenga ko. " Trust me on this. "

Anong ibig sabihin niya? Huwag niyang sabihin na may gagawin kami dito sa pool? As in dito talaga- bigla niya akong niyakap. " G-gio ano bang g-ginagawa mo? " at bakit ba ako nauutal? Basana tuloy ang damit ko.

" Ready? " talaga bang gagawin namin dito? " Seriously Gio? " pinagtawanan lang niya ako

" On a count of Three.. "

" One.. " the heck! Hindi pa ako ready. Ano bang iniisip ng lalaking ito?

" Two.. " mula sa pagkakayakap sa likod ko ibinaba niya ito sa bewang ko. Napahawak nalang ako sa matigas niyang braso.

Room for Love Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora