"Why? It's not even my fault. Umamin siya na kasalanan niya. Why would I say sorry?" Depensa ko.

"I said say sorry."

Seryosong sabi niya habang poker face. Hindi ko mabasa ang expression niya. Pero I know that she's serious.

"Fine, fine. As if I have a choice," sabi ko at nag roll eyes. Buset! Wala naman akong kasalanan! Pati yung mga pinsan ko masama ang tingin sakin. Okay lang sana kung si ate lang bubugbog sa akin ehh.

Pero kung isang grupo ba naman. Naku kahit naman ata black belter ako ng taekwondo ay hindi ko kakayanin silang limang katulad ko. Oo, taekwondo ang sport namin. Baka naman masira ang gwapo kong mukha diba?

Umalis na kami ng yacht. Wala na si Chloe sa seaside. Baka nagpalit na siya ng damit. Hayys. Magso sorry lang ba? Madali lang pala eh.

Pero, paano nga ba magsorry kung wala kang kasalanan?

Habang naglalakad ay napapaisip ako. Mali ata ako. Mukhang napakarami ko ngang kasalanan sa kanya. Shit.

Paano ba hihingi ng tawad kapag napakarami mong kasalanan?


Chloe's POV

Pumunta ako kaagad sa room para makaligo na at makapagpalit ng damit. Grabe lang talaga. Nabasa yung phone ko. Pero ayos lang. Buti at nag on pa 'to. Whew. 


Naligo na ako at nagpalit ng shorts at cropped top. Nasa beach lang naman ehh kaya hindi bawal ang shorts. Pero grabe, pangit talaga ako sa paningin niya. Asa naman akong magandahan siya sa tulad ko.

Naisipan kong pumirmi na lang dito sa kwarto at manood o di kaya ay makinig ng music. Binuksan ko ang aircon at nag earphones. Humiga ako sa kama at pumikit.

Wala na bang pag-asa na maging magkaibigan kami ni Travis? Sana kahit yun lang. Kahit pagkakaibigan lang ang ibigay niya.

Minsan iniisip ko, may nagawa ba ako sa kanyang masama dati para kasuklaman niya ako? Ayaw niya ba sa akin dahil lang sa mukha akong nerd? Pwede ko naman ayusin sarili ko.

Kung yun lang ang dahilan, pwes kaya ko naman ayusin ang sarili ko ehh. I will not wear those nerd glasses again. I will live as Chloe Morgan and not Chloe the nerd.

I hope maging friends kami. Napamulat ako ng mata. Basa ang aking pisngi. Umiiyak na pala ako. Ang babaw ko naman. Para yun lang eh.

Maya-maya ay may kumakatok na sa pinto kaya tumayo ako para buksan ito. Nabigla ako ng makita ko kung sino yon. Akala ko sila ate.

Si Travis.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahh, ehh ano kasi. Uhm," sabi niya at napahawak sa batok niya at tila nahihiya.

"Ano yon?"

"Uhm, gusto ko lang sanang mag s- sorry. Yun sorry. Kahit hindi ko kasalanan, sorry pa rin. Okay na?" Sabi niya at tumingin sa ibang direksyon. Nautal pa siya nung sinabi ang salitang sorry. Hindi ko maiwasang mangiti.

"Habang naglalakad ako papunta rito, narealize ko na sa dami ng nagawa ko sa'yo, dapat akong magsorry. So, sorry na. Sa lahat ng nagawa ko sayo. Sa pag bully at pangttrip. Nabbwisit kasi ako sa'yo eh. Di ko rin alam bakit."

Nagpapaliwanag pa siya sa akin. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Isang Travis Chase nandito ngayon sa harap ko at humihingi na ng tawad? Sino ba naman ako para tumanggi? I know that it took him so much courage to come here. Nilunok niya oa ang pride niya.

Ang isang Travis ay nagsosorry ngayon. Oh well. "Wag kang mag-alala. Matagal na kitang napatawad. Kalimutan mo na yun," sabi ko at ngumiti.

"Talaga? Grabe ang bilis naman ata? Are you even normal?" di malapaniwalang sabi niya.

"Uhm pwede magtanong?"

He shrugged but then nodded.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan? I meab you can still say no, kung ayaw mo," tanong ko at hindi makatingin sa kanya.

Natigilan pa siya at nag isip. Kinabahan tuloy ako.

"Okay."

"Okay? Friends na tayo?"

"Yah, you can call it that," sagot niya at ngumiti ng alanganin. "So friends?" I said while stretching my hand for a hand shake.

"Friends."

Nakipag hand shake siya sa akin. I feel dreamy right now. I'm holding my crush's hand and he accepted my offer of becoming his friend.

The Mysterious Nerd Où les histoires vivent. Découvrez maintenant