Chapter 8

214 8 0
                                    



Pagkasara ko ng pinto, napahawak agad ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito. Ano nga ba ang sinasabi ng puso ko. Na bumalik na ako sakanya?

Napatingin ako sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang asawa ko. Nilapitan ko siya, naupo ako sa tabi niya. Ang gwapo niya, mabuti nalang at hindi ganon kalalim ang natamo niyang sugat sa tyan, pati narin ang mga galos niya sa mukha hindi gaanong malala. Salamat po Lord. Sandali ko pa siyang tinitigan at hinaplos-haplos ang kanyang malamlambot na buhok. I gave him a peck on his lips. Bago pumunta ng banyo at magshower.

Matapos akong mag-ayos at iblow-dry ang buhok ko nahiga na ako sa tabi niya. Tumagilid ako paharap sakanya para mas matitigan ko pa ang mukha niya. " Gahd! I missed you so much. " bulong ko sakanya kahit alam kong hindi naman niya ito naririnig.

Habang haplos haplos ko ang buhok niya bigla nalang kumunot ang noo niya. " Hmmm.. " para siyang nanaginip ng masama pabaling baling ang ulo niya. Hinawakan ko ang makabaling pisngin niya saka hinarap saakin. " No! P-please.. G-give me .. Wife! " hindi ko gaano naintindihan ang sinasabi niya. Tama nga ako nanaginip siya ng hindi maganda.

" Hey hey, Gio. " hindi parin siya kumalma mas nataranta ako ng bigla nalang siyang nagchill. Tumakbo agad ako sa aircon para patayin ko ito. Saka ako kumuha ng mas makapal pang kumot. Kinumutan ko siya, natataranta na talaga ako. Ang taas ng lagnat niya. " M-mia. " napatingin ako sakanya ng tawagan niya pangalan ko, gising ba siya? Kinumutan ko siya hinawakan naman niya ang magkabilang kamay ko. Sht! Ang init niya! " Gio, sandali lang kukuha kita ng gamot. Babalik din ako agad. "

Mas hinigpitan pa niya ang kapit sa kamay ko, " Mia, stay please. I don't fvcking take medicine. " wala na akong nagawa. Kinuha ko nalang ang towel na nakabadbad sa tubig kanina. Saka ko nilagay sa kanyang noo. Tatanggaling pa sana niya pero sinuway ko siya. " 'wag ng matigas ang ulo Gio. " mas inilapit pa niya ang sarili niya saakin kaya mas naramdaman ko an init ng katawan niya pati narin ang panginginig niya. Gusto ko siyang ilayo dahil ayokong marinig niya ang malakas na kabog ng dibdib ko.

" A-ang lamig M-mia, " huminga mo na ako ng malalim, para siyang bata na gustong yakapin ng kanyang Ina. Niyakap ko nalang siya, ang ulo niya ipinatong niya sa dibdib ko. Na siyang ikinagulat ko. " G-gio a-anong ginagawa mo? " hindi naman siya gumalaw mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap saakin. Parang ang init-init tuloy. Hay. " Please wife, let's stay like this. " hindi na ako nakapalag pa pasalamat kang lalaki ka may sakit ka at mahal kita.

Sinuklay suklay ko nalang ang buhok niya. Ang bango bango nito. Ang sarap amuyin parang naeenjoy ko tuloy ang ganitong posisyon namin. Hindi alintana kahit mabigat siya. " Why is it beating so fast and loud? " nanlaki ang mata ko saka ko siya tinulak. Tumawa lang siya at sa unang pagkakataon nasaksihan ko ang isang tawa ng isang Gio. " Magaling kana pala, sige na magpahinga kana. Humiga kana. "

" Gio! " paano ba naman ang ibig kong sabihin humiga na siya sa kama, humiga ba naman siya ulit sa dibdib ko. Hindi niya ako pinansin saka ako niyakap. Hay. Ano bang nangyayari sa lalaking ito. He is acting weird lately. Hindi ba dapat masaya ako? Masaya naman ako pero naguguluhan parin ako. Niyakap ko nalang siya, ng makaramdam ako ng antok. Masaya ako na kasama ko ulit ang asawa ko.

Pero meron paring katanungang gumugulo sa isip ko. Sasama ba ako sakanya? Maniniwala ba ako sa mga pinapakita niya?

****

Nagising nalang si Gio dulot ng masamang panaginip na iniwan na siya tuluyan ni Mia. Pagkamulat ng mata hinanap niya agad ang asawa. Only to find out na natutulog lang pala ito sa tabihan niya. Niyakap niya ito. Ganoon lang ang posisyon niya habang titig na titig sa asawa. God knows for how so long. Muli ito humiga sa dibdib niya, smelling the scent of her favorite perfume. Para itong isang drugs na unti-unti siyang naadik dito. Mas isiniksik pa niya ang sarili sa asawa.

Room for Love Where stories live. Discover now