Chapter 14

146 5 0
                                    


Mia.

Pumasok na kami sa loob matapos ibaba ni Gio ang telepono. Tinanong ko pa siya kung sino ang tumawag pero hindi niya ako sinagot. Hinila nalang niya ako papasok ng hotel.

Pagkapasok namin sa kwarto hindi ko maiwasang malungkot ng laptop agad ang hinarap ni Gio. Trabaho nanaman ang inatupag niya.

Nilapitan ko siya . Pinalupot ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Nanlalambing sa aking asawa. Kinukuha ang atensyon niya.

" Mia, can't you see? I'm working here. "

Nasaktan ako sa tono ng pananalita ni Gio. Naiinis ba siya sa ginawa ko? Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nakatayo na pala siya. Nagpakawala siya ng malalim ng paghinga.

" Okay, tatapusin ko lang ang trabaho ko. "

Yumuko lang ako. Hindi ko naman sinasadyang guluhin siya kanina. Gusto ko lang siya lambingin dahil ang saya ko. Hindi ko siya tinitignan. Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang baba ko paangat upang matignan ko siya sa mata.

" Hey, wife. I promise I'll make it up to you this time. "

Tumango lang ako. Hinawakan niyang ang kamay ko saka hinila papalapit sa kama. Pinaupo niya ako habang siya nanatiling nakatayo sa harapan ko.

" Wait for me. " pagkatapos sabihin 'yon ni Gio. Bigla niya akong hinalikan sa labi ng ikinagulat ko. I didn't see that coming. Napawi tuloy ang lahat ng inis ko kanina sa isang halik lang niya. Ngumiti ako sakanya ganoon din siya saakin bago tumalikod saka bumalik sa ginagawa niya.


Pinanuod ko lang siyang gawin 'yon. Hanggang makaramdam ako ng antok. Inayos ko ang unan at kumot sa kama pagkatapos nahiga ako.


Nagising nalang ako ng makaramdam ako ng gutom. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Napatingin ako sa labas madilim na, gabi na pala. Tinignan ko naman kung saan nakaupo ang asawa ko kanina, wala na siya. I frowned.


May napansin akong bagay sa table niya kaya tumayo ako. Lumapit ako sa table ni Gio. Sa screen ng laptop niya may nakadikit doon na note. Napangiti ako.

I'm sorry, wife. I didn't wake you up. I'll come back as soon as I fix things out. Don't go anywhere or else.
~ Gio

Napawi ang ngiti sa aking labi. Napalitan ito ng lungkot. Hay. Umalis nanaman siya. Lumabas nalang ako at ng makapag libot naman ako sa Resort.

Nagpalit ako ng damit. Nagsuot ako ng Dress. Hindi ko alam pero trip ko lang. Pagkatapos pinatungan ko ito ng cardigan dahil siguro ako malamig ang simoy ng hangin sa labas. Itinali ko rin ang buhok ko, naiirita kasi ako kapag hinaharangan nito ang mukha ko.

Pagbukas ko ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko. Halos mamangha ako sa ganda. Mga nagkakalat na petals ng rosas sa isang pulang carpet at magkabilabg dulo nito ang nakahilerang mga maliliit na kandila.

Inihakbang ko ang aking nga paa, bawat hakbang ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alan ang nangyayari pero bakit pakiramdam ko para saakin ito? Hindi nga ba?

Sinundan ko lang ito. Halos ang haba din ng nilakad ko bago marating ang dulo.

Isang pigura ng lalaki ang naabutan ko. Ang likod niya ay saakin.

" G-gio? "

Hindi makapaniwalang sambit ko. Paanong nandito siya? Hindi ba nasa trabaho siya? Dahan-dahan siyang humarap saakin. Sinampal ko g mahina ang sarili ko kung hindi ako nananaginip. Nakumpirma ko lang ito ng tumawa ang lalaking nasa harap ko.

Room for Love Where stories live. Discover now