THE STICKY NOTE
Kahit pinakahuling umaalis ng paaralan si Mr. Lopez, sya pa rin ang pinakamaagang pumapasok araw-araw malibang ngayong araw.
Nadatnan nyang may pulang sticky note na kakadikit sa mesa nya, at ganito ang nakasulat:
++Tanungin mo si Analiza, alam nya kung nasaan ang hinahanap mo.++
Alam ni Mr. Lopez kung ano ang tinutukoy ng sulat na iyon.
Naghintay sya ng tamang oras. Kumuha siya ng glue at pinatuyo sa dulo ng kanyang mga daliri. Ginawa nya iyon para burahin ang mga finger prints nya. Sa bulsa niya naroon ang paborito niyang lanseta.
"Magandang umaga, Ms. Ochoa!" binati niya ang katrabaho.
"Oh, Mr. Lopez, napadalaw ka dito sa laboratory," tugon naman matandang dalaga. "Anong sadya mo?"
"Wala ka bang klase?" usisa ni Mr. Lopez.
"Meron sana pero kaunti lang ang pumasok dahil natakot dyan sa patayan na yan kaya di na ko nagklase. Tingnan mo naman at talagang iilan lang mga estudyante ngayon," wika ng science instructor habang nag-aayos ng mga kasangkapang pang-laboratoryo. "Mabuti na rin nga at para makapagpahina. Napupuyat ako. Talagang pag tumatanda na mahirap ng matulog."
"Mahirap talagang matulog pag maraming tinatagong sikreto, Ms. Ochoa," parinig niya.
"Haha," pilit niyang tawa. "Ano bang klaseng biro yan, Mr. Lopez?"
"Haha," gumanti siya ng plastik na tawa. "Hindi ako nagbibiro, Ms. Ochoa, alam kong may itinatago ka."
"Naku, Mr. Lopez, wala akong oras makipagbiruan sayo. Marami pa kong gagawin."
"Kasasabi mo lang, Ms. Ochoa, na wala kang klase at magpapahinga ka lang. Bakit parang umiiwas ka?"
"Wala akong itinatagong sikreto. Umalis ka na!" bulyaw ng matandang dalaga.
"Alam kong alam ko kung bakit pinili kong manatili dito sa unibersidad na to. May hinahanap ako, Ms. Ochoa. At may nakapagsabi lang naman sa akin na alam mo kung nasaan siya."
"Ano? kayamanan? May nakabaon bang kayamanan dito sa paaralan na to? Oh heto," kumuha siya papel at ballpen at nagsusulat ng kung anu-ano at iniabot kay Mr. Lopez. "Ayan ang mapa, hanapin mo ang kayamanan," wika na nakangisi.
Hinablot sya ng lalaki sa bisig. "Nakapatay na ko ng tao, Ms. Ochoa, at hindi ko yun pinagsisihan. At kaya kong ulit-ulitin yon. Ngayon sabihin mo sa akin kung saan ko makikita si Diane?"
Biglang nanlaki ang mata ng binibini. Namutla ang kanyang mukha, "Diane? Diane Gonzaga?" Pilit syang lumalayo kay Mr. Lopez pero hawak siya nito. "Nawawala sya, di ba? Ewan ko. Hindi ko alam," habang sinasabi nya iyon lalong tumitindi ang panlalamig ng katawan nya at maging ang itim ng kanyang mga mata ay nanginginig sa takot.
"Pambihira!" bulalas ng lalaki. "Patatagalin pa ba natin to, Ms. Ochoa? Halatang-halata namang may alam ka."
"Pabayaan mo na ko, Mr. Lopez, parang awa mo na. Kung sasabihin ko sayo ang nalalaman ko, papatayin din nila ko. Babalikan nila ko."
"Walang'ya, sino kayo na nakakaalam kung nasaan si Diane?"
"Hindi ko pwedeng sabihin, papatayin nila ko. Pero sinasabi ko sa'yo, ang kalandian ng Diane na yun ang nagpahamak sa kanya."
Yun ang mga salitang hindi napagtimpihan ni Mr. Lopez. Hindi naging maingat si Ms. Ochoa sa mga sinabi nya sa pag-aakalang hindi sya kayang patahimikin ng lalaki.
Dalawang magkatabing saksak ang bumutas sa dibdib ng matanda ngunit tinarakan ito ng lalaki ng basag na test tube para itago ang tunay na kasangkapang ginamit sa pagpatay.
Maingat si Mr. Lopez. Naging matalino sya at sa sandaling panahon ay naplano nya ang lahat. Hindi maaaninag sa mukha nya ang anumang bakas ng takot at pagsisisi. Masyado syang malakas para makayanang magpanggap na normal lang ang lahat.
"Good morning, freshmen!" pumasok siya sa isang klase matapos ang insidente. "Ako si Mr. Lopez. Alam nyo naman siguro na ang nangyari kay Mr. de Quiros na guro ninyo? Pansamantala, ako muna ang papalit sa kanya."
"Okay po, Mr. Lopez. Nice to meet you," bati ng mga mag-aaral na kinabibilangan ni Dan at Sally.
"Sige, mag-attendance muna tayo."
"Mr. Acanto!"
"Mr. Dula."
"Wala po. Di pinapasok ng tatay."
"Mr. Franco!"
"Absent po yan, sir, kahapon pa. Masakit daw po ulo."
"Mr. Gonzaga."
"Present po, sir."
Nang matapos na ang klase na iyon, natagpuan na ang patay na katawan ni Ms. Ochoa. Dito nagsimulang maglabasan ang iba't-ibang haka-haka na nagdulot ng takot sa marami.
Kinabukasan, iilang estudyante at guro na lang ang pumasok. Kabilang na doon sina Mr. Lopez at Mr. Torres.
"Mr. Torres, alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa mesa ko kahapon ng umaga," wika ni Mr. Lopez ng makasalubong nya si Mr. Torres ng araw na iyon.
"Ou, tama ka," umamin naman akaagad ang kausap. "Nalaman mo na ba kung nasaan si Diane? Malamang, hindi, kaya nga pinatay mo siya di ba, dahil nagmatigas sya."
"Kung alam mong may alam si Ms. Ochoa, siguradong may alam ka rin, Mr. Torres."
"Ou nga naman, bakit di ko agad naisip yun bago ko itinuro si Analiza," sabay tawa.
"Ngayon, gusto kong malaman kung nasaan si Diane?"
"Paano kung hindi ko sabihin, papatayin mo rin ba ko?" nang-aasar niyang tono. "Pag pinatay mo ko, sino pang pagtatanungan mo? Wala na. Aruy kawawa. Pero wag kang mag-alala, malapit na kong patayin ni Diane, ng mahal mong Diane. Papatayin nya ko katulad ng ginawa nya kay Ramiro," tila maluwang na ang turnilyo ni Mr. Torres.
"Nagsasayang ako ng oras kausap ang isang baliw," ang tanging nasabi ni Mr. Lopez sa sarili.
Maya-maya napansin ni Dan na may isang babaeng parating, hanggang balikat ang buhok nito. Siya ang mama ni Diane.
"Anak," bati niya kay Mr. Lopez at niyakap ito.
"Malapit na nating mahanap si Diane," tugon naman niya sa ginang.
YOU ARE READING
Dreamcatcher [Yatnihihgan]
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino | At the beginning of another academic year, Dan and Sally with their twisted fate will be involved in a series of murder where they initiated their own investigation to reveal the identity of the killer. As victims were strangled...
![Dreamcatcher [Yatnihihgan]](https://img.wattpad.com/cover/3409212-64-k111157.jpg)